Chapter 12

121 3 0
                                    

A new friend and a visit from an old friend

______________

Flashback :

Silver's POV

Napakamot nalang ng ako ulo nang makita kong walang tao sa loob ng kwarto ni Scarlett. Hahay, umalis na naman sya. Nakaka bahala na. It's only 4 am in the morning and she's already up, tapos babalik dito nang hating gabi. Talagang inaabuso na nya ang kanyang katawan.

"Silver tulungan mo nga ako dito! Sabi ko naman sayong mabigat tong pinapabuhat mo eh!" And ayan naman ang masungit

"Opo! Papunta na po! Geez"

________

Scarlett's POV

Bumigay na ang mga paa ko at napa upo nalang ako habang naka sandal sa isang puno. Dahan dahan kong tinignan ang aking mga kamay na ngayon ay nanginginig na at punong puno ng mga sugat. Di bale na, mag hihilom din ang mga yan mamaya. Nang tignan ko ang lugar kung saan ako nag ensayo ay nakita ko ang pinsala ng aking pag t-training, napaka raming nag tutumbahan na puno at mga naglalakihang bato na kanina ay pina ulanan ko ng mga suntok.

Intense training, yan ang ginagawa ko araw araw. Ayaw kong lamunin ulit ako ni Enigma, I'm thinking, if the more I become stronger the harder it is for Enigma to consume me. Hindi na ako nag t-training kasama sila Silver. Natatakot ako na baka mangyari ulit yung nangyari noon. Kung manyari man yun ay ako mag-isa ang haharap nun, hindi na nila kailangan pang madamay o mapahamak.

Tumayo na ako kasabay nun ang pagkarinig ko ng isang napaka lakas na ingay na mukuhang galing sa isang mabangis na hayop.

Sinundan ko ang ingay at nakita ko ang....

0_0

Buhay pa pala ang hayop na yan? Yung Saber toothed tiger na sumugod saamin ni Emily nun, kasalukuyan itong nag pupumiglas at hindi maka alis dahil sa mga malalaking sapot ng gagamba na naka palibot dito. It's trapped.

Nakita ko ang malalaking gagamba na unti unting lumalapit dito. It looks like its in trouble. Sa laki ng mga gagambang ito ay hindi malayong maubos ang dugo ng mabangis na tigre na yan. Well hindi ko na problema yun.

Aalis na sana ako pero narinig ko ulit na mahinahong ungol nito. Mistulang humihingi ito ng tulong. Ok nag i-imagine na naman ako. Pero diba saber toothed tigers are supposed to be extinct? Edi sayang kung mamatay tong isang ito. Tss, bahala na nga. Tutal magiging magandang ensayo naman ang pag papatumba ng ilang malalaking gagamba.

Kinuha ko yung malaking panyo sa bulsa ko at ginawa ko itong face mask because spider lairs have the worst smell.

Kinuha ko ang dalawang katana na nasa likod ko at agad na sumugod. Simula palang ay marami na akong napatay pero parang mas dumami pa ang mga ito. Sa kalagitnaan ng pakikipag laban ko sa mga ito ay hindi ko maiwasang magka sabit-sabit sa mga malalagkit nilang sapot. I need to end this now.

Lumapit ako sa mabangis na tigre at inumpisahang putulin ang mga sapot na naka palibot dito. Mukhang nagalit yata ang mga gagamba dahil pinaulanan nila ako ng mga sapot. Shit, mukhang ako naman ang ma t-trap dito.

Biglang umatungal ng napakalakas ang tigreng tinulungan ko. Nang nilingon ko ito ay malaya na itong nakakagalaw. Great, don't tell me kakalabanin ako nito pagkatapos ko itong tulungan. Agad akong sinugod ng malaking tigre. Yan na ngabang sinasabi ko sayo Scarlett eh! Napaka pake-alamera mo kasi.

Pinikit ko ang mga mata ko hinada ang sarili ko sa matatalim nitong ngipin pero nag taka ako nang wala akong maramdaman. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita ko itong sinugod ang mga gagamba na nasa likuran ko. Kinuha ko itong oportunidad para makatakas sa mga sapot.

Gangsters VS ZombiesWhere stories live. Discover now