Chapter 6

5.9K 184 11
                                    




           

Chapter 6

Sa kakaisip sa mga sinabi ni Sir Pasco ay nawala sa isip ko na Sabado nga pala kinabukasan. Imbes na tanghali akong gigising ay gumising pa rin ako ng alas sais ng umaga. Ayoko pa man ding naabutan si Mommy na nagyoyoga sa may labas ng bahay namin malapit sa may pool. Kahit labag sa loob ko ay pinipilit niya akong sumama sa pagyoyoga niya. Ang sakit sa katawan! Hindi pa man din ako flexible na tao.

"Wala ka man lang puwet! Mag squats nga pagkatapos nito." sabay palo pa ni Mommy sa puwet ko habang ako naman ay pilit na inililiyad ang katawan ko. Parang hindi na yata yoga ang ipinapagawa sa akin ni Mommy, parang ballet na siya.

"Jusmiyo, Vodka! Ang tigas-tigas ng katawan mo! Kaybata-bata mo pa!" halos batukan na ako ni Mommy nang naunahan niya pa akong mag split. Hindi ko naman kasi gusto 'to! Mapupunit na yata ang singit ko kapag pinilit ko pa yung joints ko na makapag split. Hindi naman kasi ako member ng Sexbomb dancers!

"Alam mo bang maganda sa isang babae kung flexible siya?! Flexible ka sa kahit anong posisyon!" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mommy.

"Mommy!!!" sita ko sa kanya habang siya naman ay inirapan lang ako.

"Ang bastos ng utak mo anak, ah! Wag kang ganyan! Sinasabi ko lang naman na dapat komportable ka sa kahit anong posisyon saka iwas rayuma na din. Look at me! May apo na ako pero daig pa kita! Nakakapag split pa ako. Kaya baliw na baliw sa akin ang Daddy mo." napabuga na lang ako ng hangin at umupo na lang sa may yoga mat.

"Mommy naman eh!" sita ko ulit sa kanya pero hindi pa rin nanuluyang manahimik si Mommy.

"Eto naman kasi walang kalandi-landi sa katawan!" habol pa niya at napatawa na lang siya nang ngumuso ako. Kahit kailan talaga 'tong si Mommy! Pero aaminin ko na si Mommy ang nagbibigay buhay sa bahay namin kahit na madalas ay nagger siya. May pagka komedyante kasi si Mommy at sa tuwing nakikita akong tumatawa si Daddy sa mga hindi naman nakakatawang jokes ni Mommy ay napapatawa na lang din ako.

Ang daya talaga ni Ate! Simula dati pa ako na lang palagi ang isinasali ni Mommy sa mga ganitong bagay. Natatakot daw siyang baka tomboy ako kaya ginagawa niya lahat para maging feminine ako. Feminine naman ako ah? May mga bagay lang talaga na hilig ko kagaya ng mga lumang sasakyan at mga motor. Suportado naman ako ni Daddy sa bagay na iyon.

Sa buong maghapon ay nagbabad lang ako sa internet at pakikipag chat sa mga kaklase ko tungkol sa kanya-kanyang OJT namin. May ilan kasi akong mga kaklase na nagkasama-sama sa isang kompanya samantalang ako ay nag-iisa lang sa Phoenix Enterprises.

Gusto ko sanang sumama sa kanila ngayon dahil nagka-ayayaan silang manood ng sine ngunit hindi naman ako pinayagan ni Daddy. Aniya ay may pupuntahan daw kaming isang party mamayang gabi. Nabanggit pa niya na naroon ang may ari ng Distelleria de Villacorte na matagal na niyang gustong makilala. Maganda rin sana kung namana ko kay Daddy ang pagkahilig niya sa alak pero si Ate ang nakamana niyon sa kanya.

"Vodka Janice! Are you done?" sigaw ni Mommy sa labas ng kwarto ko. Kanina pa siya nag-iinsist na siya na lang ang mag-aayos sa akin dahil wala daw siyang tiwala sa kakayahan sa make-up skills ko at mas lalong wala rin siyang tiwala sa fashion sense. Aniya ay isang fashion terrorist daw ako sa pamilya namin.

"Wait lang po!" balik sigaw ko naman habang natataranta. Si Mommya ang naghanda ng susuotion kong dress. Semi-formal lamang ang party kaya naman isang royal blue off-shoulder dress ang suot ko ngayon. Hapit na hapit ito sa baywang ko, sinadya siguro 'to ni Mommy para hindi ako makapag extra rice mamaya. Aniya ay hindi naman daw pagkain ang ipinupunta namin sa isang party. Eh bakit may mga pagkain pang mga nakahanda? Nasasayang lang tuloy!

The Virgin's First Night 9: UnveiledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon