Confession 44: Broken Strings

Start from the beginning
                                    

What if, hindi nga nangyari ‘yon? May posibilidad bang hindi ko nararanasan ito ngayon?

Napapahid na lang ako ng luha matapos nitong tumulo sa pisngi ko. Muli kong pinagmasdan ang tiyan ko at marahang hinimas ito. Bigla akong nakaramdam ng guilt sa mga iniisip ko. May kung anong kumirot sa dibdib ko nang marealize ang doubts, regrets and what ifs ko. Para ko na ring sinabing pinagsisisihan kong nandito siya sa loob ko.

“I’m sorry, baby. Hindi sa ayaw kong mabuo ka. Natatakot lang ako para sayo,” I whispered in a crack voice. Kung normal lang sana ang buhay ng nanay niya ay hindi ko na siya itinatago ngayon sa mga tao. Ni hindi nga alam ng tatay niyang nagsisimula na siyang mabuhay sa mundo.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at pumasok sa loob ng kwarto. Nilock ko na ang glass sliding door ng balcony at inayos ang kurtina. Tiningnan ko ang cellphone ko nang tumunog ito saka dumiretso sa kinalalagyan ng bag ko at kinuha ang vitamins. Nagtext na kasi si Spade at pinaalalang oras na ng pag-inom nito at pagkain ng dinner. Nagsalin ako sa baso ng tubig mula sa pitsel na nasa ibabaw side table ko at ininom ang vitamins. Kinuha ko ang laptop at lumabas ng kwarto. I need to discuss this thing with my parents first bago ang tungkol sa ipinagbubuntis ko.

Bumaba ako sa sala at naabutan doon si papa na nanunuod ng TV. Si mama naman ay naghahain na ng pagkain sa dining table. Lumingon ako sa paligid, sinisigurong wala si Aldous. Huminto ako sa mismong harapan ng TV, making sure na natatakpan ko ang pinapanuod ni papa para makuha ang atensyon nito. Kunot-noo niya akong tiningnan na may halong pagtataka. Pinatay ko ang TV at tahimik na naupo sa tabi niya.

“I need to discuss something,” tipid at walang emosyon kong sabi habang hinahanap ang files ng BSW. Sakto namang papunta si mama sa sala kaya curious itong lumapit at naupo sa kabilang side ni papa. Pareho silang tahimik na nakatingin sa ginagawa ko. I click BSW’s profile at iniharap sakanila ang laptop. Bakas ang labis na gulat na parehong gumuhit sa mga mukha nila. Buong pagtataka naman nila akong nilingon habang walang emosyon kong sinasalubong ang bawat titig nila.

“P-Paano mo nabuksan ‘yan?” Hindi makapaniwalang tanong ni mama.

“Kailan niyo pa alam?” Bagkus ay tanong ko rin.

“Ito ba ang totoong pakay mo kaya tinake-over mo ang underground?” Tanong ni papa. “Ito ba, Alice? Para madali mong makuha ang files nila?”

 

Tinitigan ko ito. “Yes, pa. Ito nga ang rason ko.”

 

“But Alice-”

 

“And I’m asking.” Putol ko sa sinasabi ni papa. “Kailan niyo pa alam ang tungkol dito? Kailan pa?!” Sigaw ko sa hindi malamang inis at galit na nararamdaman ko. Lahat sila niloko at pinaikot ako. Akala ko tama ng sina Oz, Aoi at Leon lang ang gumago sakin pero ang malamang pati mga magulang mo ay pinagsinungalingan ka ang mas masakit. Nagmukha akong tanga! Pinagmukha nila akong lahat na tanga!

“Hindi naman namin ginustong ilihim ‘yan, Alice. Wala lang kaming choice dahil alam naming masasaktan ka.” Paliwanag ni mama habang pilit inaabot ang mga kamay kong pilit ko ring iniiwas.

BOOK 2: Confession of a Gangster (Completed)Where stories live. Discover now