(62) #TMMTHVase

1.5K 86 0
                                    

LOUISE'S POV

"We're fourth year college student guys." masayang sabi ni Kate.


"Oo nga, parang kailan lang dumaan ang mga araw noong unang nag-aral tayo rito." pagsang-ayon ko.


"Isang taon na lang ay makakamit na natin ang inaasam nating diploma." sabi ni Fredison habang kumakain ng paborito niyang popcorn. Sobrang saya namin dahil fourth year na kami at nalampasan namin ang elimination.


Pumunta kaming lahat sa gymnasium dahil mayroon kaming orientation ngayon umaga. Mamayang hapon pa magsisimula ang regular class namin.


"Guys, pakibantay muna ang upuan ko. Punta lang ako sa CR." sabi ko sa kanila. Baka kasi upuan ng iba.


"Sige lang Bes." tugon sa'kin ni Kate. Tumayo ako at naglakad papuntang CR.


- WOMEN'S COMFORT ROOM -

Pagkatapos kong umihi ay lalabas na sana ako nang may narinig akong usapan.


"Girl, may chika ako sa'yo." narinig kong sabi ng isang babaeng estudyante.


"Ha? Anong chika naman yan?" tanong ng kausap niya.


"Narinig kong may nawawalang anak si Mr. De Guzman." sagot ng babaeng estudyante. Napatakip naman ako sa bibig ko dahil sa nalaman ko. Mayroong nawawalang anak si Mr. De Guzman? Bakit ngayon ko lang 'to nalaman?


"Talaga girl? Grabe, hindi ako makapaniwalang meron pala siyang nawawalang anak." narinig kong sabi ng kausap ng babaeng estudyante na hindi rin makapaniwala sa narinig niya.


"Oo nga at nalaman ko ring iniwan niya ito noong sanggol pa lang."


Iniwan? Bakit parang kinabahan ako bigla?


"Iiwan niya pero hahanapin din pala. Dapat hindi na lang niya iniwan ang anak niya para hindi na niya ito hanapin pa. Ang shunga naman niya."


"Baka may dahilan si Mr. De Guzman kung bakit niya ito iniwan. Pero kung sino man yung nawawalang anak ni Mr. De Guzman ay ang swerte niya."


"True dahil magiging hari o reyna na siya ng school na 'to."


"Oo nga. Tara na girl baka mahuli pa tayo sa orientation."


At wala na akong narinig pang kasunod. Lumabas na rin ako ng CR at naglakad papuntang gymnasium. Nasa isip ko pa rin ngayon ang narinig ko kanina. Hindi tuloy ako makapag-concentrate sa orientation namin.


"Wifey ko, ayos ka lang ba? Kanina ka pa tulala." tanong sa'kin ni Billy. Bumalik naman ako sa huwisyo.


"O-okay lang ako hubby ko." sagot ko sa kanya. Nauutal tuloy ako.


- AFTERNOON (1:59 PM) -

Pagkatapos ng first subject ay inutusan ako ng Adviser namin na dalhin ang mga papeles sa office ni Mr. De Guzman. Ang bigat nga dahil maraming papeles ang magkakapatong-patong. Naa-out of balance tuloy ako minsan papuntang office ni Mr. De Guzman.


Dapat pala humingi ako ng tulong kay Fredison dahil nadaanan ko siya kanina at kasama pa niya si Ate Kathleen.


Nang makarating ako sa office ni Mr. De Guzman ay kumatok muna ako.


*tok tok tok*


Pero walang nagbubukas ng pinto. Mukhang wala yata diyan si Mr. De Guzman.


Pinihit ko naman ang doorknob. Hindi ito naka-lock. Siguro naman pwede akong pumasok para ilagay sa mesa niya ang mga papeles na 'to. Tama.


Pumasok ako sa loob ng opisina ni Mr. De Guzman.


Pagpasok ko pa lang ay mapapamangha ka talaga sa ganda ng office ni Mr. De Guzman. Feeling ko nga ay bahay na 'to dahil may kalakihan ang space.


Nang makalapit na ako sa mesa ni Mr. De Guzman ay ipinatong ko ang mga papeles dun.


*crash*


O_______O


Pero kasabay nun ay may nasangga akong isang bagay at nabasag ito.


Hindi ko napansin ang paboritong vase ni Mr. De Guzman. Nabasag ko ito.


Lagot na.


MR. DE GUZMAN'S POV

"Handa ka na bang makilala ang anak mo?" tanong sa'kin ng kaibigan kong si Daniel.


"Handang-handa na." sagot ko. Bahala na kung ipagtabuyan man niya ako o hindi. Matagal na panahon ko na ring alam kung sino at nasaan ang anak ko. Pero hindi ako nagpakita sa kanya dahil sa takot.


Pero ngayon ay handa na akong makilala siya at tanggapin ang magiging reaksyon niya tungkol sa'kin.

**********

The Maid Meets The Hunks (Book 1) [Published under Dreame]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon