Chapter 3

9.2K 273 46
                                    




Chapter 3

Tahimik lamang ako sa buong hapunan habang abala naman sa pakikipag-usap ang parents ko sa kanilang mga bisita. Hindi ko manguya ng maayos ang karneng kinakain ko dahil lagi ko na lamang nahuhuli si Sir Pasco na nakatingin sa akin at pinapanood ang bawalt kilos ko, nariyan iyong mabilaukan ako ng dahil sa kanya. All of a sudden ay naging aware ako sa bawat kilos ko, kung dati ay kaya kong pagkasyahin ang malaking hiwa ng karne ngayon ay kailangan ko pa iyong pira-pirasuhin.

Puro negosyo ang pinag-uusapan nila kaya naman si Mama ay hindi ganoon maka-relate, ang alam naman niya ay ang maglustay ng pera. I love my mom, kahit na minsan ay napaka control freak niya!

"Ang tahimik naman nitong bunso ninyo Stan, Jackie." pansin sa akin ni Tita Beatrice at ngumiti sa akin. Muntik na akong mapaubo nang bigla na lang akong sikuhin ni Mama. Umirap ako at ginantihan ng ngiti si Tita.

"Ang ganda niya. Sana next time ay makilala ko rin iyong panganay ninyong anak." ani pa ni Tita kaya hindi mapalis ang pekeng ngiti ko. Hindi na ako makapaghintay na matapos ang gabing ito.

"Huwag kang mahiya rito sa Tita Bea mo at sa Tito Francis mo." muntik ko nang maibuga iyong tubig na iniinom ko dahil doon sa sinabi ni Papa. Gusto kong bumunghalit ng tawa lalo na nang magkasalubong ang mga mata namin ni Sir Pasco. Tito pala ha? Tinaasan ko siya ng kilay at ngayon naman siya ang hindi makatingin sa akin. Ayan! Mag-flirt ka pa sa akin, tawagin daw kitang TITO.

"Is there something funny, Vodka?" tanong ni Sir Pasco. Nagtaas siya ng kilay kaya naman mabilis akong umayos ng upo. Kahit pa mayabang siya at gusto ko siyang asarin ay naalala kong boss ko pa rin siya sa OJT.

"Wala po, Tito." ngisi ko sa kanya. Gusto kong i-excuse ang sarili ko at magtago sa kwarto ko upang pakawalan lang itong tawa ko. Feeling ko mauutot na ako kakapigil sa tawa ko.

"Excuse me po. I'll just get my phone." ngiti ko sa kanila at tahimik na tumayo.

"It's okay, Vodka. I know nabobored ka na sa usapang matatanda. You can go and do your homework." ani ni Tita. Napansin ko ang lihim na pag-irap ni Mama kaya naman mabilis ko siyang kinalbit sa siko at umiling. Nagpaalam na lang ulit ako sa kanila at mabilis na tinakbo ang aking silid. Kapag naalala ko iyong mukha ni Sir ay hindi ko mapigilang mapatawa. Serves him right! Siguro ay mamaya-maya na ako babalik kapag nakapag-usap na silang matatanda.

Kinuha ko muna ang aking iPad at naglaro ng Temple Run habang nagpapalipas ng minuto. Hindi ako makapag-concentrate dahil naiisip ko na naman iyong mukha ni Sir Pasco, sa huli ay ini-stalk ko na naman siya sa Google. Hinanap ko ang social accounts niya at nalaman kong parehas na naka-privateang kanyang twitter at instagram account. Pigil na pigil ko ang sarili ko na i-click ang follow button dahil mahuhuli niyang inii-stalk ko siya. Gusto kong makita kung sino ang asawa niya, kung ano ba ang hitsura nito. I bet pang beauty queen ang ganda non at sosyal. Hindi naman siguro mag-aasawa si Sir ng kung sinu-sino lang. Kapag naiisip ko 'yon ay hindi ko maiwasang mainggit.

Sa huli ay kinain rin ako ng boredom at napagpasiyahan na lumabas na lamang sa aking silid. Kinuha ko ang aking laptop at ilang libro upang ayusin na lamang ang powerpoint ko na ippresenta ko pa kay Sir Pasco. Sana naman ay pumasa na ito sa kanya dahil ayokong ma-late ng pag-graduate. Buong pag-iingat akong bumaba sa may library/office ni Papa, ayokong mapansin pa nila ako. Ayoko kasi talagang nakikisalamuha sa mga bisita nila Papa at Mama. Nahihiya ako, ayokong binibigyan ako ng atensyon at mga papuri.

Pagkarating sa may library ay mabilis kong binuksan ang aking laptop at imbes na asikasuhin ang powerpoint ko ay siyang internet ang una kong ini-open. Hindi ko mapigilan ang  pang-stalk kay Sir Pasco kahit na alam kong mali iyon. Alam kong hindi ko siya dapat pinagtutunan ng ganitong oras dahil pamilyado na siyang tao. Ayokong maging Mistress-wanna-be.

"Hi." halos mapatalon ako sa presensya ni Sir Pasco ng dahan-dahan pa siyang dumungaw sa may pinto ng library kaya naman mabilis kong isinara ang laptop ko. Para akong kriminal na huling-huli sa akto ng pagnanakaw.

"S-Sir" utal kong sabi habang pinapanood siyang pumunta sa bookshelf ni daddy. Kinuha niya ang isang libro at binuklat iyon at habang ginagawa niya iyon ay nakatuon pa rin sa akin ang mga mata niyang nanghahalina. Parang may kung anong magnet ang mata niya at hindi mo maiiwasang mapatitig rin doon.

"Oh? Bakit hindi TITO ang itawag mo sa akin? Hindi ba't pinagtatawanan mo ako kanina?" mabilis ang naging pag-iling ko though aminado ako na pinagtawanan ko talaga siya. Kasi naman ilang taon ba ang tanda sa akin ni Sir Pasco? Almost 10 years?

"Hindi naman Tito ang gusto kong tawag sa iyo eh." kailangan talaga na masanay na akong hindi ma-intimidate sa kanya. Hindi naman ako ganito eh, sa kanya lang talaga ako nababalisa at nauutal.

"Kung ganoon ano? Honey? Baby? Darling?" taas-kilay niyang tanong sa akin. Umiling lang ako at nagtaas din ng kilay. He's really flirting with me.

"Manong." saad ko at natawa sa sarili kong biro. Halong maiyak na ako kakatawa at napatigil lamang ako ng mahuli ang reaksyon ni Sir. Oh my gosh! He stares at me so intensely? It made me so uncomfortable. Well, hindi naman iyong uncomfortable na para bang nababastos na ako. Is just that he is too intimidating and I am too shy to maintain eye contact. Napalunok ako nang bumaba pa ang tingin ko sa mga labi niya.

"I love your laugh. It's genuine and sexy." he smirked. Halos pabulong lamang niyang sinabi iyon pero nanuot na iyon sa buong pagkatao ko. Para bang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa aking batok.

"Sus. Bolero! Ano pong ginagawa mo rito?" ismid ko at binuksan ang aking laptopp. Pilit kong inililihis ang aking atensyon sa kanyang mga labi. It's just a phase! Normal lang naman siguro na magka-crush ako kay Sir Pasco. He's handsome, rich and kung stability lang din naman ang hinahanap ko ay nasa kanya na ang lahat. Iyon nga lang ay taken na siya, as in committed na. For God's sake ay may dalawa na nga siyang anak!

"Stop with the "Po". Parang nadagdagan ang anak ko." natawa akong muli dahil sa pagsusungit niya. Kitang-kita ang pagka-disgusto niya. Parang ang bastos naman kasi kapag hindi ako nag "Po" at "Opo"

"Nasanay na po ako saka isang dekada po kaya ang tanda mo sa akin." mas lalo akong naaliw dahil halatang naiinis siya sa pang-aasar ko. Idinidiin ko pa ang salitang "Po".

"Huwag mo akong matawag-tawag na Tito. Francis will do." mas lalo namang hindi ko kayang gawin 'yon. Sasampalin ako ni Mama kapag ginawa ko iyon.

"Hindi po pwede Sir. Tinuruan po ako ng mga magulang ko na gumalang sa mas nakakatanda." hindi ko mapigilan ang pagtawa ko lalo na noong kumunot ang noo ni Sir Pasco.

Sa huli ay tinulungan niya pa rin ako sa powerpoint ko. Nagbibigay siya ng ilang comments sa marketing plan ko subalit ako pa rin ang nag-iisip ng lahat. He hates spoon feeding kaya naman nagtatanong lang ako sa kanya ng ilang suggestions. Habang nagtatype ako ng revisions sa aking marketing plan ay nakapalumbaba lamang sa aking harapan si Sir Pasco.

Kahit na gustong-gusto kong nasa tabi ko siya ngayon ay kailangan kong pigilan ang aking sarili. Habang mas tumatagal ay mas lumalala ang mga paru-paro sa aking tiyan. Nagkakagusto rin naman ako noon sa aking mga Professor, pamilyado  rin sila pero hindi ang katulad ng ganito. Gusto ko siya at ang masama rito ay gusto ko siyang abutin. This is bad!

Hindi pa naman ako nakakasigurado dahil ilang araw ko pa lamang bang nakikilala si Sir? Anong alam ko kung inaasar lamang niya ako. May ganoon namang mga tao diba? Tutuksuhin ka lamang at titignan kung gaano ka karupok. Siguro kasi ay dahil ngayon pa lamang kasi ako nakasalamuha ng lalaking mas matanda sa akin.

Ang kailangan kong pagtuunan ng pansin ngayon ay ang pag-aaral ko. Saan ba at makakalimutan ko rin si Sir kapag natapos ko na ang OJT ko. Katulad din siya ng mga Professors ko na hinangaan ko at sa huli ay isinumpa ko rin dahil binigyan ako ng tres.

to be continued...

Filler lang 'to. Ibabalik ko lang ang feels.

Ig/Twitter: bonitababyy

The Virgin's First Night 9: UnveiledWhere stories live. Discover now