Chapter 9

6.9K 159 66
                                    


Chapter 9


Kipkip ang box ay pagod akong pumasok sa loob ng mansyon namin. Kapag out ko kaninang alas singko ay dumiretso uwi na ako. Thank God at hindi ko nakasalubong si Sir Pasco kanina sa building. Feeling ko nga mukha akong kriminal na binibilang ang bawat galaw. Pakiramdam ko ay nagmamasid lang siya sa aking paligid. Hindi na naman ako makakapag-concentrate sa pagtatrabaho.

Napatigil ako sa paglalakad paakyat sa second floor nang may marinig na tawanan mula sa patio patungo sa pool. May bisita sila Mommy? Hindi malinaw ang kanilang pinag-uusapan pero bukod kila Mommy and Daddy ay may kasama silang isang babae at lalaki. Ipinilig ko pa ang ulo ko hanggang sa ma-realize na ang isa roon ay si Ate Janine. Mabilis kong hinubad ang suot kong 2 inch high heeled black shoes at tumakbo papunta sa pool. Bihira na lang mapunta si Ate Janine ditto lalo na noong nagkabalikan sila ni Kuya Ivan.

By next year ay magpapakasal na sila at sa Baguio City na din sila nakatirang dalawa dahil nandoon ang pinamamahalaang hotel ni Kuya Ivan. Malamang ay si Kuya Ivan ang kasama nila roon. Sana ay kasama si JC. I miss my nephew. Nagdahan-dahan ako sa paglalakad nang medyo nakalapit na sa may patio. Si Ate Janine lang ang nakaharap sa akin habang kausap ang nakatalikod na lalaki at ang mga magulang. May binabasa si Ate Ja na sa tingin ko ay isang invitation.


"Thank you for the compliment. Sayang nga po. It's a good opportunity and I want to expand my skills and knowledge about alcohol and wine. This is an invitation from the Philippine Sommelier Association for God's sake pero mas naka-focus na kasi ako ngayon sa family ko. Nakakahiya nga po kay Dad, siya pa ang nag-aasikaso ngayon sa negosyong naiwan ko dito sa Manila. Iniisip ko nga po na ilipat na lang sa Baguio or ibebenta ko na lang ang 9 shots to Heaven." Dinig kong sabi ni Ate Janine habang kausap ang kung sino.


"Well, alcohol mixing was just my hobby when I was in Janine's age hindi ko inisip na mag-aral hinggil dito at lalo na ang maging Master Sommelier. Sayang nga, eh. Ang bunso ko naman ay BSBA ang kurso. Alam mo na, ayokong mabalewala ang lahat ng pinaghirapan ni Papa sa kanyang sariling business. Kay Vodka ko 'iyon maipapamana." si Daddy. So, tungkol na naman pala sa business ang pinag-uusapan nila.


"Naku! Kung hindi lang nabuntis siguro ng maaga itong si Champagne Janine namin ay sana nakapag-take siya ng course na ito. Malaking pera pala ang kinikita dito. Hindi naman kasi negosyo ang turing nitong si Stanley sa chain of super clubs namin. Past time lang ba." Dagdag pa ni Mommy. Buti pa si Ate, suportado ni Mommy sa kung anong hilig nito. Kung sa bagay kasalanan ko din naman kung bakit nagtatiyaga ako sa kursong hindi ko naman gusto. Si Ate kasi ay ipinaglaban niya talaga ang gusto niyang course at ipinaglaban din niya si Kuya Ivan kahit inaayawan nito ni Mommy. Sa aming dalawa ni Ate Ja ay siya ang mas matured, prim, proper and conservative. Matalino pa siya at maraming naiinggit sa kanya kasi almost perfect na siya pero siya ang mas madalas sumuway sa parents namin lalo na kay Mommy. Naiinggit ako sa pagiging independent and strong-willed niya. Ako naman ang bunsong boyish nila Mommy and Daddy. Madalas mainis sa akin si Mommy noon dahil high school na ako ay batang lansangan pa din ako, madungis, hindi nag-aayos at higit sa lahat baduy manamit. Pero ako ang laging sumusunod sa kanya. I allowed her to dress me up like a doll. Kahit ayoko ay sumisige ako.


Ano kaya ang pakiramdam na hindi ka napipilitan sa kursong kinuha mo? Feeling ko nga pumapasok lang ako hindi para mag-aral kung hindi para makapasa at maka-graduate lang sa BSBA. Iyong iba kahit nahihirapan sa course nila ay masaya pa din at parang excited lagging matuto dahil siyempre nag-eenjoy sila sa ginagawa nila at gusto talaga nilang matutunan iyon. Samantalang ako kalbaryo araw-araw ang pumasok sa university at lalo na sa OJT. Wala nga yata akong natutunan eh. Ipinapangako ko talaga sa sarili ko na kapag nakatapos na ako at na-fulfill ko na ang gusto ni Mommy ay susundin ko naman kung ano talaga ang gusto ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Virgin's First Night 9: UnveiledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon