Chapter 8

4.4K 124 17
                                    

Chapter 8

"Ang akala ko ba'y ang hilig mo ay mga sasakyan pero bakit dito ka sa Distelleria nag-OJT?" tanong sa akin ni Jema. Nakilala ko lang siya kanina sa may orientation at nag-aaral naman siya sa isang State University, dito din siya natanggap for OJT. Ito ang unang araw ko sa OJT. Kahapon ay nakilala ko pa ang pinsan niyang siya namang CEO nitong DDV. Pareho silang gwapo pero itong si Sir Villacorte ay mukhang may pagka naughty na kabaligtaran naman ni Sir Pasco na laging naka-seryoso.

"Sa Phoenix Enterprises talaga ako natanggap pero hindi kasi nila nagustuhan iyong performance ko kaya inilipat nila ako dito kaysa ibagsak or magkaroon ng incomplete na grade mark. Kapag nangyari 'yon ay talagang malilintikan ako." Iniisip ko pa lang kung anong gamit namin sa bahay ang ibabato ni Mommy kapag hindi ako naka-graduate ngayong taon.

Gusto na kasing mag-retire ni Daddy sa trabaho at ang hinihintay na lang niya ang pag-graduate ko. Maaaring si Ate Ja ang magmana ng chain of superclubs namin dahil siya naman iyong mahilig sa alak, iyon nga lang ay baka hindi niya tanggapin dahil busy na siya as a wife and mother. Sa akin na naman ang bagsak ng lahat ng ito. Ang hirap maging bunso! Kung sana ay may isa pa kaming kapatid. Tamang-tama lang pala na sa Distellria de Villacorte ang kinabagsakan ko.

"Balita ko gwapo daw at hot din ang CEO ng Phoenix Enterprises? Kung sa bagay ay magpinsan naman sila sa mother side. Ang sarap magpalahi sa kanila 'no?" nanlaki ang mga mata ko sa bulgar magsalita ni Jema. Nasa Cafeteria pa naman kaming dalawa. Tumingin-tingin muna ako sa paligid, baka may nakarinig sa amin. Baka sabihin ay kalalanding mga estudyante namin. Pero feeling ko naman na halos ng mga babaeng empleyado dito ay sina Sir Pasco at Sir Villacorte din ang pinag-uusapan. Ano pa kaya ang hitsura ng iba pa nilang mga pinsan? May kapatid kaya si Sir Pasco?

"First impression ko talaga sa iyo Vodka ay tomboy ka or boyish type pero ngayon confirmed ko nang babae ka. Laway mo tumutulo! Sinabi ko lang na ang sarap magpalahi sa kanila ay malayo na ang narating niyang isip mo. Hahaha." Nagpatuloy nang muli si Jema sa pagkain habang ako ay naiwang nakanguso. Kung alam mo lang kung ilang gabi nang ginugulo ni Sir Pasco ang sistema ko. Mabuti nga ngayo'y nalayo-layo ako sa kanya.

"Wala lang akong boobs pero babae ako 'no." asik ko kay Jema na tumawa lang.

"Nakakababae naman talaga ang mag-pinsang CEOs na 'yon. Kahit tomboy yata ay magiging straight kapag nakita ang dalawang iyon. Kahit hindi na ako malahian basta matikman ko lang. Kay Sir Villacorte na lang tayo kasi married na si Sir Pasco. Mas okay na maging ka-FuBu than maging kabit. Ika-anim na utos, remember?" Tumaas naman ang kilay ko sa huling sinabi ni Jema. Nunca, Jema! Nunca! Kahit nakaka-tempt.

"Oo naman 'no! That's horrible! Saka may mga anak na si Sir Pasco. Kahit sobrang gwapo pa niya, hot lalo na kapag seryoso at sobrang bango ay hindi na siya available. We should respect his marriage." Tuloy-tuloy kong saad kay Jema na para bang mas na-weirduhan sa akin.

"Wow teh! Ang dami mong sinabi. Wala na akong idadagdag at nasabi mo ng lahat. Hahaha. Tara na nga! Anong assignment pala ang ibinigay sa iyo?" sabay kaming tumayo ni Jema at kinuha na iyong mga pinagkainan namin upang ibalik sa may counter. Malaki ang DDV pati na rin ang Cafeteria nito na may sarili pang Nutritionist and Dietitian. At least dito ay mukhang makapagtrabaho at makakapag-isip na ako ng matino. Huwag lang talaga liliparin ang utak ko pabalik sa Phoenix Enterprises.

Napabuntong hininga na lang ako nang maalala iyong assignment na ibinigay sa akin ni Sir Pasco. Siguro ay magpapatulong na lang ako kay Daddy or kay Ate Ja, ang maiaambag ko lang naman ay pwedeng ako na lang ang gagawa ng pangalan ng bawat inumin. Kung pwede lang na ipasa ko na lang iyong recipe ng 13 Hell Shots ay iyon na lang ang ginawa ko, ang kaso ay iyon ang trademark ng superclubs namin sa loob ng dalawang dekada. Si Ate Ja man ay mayroong 9 Shots to Heaven. Lumayo na nga ako sa linya nina Daddy subalit heto ako ngayon ay namomoblema. Ni hindi nga ako mahilig mag bar at mas lalong hindi ko din hilig ang uminom. Champagne or wine lang ang madalas kong inumin, at tuwing may party lang ako nakakainom ng mga iyon. I don't enjoy drinking.

The Virgin's First Night 9: UnveiledWhere stories live. Discover now