"I believe in Vodka. She's smart and a fast leaner. Alam ko naman na busy ka Ms. De Vera kaya nga ang isasama ko sana sa Sommelier Convention ay si Vodka Janice." Natilihan ako nang makilala ang boses na iyon. Damn! Masyado akong pre-occupied sa madaming bagay. Mabilis na nanghina ang mga tuhod ko, parang nawalan din ng lakas ang katawan ko sanhi para mabitawan ko ang box na yakap-yakap.


Sabay-sabay akong nilingon ng apat na nasa patio. Unang nagtama ang mga mata namin ni Sir Pasco, walang emosyon ang kanyang mukha at para bang hindi na siya nagulat na makita ako. Dahan-dahang bumaba ang mga mata niya sa bagay na naging sanhi para mapabaling sa akin ang kanilang atensyon. Sinipa ko ang box hanggang sa pumailalim ito sa isang wooden table malapit sa sliding glass door. Tumikhim ako at inayos ang aking damit. Mariin akong pumikit at inisip kong maayos ba ang hitsura ko. Ang oily ko na siguro, bago lang ako pumasok nagpopowder at hinahayaan ko na maging haggard ako hanggang sa makauwi.


"Vodka! I missed you!" tumayo agad si Ate Ja at sinalubong ako ng mahigpit na yakap.


"Wow! You look so great with your smart casual dress. Who would've thought 'di ba? Loose shirt and butas-butas shorts ka lang dati. Do you still wear those kind of clothes?" sunud-sunod na saad ni Ate Janine nang saglit siyang humiwalay sa akin ng yakap.


"Kaya nga laging napapagalitan pa din ng Mommy mo." Halakhak ni Daddy. Mommy just rolled her eyes on me.


"Simplicity is beauty as they say." Kibit-balikat naman ni Sir Pasco na ngayon ay nakangiti na sa akin. Unti-unting gumapang sa akin ang init. Kailangang tapusin ko na talaga ito. Ayokong pangalanan ang nararamdaman ko. Bakit ba ipinaparamdam sa akin ni Sir Pasco ang ganitong kakaibang sensasyon. Hindi pa man niya ako nahahawakan ay nagbabaga na ako. Titig pa lang ito! Titig pa lang na parang hinuhubaran? Is this a sexual harassment? Baka nga ako pa ang makasuhan niyon, nag-iisip at nag-iimahinasyon ako sa kanya.


"Come, sit with us." Hila sa akin ni Ate Ja at pinaupo ako sa katabi niyang upuan. Nakapaikot kami sa coffee table at kahit hapon pa lang ay umiinom na sila ng red wine. Kung hindi pa niya ako hinila at inalalayan paupo ay baka kanina pa ako nabuwal. Nanghihina talaga ang mga tuhod ko. Si Sir Pasco yata ang kryptonite ko.


"Francis got invited to Philippine Sommelier Association's annual convention." Simula ni Daddy at proud na binalingan ng tingin si Sir Pasco na ngayon ay sumisimsim lang sa wine nito.


"Kung hindi lang kami pupunta sa Venice ng Mommy mo ay pupunta ako." Hindi ko alam kung bakit excited si Daddy, as if naman hindi siya naiimbitahan ng PSA. Iyon ang samahan ng mga Master Sommelier sa buong bansa. They have a great understanding and mastery of wine. Sila ang expert kung anong food ang nababagay sa specific wine. They usually work in hotels, restaurants or wine cellars. Kailangan din ay expose ito sa iba't-ibang uri at lasa ng ubas lalo na sa proseso ng wine making.


Ang forte naman ni Daddy ay alcohol mixing at wala siyang proper training or course to become a sommelier.


"Technically ay si Zeus naman talaga ang Master Sommelier sa aming dalawa. Nagkataon lang na nasa abroad siya to finish his PhD. I'll attend the convention to represent my cousin and our company." Ang tinutukoy nito ay ang pinsan na siyang CEO ng Distelleria de Villacorte. Malaking bagay nga naman ang Sommelier Convention para sa kompanya dahil marami ding dadalo doon na iba't-ibang wine makers. It's an event with formal wine tasting, trade fair and updating the new wine trends.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Virgin's First Night 9: UnveiledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon