Chapter 4

5.8K 183 26
                                    

Chapter 4

Vodka's POV

Kahit ilang beses pa akong magpagulong-gulong sa kama ko ay hindi pa rin ako dalawin ng antok. To think na isang linggo ko pa lang na nakikilala si Sir Pasco ay nagkakaganito na ako. Hindi ko lang talaga maimagine ang sarili ko na ganito, nagkakagusto rin naman ako sa iba kong professors pero low key lang.

At kung mayroon man akong spare time ay mas nilalaan ko pa 'yon sa pang -stalk kay Sir Pasco. Nangangati na talaga akong i-follow siya sa twitter at instagram. Hmm? Masyado naman yata iyong creepy. Nang hindi na ako makatiis ay bumangon na ako sa aking kama at kinapa ang cellphone ko sa may side table. Kung gumamit kaya ako ng ibang account para lang ma-follow si Sir? Ang kaso ay masyado siyang pribado kaya imposibleng i-accept niya ang follow request ko nang basta-basta na lamang. Jusmiyo! Imbes na marketing proposal ang pinoproblema ko ay ito pang pagka-stalker ko ang inaatupag ko.

----

Kinabukasan ay halos kaladkarin ko ang katawan ko papasok sa ma opisina. Hindi ko na alam kung anong oras na ako nakatulog. Ito ang problema sa akin, kapag inatake ako ng curiousity ay hindi hindi ako nakakatulog o napapanatag basta malaman ko lamang iyong nakakapagpabagabag sa akin.

Kung hindi pa ako pinainom ng kape ni mommy kanina sa almusal ay parang hihiwalay na ang kaluluwa ko sa aking katawan. Iyong mga mata ko ay parang malalaglag na sa antok.

"De Vera?" sita sa akin ng sekretarya ni Sir Pasco nang magtutuloy-tuloy na sana ako sa pagpasok sa opisina.

"Bakit po?" antok kong sagot ka sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito? Hindi mo ba na-receive yung text? Hindi ba't pinapadiretso ka na lang ni Sir sa Distelleria de Villacorte?" HUH?! Saan 'yon?! Saka wala namang nagsabi sa akin kung saan ako pupunta. Nakakainis naman! Sayang sa gasolina!

"Hala! Hindi ko po alam. Ngayon na po ba?" nawala yata lahat ng antok sa katawan ko dahil nataranta akong bigla. Isinulat na lang ni Mrs. Aura iyong address at pinagmamadali na akong pumunta sa Distelleria de Villacorte. So itong si Sir Pasco pala ay maraming negosyo, nasa treinta anyos pa lang siya pero ganito na siya ka-successful? Aba! Daig pa niya si Henry Sy!

Sinuklay ko pa naman nang maayos ang buhok ko ngayong araw pero magugulo lang rin pala. Isinuot ko na ang aking helmet at sumakay na sa aking motor. Nasa Taguig lang naman pala iyong Distelleria kaya yakang-yaka ko na pumunta doon kahit rush hour na. Updated naman sana iyong phone number ko sa aking CV pero bakit hindi nila mai-relay sa akin iyong mga ganitong message?! Nakakainis! Ayaw pa naman ako bigyan ni mommy ng pang gasolina. Ang yaman-yaman namin pero wala akong pang gasolina!

Humahangos ako papasok sa may Distelleria at muntik pa akong hindi papasukin dahil kailangan ko pa palang magsuot ng cap at face mask. Wow! Ngayon lang ako makakapunta sa ganito. Kung nandito siguro si Ate Janine ay matutuwa iyon, siya ang nagmana kay Daddy sa pagkahilig sa alak samantalang ako naman ay sa mga sasakyan lalo na sa motorcycles.

May malalaking bariles ng alak at mukhang factory ito ng alak. Sa pagkakaalam ko ay pinsan ni Sir Pasco sa mother side iyong mayari nito. Sikat 'to ah! Hindi ko maiwasang mapamangha. Sayang talaga, wala si Ate!

"You are late, Vodka Janice." napahinto ako sa pagmamasid sa buong Distelleria nang bumungad sa akin si Sir Pasco. Pinigilan ko ang mapasinghap nang makita ang ayos niya. Sobrang gwapo na nga niya kapag naka tie and suit tapos jusko bagay na bagay din sa kanya iyong cap at face mask! Nakatakip na iyong mukha niya nang lagay na iyon ha! Hulmang-hulma sa face mask iyong matangos niyang ilong.

"Eh---Eh kasi po Sir hindi po ako nasabihan ni Mrs. Aura na dito po pala ako pupunta.....po." nangunot ang noo ko at napaisip ako kung ilang "po" ba ang nasabi ko. Mas lalo akong nagtaka nang umismid si Sir Pasco na para bang pinipigilan niya ang matawa.

The Virgin's First Night 9: UnveiledWhere stories live. Discover now