Chapter 41: As Always!

8.9K 398 21
                                    

Log out

Bumangon si Nate sa kanyang kama at tinangal ang Virtual Helm

Tiningnan niya ang virtual helm at may ngiting nabuo sa kanyang bibig 'Nagawa namin' kinuha ni Nate ang CP niya sa bandang gilid ng kanyang unan at may nakita siya ditong isang text message

Sender: Kate koh!

  Kita nalang tayo sa school mamaya! Ngapala take your breakfast!

Napangiti nalang dito si Nate at tumingin sa kanyang orasan

6:45 am

Noong mga araw na naglalaro sila sa loob ng WoW ay araw ng wala silang klase sa pagkat ang mga araw na iyon ay isang holiday kong baga isang long holiday

Ang isang araw sa totoong mundo ay ilang araw sa laro kaya naman marami silang oras at panahon dito

Ini-ayos ni Nate ang kanyang mga gamit at inihanda ang gagamitin

Ini on din ni Nate ang kanyang TV at nanuod dito habang kumakain

" Hello Gamers all over the World! Ngayong araw ay pag-uusapan natin ang latest happening sa sikat na Virtual Reality Game! Ang WoW! At ang topic natin ngayon ay ang misteryosong #1 Hero ng laro at ang pagiging hari nito! Ngayong araw ay kasama natin ang isa sa mga kilalang hero ng WoW!"

"Hello kapwa kong Hero! Ako ngapala si Krush sa laro and sa totoong buhay ay isa akong reporter, well wag natayong magpaligoy pa ang pag uusapan natin ngayon ay all about Red! His Kingdom! And his Guild!"

Lalaki si Krush at kilala ito sa laro bilang reporter sa loob ng laro

"Well partner anong masasabi mo sa balitang ito na nag painit sa buong laro? Sa kauna unahang pagkakataon ay may Guild ang nakakuha ng isang kaharian!" Excited na tanong ng babae sa lalaki na makikita ding excited dito

"Isa lang ang masasabi ko kahangahanga! Alam naman ng lahat ng manlalaro na ang maka achieve ng ganong klase ng karangalan ay halos imposible sabihin pa natin ang title ng hari!"

Kong ano ano pang pinag-usapan ng dalawa at pinag-usapan din nila ang tungkol kay Red at sa mga guildmate nito

7:30am

Nagtungo na si Nate sa kanilang school at dahil malapit lang ito ay naglakad nalang siya dito

Habang siya ay naglalakad iisa lang ang kanyang naririnig sa mga bibig ng mga taong kanyang nakakasalubong at ito ay tungkol sa WoW

World of Weapons Book I "Gods and Goddesses"Where stories live. Discover now