(29) #TMMTHSection

2.7K 112 1
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Paano naging kayo Bro?" - James to Fredison


"Kailan mo sinagot si Fredison Bes?" - Kate to Louise


"Bakit mo 'to tinago sakin Louise?" - Aldren to Louise


Tinadtad ng mga tanong sina Louise at Fredison.


"Sandali lang guys. Magsitahimik muna kayo. Mahina ang kalaban." sabi ni Fredison. Tumahimik naman sila. Si Billy naman ay tahimik lang talaga.


"As what I have said. Yes, me and Louise are officially couple. Pero kanina pa lang niya ako sinagot." nakangiting sabi ni Fredison sabay tingin kay Louise.


"Woah! Congrats sa inyo Bro." sabi ni James kina Louise at Fredison.


"Congrats sa inyo." sabi naman ni Kate sa dalawa.


"Mukhang magkakaroon tayo ng double celebration." masayang sabi ni Kathleen. 


Mga hating-gabi na rin natapos ang party at nalasing na sila maliban lang kay Louise.


- THREE DAYS LATER -

LOUISE'S POV

"O Bes, bakit may eye bags ka?" nag-aalalang tanong sakin ni Kate.


"Tinapos ko pa kasi yung project ko sa strict naming adviser. Ngayon na kasi ang deadline nito." sagot ko kay Kate.


"Naku Bes! Hindi ka pwede magpuyat. Ilang araw na lang at magsisimula na ang Coronation Night ng Miss DGUP 2016." sabi sakin ni Kate. Bigla namang nag-bell. Ibig sabihin nun ay flag ceremony na. 


Pagkatapos ng flag ceremony ay pumunta na kami sa room namin.


Pagkarating ko sa room ay nandun na yung baklang adviser namin na ubod ng strikto. Hindi man lang siya nag-good morning samin.


Pinasa ko sa kanya ang project ko na talaga namang pinagpuyatan ko.


"Since malapit na ang 2nd sem ay magbabago rin ang sectioning niyo." sabi nung baklang adviser namin. Every semester kasi ay nagbabago yung sectioning namin kuno dito sa DGUP. Ang dami nilang pauso.


Yung sectioning namin is based on our grade in previous sem. Napa-english tuloy ako.


Inannounce ng Adviser namin kung sino yung Star Section at napabilang naman ako dun at pati na rin ang tatlong hunks.


"Yung lang ang naka-proceed sa star section." sabi ng Adviser namin.


"What? Bakit hindi ako kasali?" pagrereklamo ni Princess sa Adviser.


"Ms. Sy, mababa ng grades mo noong 1st sem. Minsan ka lang pumapasok ng school. Pwede ka namang magsulat ng excuse letter kung may taping ka para exempted ka. Pero wala ka namang binigay na excuse letter sakin. Yung tatlong hunks lang yung meron." sabi ng Adviser namin kay Princess. Buti nga sa kanya. Bwahahaha!


Nang mag-dismissal na ay pinuntahan ko si Kate sa room nila.


"OMG Bes! Star section ako." masayang sabi sakin ni Kate.


"Waaaa! Ako rin. Ibig sabihin nun ay mag-classmate tayo." masayang sabi ko kay Kate.


"Kyaaaaaaaaaaaa!" 


Napatalon kami sa tuwa at nagyakapan. Nakakatuwa naman dahil magiging classmate ko si Kate for this sem.

**********

**********

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Maid Meets The Hunks (Book 1) [Published under Dreame]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon