Chapter 7

7.3K 174 37
                                    


Chapter 7

"Papasok ka ba Vodka o hindi?" taas kilay na tanong sa akin ni Mrs. Aura. Lunes ngayon at matapos ang naging party noong nakaraang Sabado ay ngayon lang muli kami magkikita ni Sir Pasco.

Kanina pa ako pabalik-balik sa entrance ng opisina ni Sir Pasco, kipkip ko ang aking long folder na wala naman kalaman-laman. Baka sabihin niya ay sinasadya ko ang ibagsak ang tatlong chances na ibinigay niya sa akin? Kinagat ko ang aking kuko at pilit pinapakalma ang sarili. Jusko naman! Hindi pa naman thesis 'tong haharapin ko pero bakit nangangatal na ako?!

Bakit naman kasi sobrang gwapo at hot ng CEO nitong kompanya?! Paano nakakapagtrabaho ng matiwasay ang mga tao dito knowing na may mala-Adonis silang boss?! Sobrang inspired siguro nila? Pero bakit ako imbes na ma-inspired ay nawawala ako sa sarili ko?Lagi na lang ako nag-sspace out kakaisip sa kanya.

"Vodka, ipapasa mo ba 'yan o ako na ang magbibigay kay Sir? May meeting kasi siya ng 10 AM. Busy 'yon ngayon." dagdag pa ni Mrs. Aura.

"Ah... eh... huwag na lang po pala muna. Kailangan ko pa po pala i-revise ito. Balik na lang po ako sa table k-ko" bigla akong nautal nang lumabas si Sir Pasco sa kanyang opisina habang may kausap ito sa kanyang cellphone.

Sobrang busy naman ng taong 'to. Bakaiyon din ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ng asawa niya? Marami na kaya ang nakakaalam na malapit na maging single si Sir Pasco? Siguro ay marami na ang nag-aabang sa kanya na maging single and ready to mingle. Well, marami naman siyang mga babae. Iyong mga babaeng nagpapa-submit sa fetishism niya. Naalala ko na naman si Christian Grey sa kanya!

Habang busy pa siya ay walang kaingay-ingay akong humakbang paatras para makabalik sa may table ko. Akala ko ay hindi na niya ako mapapansin pero kumunot ang noo ni Sir at pumitik, sinenyasan pa niya ako na lumapit sa kanya. Umiling agad ako at sumenyas din na wala naman talaga akong pakay sa kanya, nagtaas lang siya ng kilay at itinuro ang hawak kong long folder. Patuloy pa rin siya sa kanyang pakikipag-usap kahit na nagsesenyasan kami. Pwede namang mamaya eh! Ngumuso na lang ako at kinaladkad ang takong ng sapatos ko papalapit sa kanya.

"Okay, I'll call you back." pagtatapos ni Sir Pasco at ibinaba na niya ang kanyang cellphone. Imbes na iyong folder ko ang tignan niya ay ibinaba niya muna ang tingin sa suot kong sapatos. Mabilis ko tuloy pinagdikit ang mga paa ko. Siya na lang ang lagi kong naalala kapag nakakakita ako ng magagandang sapatos.

"Where's your marketing proposal?" seryosong tanong niya sa akin at bago ko pa maitago ang hawak kong folder ay nakuha na niya ito. Napayuko ako nang binalikan niya ako ng tingin. Saan ka ba naman nakakita ng estudyante na magpapasa ng marketing proposal pero wala namang laman.

"Anong ginawa mo sa loob ng isang linggo? Kahit title man lang ay wala?" ibinuka ko ang bibig ko at nagtangkang mangatwiran pero ano naman ang sasabihin ko? Na kaya wala akong nagawa ay dahil kakaisip sa kanya? Baka sabihin niya pa ay pinagnanasaan ko siya. Pumasok muli si Sir Pasco sa kanyang opisina habang naiwan naman ako na napatanga na lang. Kailangan ko ba siyang sundan sa loob o dapat na akong bumalik sa table ko? Pagagalitan pa kaya niya ako?

"Vodka? Pumasok ka na sa loob bago ko pa masigawan ni Sir. Nagmamadali 'yon!" sukat sinabi 'yon ni Mrs. Aura ay atubili akong pumasok sa loob ng opisina ni Sir Pasco. Nagpahabol pa siya na huwag ko raw kinakaladkad ang sapatos ko dahil masyado itong maingay.

Naabutan ko si Sir Pasco na nakabalik na sa kanyang lamesa at napapailing na pinagmamasdan ang folder ko. Wala tuloy sa sariling napakamot ako sa ulo ko. Iginala ko na lamang ang mga mata ko sa kabuuan ng kanyang opisina para naman hindi na magkasalubong ang mga mata namin. Parang gusto ko na lang umalis sa OJT ko at humanap na lang ng iba, mukhang wala naman mangyayari sa akin dito. Hindi talaga ako makapag concentrate! Kapag kasama ko si Sir ay kumakabog ang didbib ko, kapag tinitignan niya ako ay nanlalambot ang mga tuhod ko. Ngayon lang nangyari sa akin ito.

Kahit na nasa bahay ako ay hindi rin niya ako pinapatahimik. Tulad na lang kagabi! Nakaharap lang naman ako sa laptop ko pero siya pa rin ang naiisip ko! Laging bumabalik sa isip ko yung mga nakakalusaw niyang mga titig saka ewan ko ba lagi kong naiimagine ang sarili ko na isa sa mga babae niya. Isang beses ko pa lang naisuot iyong binigay niyang sapatos pero sari-saring imahe na yung naisip ko kasama si Sir Pasco. Parang kasalanan na yata ito. Masyado lang yata akong mahalay mag-isip.

"Sa nakikita ko Ms. De Vera ay hindi ka interesado sa kompanyang ito. At halata rin na wala kang interes sa appliances." napanguso na lang ako at tumango. Ang seryoso ni Sir kapag trabaho na ang pinag-uusapan. Kapag pala seryoso siya ay mas nadedepina iyong panga niya. Sa pagkakaalam ko ay may Spanish descent si Sir Pasco kaya naman ganoon na lang ka-artistokrato ng kanyang ilong. Kinapa ko tuloy bigla iyong ilong ko. Mas matangos pa yata sa akin ang ilong niya.

"Vodka? Are you listening to me?" napakamot na naman ako sa ulo ko dahil mas inuna ko pang isipin kung mas matangos ba ang ilong ni Sir kaysa sa akin. Kanina pa rin ako nagkakamot sa uloko, baka akalain din niya ay may dandruff ako. Utang na loob self! Bakit ba ang sobrang conscious ko sa harap ni Sir! Hindi na ako makapag-trabaho ng maayos!

"Sir, bakit di na lang po kasi mga sapatos ang business ninyo? Di ba mas forte mo naman po 'yon?" inosente kong tanong kay Sir. Umismid lang siya at sinamaan ako ng tingin. Totoo naman ah? Bakit si Christian Dior? Lalaki din naman 'yon e? Baka naman bakla talaga 'tong si Sir!

"Ang issue dito ay paano ba kita mamarkahan kung iyong dalawang proposal mo ay parehas na bagsak? Gusto mo bang maka-graduate?" napanguso ulit ako at yumuko.

"And stop pouting your goddamn lips!" napaangat ako ng tingin kay Sir dahil sa huling sinabi niya. Pati ba naman iyong mannerism ko na pagnguso ay issue din sa kanya?

"Ililipat kita sa Distelleria de Villacorte. Negosyo iyon na hinahawakan namin ng pinsan ko. Nasa linya rin ng mga alak ang daddy mo kaya I'm sure matutulungan ka nila. Ang gusto kong proposal mo ay katulad ng 13 Hell Shots ng daddy mo. Mayroon ding ganoon ang kapatid mo hindi ba?" Huh? E wala rin naman akong hilig sa mga alak! Kung sabagay parang mas gugustuhin ko na lang iyon kaysa naman gumawa ng marketing proposal para sa Phoenix Enterprises. Wala talaga akong interes sa appliances.

"So hindi na po kayo ang boss?" tanong ko sa kanya. Tinanguan lang niya ako at bumaling na ng tingin sa mga papeles niya. Nakakalungkot naman 'yon pero ayos na rin para naman makapag-concentrate ako sa trabaho.

Gusto ko pa sanang magtanong kaya lang hindi naman na ako pinapansin ni Sir. Bakit parang ang cold niya? May nagawa ba ako? Okay pa naman kami noong nagkita kami sa party ah? Halos mangisay nga ako sa kakaibang sensasyon na naramdaman ko noon, hindi pa man dumadantay ang balat niya sa akin ay parang nanghihina na ako.

Hindi rin kaya siya makapag concentrate sa kanyang trabaho kaya inilipat niya ako sa sister company ng Phoenix? Nang magpaalam ako sa kanya ay um-oo lang siya subalit hindi man lang niya ako tinapunan ng tanaw kaya nakasimangot akong lumabas sa kanyang opisina.

"Ang suplado!" asik ko at nilingon pa iyong pintuan na pinanggalingan ko.

"Ako ba?" agad akong napabaling sa lalaking nasa harap ko pala. Naka business suit din siya. Wait! Nakita ko na siya! Siya yata iyong pinsan ni Sir Pasco.

"H-hindi po, Sir." Kakapaalis pa nga lang sa akin ni Sir Pasco (in a nice way) ay baka maalis din ako sa kompanyang pinagbagsakan sa akin.

"I'm Vodka Janice de Vera po pala. Mag-start po akong mag OJT sa DDV tomorrow." Ngumisi lang si Mr. Villacorte na para bang naaaliw sa akin. Bakit ba palagi silang ganito ng pinsan niya? Parehas silang simpatikong ngumiti. Feeling ko lagi silang may naiisip na naughty things kapag ngumingisi ng ganoon. Actually ang sexy ng dating! Mapang-akit.

"Vodka. Hmmm. I like your name. Bagay na bagay ka sa Distelleria." May pagkamalanding komento naman nitong si Mr. Villacorte. Ay nako huh! Fuck boy alert!

In fairness magkasing level sila ng kagwapuhan ni Sir mas angat nga lang ang Spanish feature si Mr. Villacorte. May pagka Latin ang kagwapuhan niya, parang iyong mga bida sa telenovelas. Oh diba ang yummy!

Iyon nga lang kung sa ugali mukhang babaero at fuck boy 'tong si Mr. Villacorte samantalang si Sir Pasco naman iyong seryoso, workaholic pero may pagka kinky side pala. Gosh! Nag-init akong bigla dahil naalala ko na naman yung pagka kinky ni Sir. There's a part of me na parang na-eexcite ako. Binigyan lang niya ako ng sapatos nagkaganito na ako.

Sana naman makalaya na ako sa pagnanasa ko kay Sir kapag nakalipat na ako ng kompanya.


itutuloy....

The Virgin's First Night 9: UnveiledWhere stories live. Discover now