Chapter 19

103 3 0
                                    

Never have I ever...


Scarlett's POV

Bang!

"Whoo, double kill!" Sigaw ni Tyler

"Triple yung saakin tol!" Sabi naman ni Silver

"Manahimik nga kayo. Nag c-concentrate ako dito eh!" Bulyaw sa kanila ni Stephanie

"Asus, inggit ka lang dahil mas marami kaming napatay ngayon" pag mamayabang ni Alistair

"Yun ay dahil inaagaw nyo boys ang mga Target namin!" Emily

"Finders keepers pal" Lucas

"Finders keepers mong mukha mo!" Sigaw din ni Blair

Kanina pa sila ganito. Sigawan ng sigawan. Ang plano ay patayin ang mga zombies na malapit sa perimeter pero dahil sa laki ng mga bunganga nila ay mas dumarami pa ang zombies na pumupunta saamin.

Gaya ng sabi nun ni Officer Bradshaw, lahat ng nasa offensive unit ay kailangang mag set ng perimeter para mailayo ang mga zombies sa base. Hinati kami sa apat na grupo. The North, South, East and West team. Base sa radar namin yung South area ang may pinaka maraming umaaligid na zombies, lugar kung nasaan kami ngayon. Pinakalat namin ang ibang kasamahan namin sa paligid at ang natira sa ginawa naming mini base ay ako, si Alistair, Peter, Silver, Emily, Stephanie, Blair, Lucas, Tyler at Brian which is by the way, is a very bad idea. Pag pinag sama mo ang mga tukmol na to, isang nakakabinging bangayan ang magaganap. Pwera nalang kay Peter na walang tigil kakatutok sa computer nya.

"Aray! Ano bang problema mo?!" Brian

"Sabi ko sayo'ng saakin yung si tabachoy eh!" Blair

"Pag hindi pa kayo tatahimik dyan talagang ipapalapa ko na kayo kay Milo!!!" Sigaw ko sa kanila

Yeah that's right, sinama ko yung buddy ko. Mukhang na b-boringan na kasi eh.

"Narinig mo yun? Tumahimik ka kasi Emily, ang laki ng bunganga mo" Silver

"Ulol! Nananahimik ako dito!" Emily

Haaay, nag uumpisa na naman sila. Pero ok na rin ang ganito. Nung una kasi ay hindi masyadong pabor si Emily kay Blair kasi nga Hindi sila pinag katiwalaan nito noon, pero mukhang ok na sila ngayon. Sa sobrang ok ay nag j- jamming sila sa puntong pinag tutulungan na nila ang boys. Pero mukhang dehado sila dahil sa pagiging tuso ng boys.

Bahala nga sila dyan. Sila naman ang mapapagod kakapatay sa mga lumalapit na zombies.

Pumasok ako sa loob ng tent na ginawa namin at nakita dun si Peter na walang tigil parin sa kakatutok sa kanyang computer.

"Anong balita Peter?" Tanong ko dito

"Well kunti nalang ang zombies na umaaligid sa perimeter natin. Tingin ko mga ilang minuto na lang ay mauubos na nila ito, yun ay kung titigilan nila ang kaka sigaw sa isa't isa"

Napa iling ako dahil sa sinabi nya. Mahirap patahimikin ang mga yun.

Umupo ako sa gilid ng tent at kinuha yung tumbler ko na nag lalaman ng pulang likido.

"Pabayaan mo na ang mga yun. Pag pinagalitan mo e s-seen zone kalang"
Sabi ko saka uminom Mula sa tumbler.

Nang matapos ako ay pumasok naman yung girls na hindi maipinta ang mukha.

"An yare sa inyo?"

"Wala" sabay nilang sabi.

Hindi ko maiwasang mapa ngiti dahil sa reaksyon nila. Ano ba ang ginawa ng boys at naging parang matandang nag me-menopause ang girls?

Gangsters VS ZombiesWhere stories live. Discover now