Chapter 96: 8v8

3.6K 163 18
                                    

"Red anong gagawin mo sa half artifact na ito?" Tanong ni Kate sa mga biniling item ni Red sa auction

Nakakuha ng anim na items ang tatlo sa auction habang pagkatapos ng auction ay agad namang nagbukas ang normal exchange shop

Sa normal exchange shop ay makukuha mo agad ang item kapalit ang tamang gold coins

Kaya naman ang sobra at natitirang gold coins ng Century Shop Guild ay inubos dito

"Isa itong mahalagang bagay para mabuo at maayos ang Shield of Origin" Sabi ni Red at kanyang inilabas ang Shield of Origin habang sa oras na mapalapit ang half artifact sa Shield of Origin ay agad na lumabas ang isang notification sa kanyang harapan

Ting!

The Shield of Origin wants to devour the old artifact

Agad na tumango si Red dito at pinayagan ang pag devour ng Shield of Origin sa old artifact

Gamit ang eye of discernment ang ability na nagmula sa item identification ni Red ay kaya niyang makita ang malaman ang tunay na pangalan ang information ng mga item

Kaya naman nagawa niyang ma-identify ang Time and Space Staff

Habang ang old artificat ay isang old item na gawa sa purong origin ore, same ore na ginamit sa paggawa ng Shield of Origin

Habang agad na nagliwanag ang Shield of Origin ng matapos nitong ma devour ang old artifact ng ilang segundo

Ting!

Shield of Origin (Incomplete) (Supreme Weapon)

Damaged Restored by 10 percent!

Agad na tumango si Red ng makita ito ganon paman ay na dismaya siyang 10 percent lamang ang nagawang marestored ng old artifact sa supreme weapon na ito

Ganon paman ay maganda na ito kaysa naman sa wala, agad na ibinalik ni Red ang Shield of Origin sa kanyang inventory at sunod na inilabas ang Time and Space Staff

Time and Space Staff (Sealed) (Supreme Weapon)

One of the supreme weapons of legend. Currently sealed by a powerful sealing mark left behind by a powerful being

Agad na tumango si Red ng makita ito at sunod na tiningnan ang sealing mark sa time and space staff

Isa itong red colored snake mark na nakabalot sa buong katawan ng supreme weapon, dahil sa sealed mark na ito ay hindi makikita ang tunay na anyo ng time and space staff

Agad na tinabi ni Red and staff at hinawakan si Kate sa kamay

"Kailangan na nating maghanda" Sabi ni Red dito na nginitian naman ni Kate

***

System Notification:

Clash of Guilds 8v8 will start in 5 minutes. Participants please prepare!

Sa isang tabi nang waiting area ng mga participants ay makikita ang 8 members ng Century Shop Guild na pinangungunahan ni Red habang binubuo ang myembro nito nila Rosa, Thorn, Lurak, Wiem, Lleinaj, Vain at Aska

Para sa huling event na ito, ito ang masasabing pinaka-importante sa lahat

Dito makikita kong gaano ba talaga kalakas at katatag ang foundation ng isang guild!

Random ang magiging pagtawag sa mga kalahok para sa elemination round hangang sa dalawa nalamang ang matira para sa final round. Sa event na ito ang mananalo ang titingalain

World of Weapons Book I "Gods and Goddesses"Where stories live. Discover now