Confession 25: Losing Sanity

9.8K 174 13
                                    

Confession 25: Losing Sanity

 

Ipinikit ko ang mga mata ko habang pinakikiramdaman ang malamig na simoy ng hanging dumarampi sa magkabilang pisngi ko. Ilang segundo kong hinayaan ang sarili sa ganoong posisyon bago idilat ang mga mata. Bumungad sakin ang malinis na asul na dagat habang marahang humahampas ang alon nito sa dalampasigan. Napatingin ako sa paanan ko matapos bahagyang mabasa ang mga ito ng tubig dagat. Malamig. Masarap sa pakiramdam. Hinayaan ko ang sarili na humiga ng bahagya sa pinong puting buhangin nitong isla habang nakatukod sa likuran ang magkabilang kamay ko. Napalingon ako sa paligid, umaasang ngayong araw ay makakakita na ng ibang tao bukod saming dalawa, ngunit tulad noong nakalipas na anim na araw ay wala pa rin. Tanging ako nga lang ang makikitang tao na nakaupo dito sa kahabaan ng dalampasigan. Bumuntong hininga na lang ako saka muling ibinalik ang tingin sa payapang dagat. Kahit papaano ay ayos na rin ito na wala kaming ibang kasama rito, nakahanap ako ng peace of mind.

“Still blaming yourself?” Napatingala ako sa taong nagsalita sa tabi ko. Seryoso lang ito habang inaabot sakin ang hawak niyang freshmilk. Agad ko namang kinuha ‘yon at ininom habang nakatingin ng muli sa dagat. Sa loob ng isang linggo ay freshmilk na ang pambungad niya sa umaga ko, well, way na rin para sa start of conversation, ‘yon nga lang it always end up na walang magsasalita samin kun'di siya lang. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit at kung paano ko natagalan ang isang buong linggo na hindi magsalita, pero sa tingin ko ayos rin naman ang ginawa ko. Naramdaman kong umupo ito sa tabi ko ngunit hindi na ako nag-abala pang lingunin siya. Mula noong dumating kami rito ay isang beses ko pa lang yata siyang kinausap, at ‘yon ‘yung mga panahong hindi ko na kayang itago sa sarili ko ang lahat ng nangyari noong gabing ‘yon. Pakiramdam ko kasi ay mababaliw ako at hindi makakatulog kapag wala akong napagsabihan na iba.

Nanatili ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Tanging ang hampas ng alon lamang ang maririnig sa buong paligid. Napapikit akong muli, not minding whom I am with now. It’s been a week mula noong sumabak kami ng Temple Island sa misyong iligtas ang nakababatang kapatid ni Tao na si Tyra. Unang misyon para sakin… unang misyon na palpak. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa ala-ala ko ang mga nangyari noong gabing ‘yon. Ang mukha ng dalawang gangster na ‘yon na doon ko lang nakita. Biglang natanggal ang mga maskara nila at tanging pagluluksa lang ang nakita ko. Biglang nawala ang mga mababangis na lion at napalitan ng mga mahihinang kuting ang aura nila habang nakatitig kaming pareparehas kay Tyra.

Guilt at pagsisisi, ‘yan lang ang tanging bumabalot sa buong sistema ko mula noong mga oras na ‘yon. Kung sana ay binilisan ko pa ang kilos. Kung sana ay nagmadali kami. Kung sana tinapos ko agad ang mga kalaban na ‘yon, edi sana…

“You did your best to save the girl, right?” Muli akong napadilat at napaharap sa katabi ko. I met those dark orbs that made my insides melt in this very moment. There is something in his eyes telling me to listen to him just this once. Ilang araw na nga ba mula noong binalewala ko ang mga sinasabi niya. Lahat naman kasi nilalabas ko lang sa kabilang tainga na para bang wala akong naririnig. Naramdaman kong hinawakan nito ang kanang kamay ko noong hindi ako sumagot at sa hindi malamang dahilan ay para akong nakuryente. He smiled at me making my heart skip a beat. “Sabi mo nga ay hindi ka naman sinisisi ni Tao at Kris kaya bakit mo sisisihin ang sarili mo? Hindi mo ba naisip na baka iniisip nilang nagsisisi ka na tumulong pa sakanila? That would double their griefs,” malambing nitong sambit na tila pinararating sakin na tigilan ko na ang paninisi sa sarili ko.

Nanatili akong nakatitig sa mga mata niya. There’s a spark of willingness in his eyes, wanting to do everything just to comfort me. And the least he can do to assure himself I can feel that, was to held my hand, na sinasabing hindi niya ako iiwan at kailangan ko siyang paniwalaan. Kahit ngayon lang. But the weird part of me, ay ‘yong hindi ko magawang alisin ang mga tingin ko sakanya. Pakiramdam ko ay bigla akong nalunod sa malalim niyang tingin sakin ngayon. Ni hindi ko nga magawang bawiin ang kamay kong hawak niya. I am actually expecting my system to feel the uneasiness and annoyance for his actions but, it turned out the other way around. Bigla pa akong nakaramdam ng pagiging safe sa simpleng paghawak niya sa kamay ko and there’s still this abnormal heartbeats na sa buong buhay ko, ngayon ko lang yata naramdaman. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako o kung ano. Basta ang alam ko lang ay masyadong mabilis ang tibok nito ngayon.

BOOK 2: Confession of a Gangster (Completed)Where stories live. Discover now