Confession 24: Savage Chameleon 2

8.8K 161 13
                                    

Confession 24: Savage Chameleon 2

Tahimik akong nakaupo dito sa roof top hawak ang isang .177 caliber air rifle habang inaassemble ito. Pinagmasdan ko ang isang abandonadong gusaling kaharap ko habang tanging ang sinag ng buwan lamang ang nagsisilbing liwanag ng buong paligid. Pasado alas-nueve na noong natanggap ni Tao ang lugar na pinagdalhan ng kidnapper kay Tyra at hindi na ako nagulat ng makitang tambak rin ang tauhan nila sa paligid ng building maging sa layo ng halos sampung metrong kalsada mula sa gusali ay hinarangan din ng mga nakaitim nilang bantay na agad ko namang pinatamaan ng dala kong antidepressant. Good thing I have this.

At dahil wala kaming sapat na kagamitan dahil biglaang pagpaplano ito, cellphone ang magiging means of communication namin. Kaming tatlo ay may kanya-kanyang ear piece habang nakaconnect naman ito sa aming tatlo. May dala rin kaming iilang Temple Island’s rookies para madali naming mapasok ang gusali na hinati ko sa dalawang grupo- grupo ni Kris at Tao. Kaya ko naman ang sarili ko.

Humanap na ako ng magandang pwesto kung saan kitang-kita ko lahat ng bantay sa unahang bahagi ng gusali. Ako ang nakatoka sa front side habang back at side naman kina Tao at Kris. Since wala si Coller, ako ang magsisilbing captain nila. Nasaan ba kasi ‘yang Coller na ‘yan e. Hanggang ngayon ay wala ring balita sakanya ang grupo niya. Napailing na lang ako sa sarili kong mga naiisip.

Yumuko na ako at sinilip na ang mga target ko sa lens saka tahimik na binaril. Damn. Bakit hindi nila naisip na baka may kasamang sniper ang Temple Island? Tss. Idiots.

Kitang-kita ko mula sa pwesto ko kung paano nagsimulang kumilos at magpulasan ang mga tauhan nilang nakaitim ng may dalawa na akong pinatamaan mula sa front doorway. Mukhang nabulabog sila sa ginawa ko. Napangisi ako ng hindi na sila magkandamayaw kung saan hahanapin ang bumaril sa kasama nila. Ang ilan rin ay mukha ng nababaliw dahil pinatatamaan ang bandang kakahuyan. Duh! They do really think a sniper would hide there? Muli akong yumuko at sinilip sila sa lens at mabilis na inisa-isa ang mga natitira pa sa paligid.

“S180, clear.” I heard Tao on my ear piece.

“E180, W180, clear.” Segunda naman ni Kris.

Napangiti ako. No wonder they became the most feared gang in town. They’re hella fast. Hinawakan ko ang ear piece sa kanang tainga ko habang nanatili ang isang mata sa lens bago magsalita. “N180, clear.”

Tumayo na ako at itinago ang hawak kong rifle sa bag saka nagmadaling bumaba. Iiwan ko na lang muna ito rito sa bushes dahil hindi ko naman ito magagamit kapag face-to-face fight na. Mariin kong hinawakan ang pistol sa kanan kong kamay habang tahimik na binabagtas ang daan patungo sa front doorway ng abandonadong gusali na ito. Cliché nga naman. Talagang mga ganitong lugar ang pinagdadalhan ng mga kidnapper sa victim nila. Tss.

Isunuksok kong maigi ang dagger kong schrade shedder sa may bewang ko. Nagtago ako sa isang manipis na puno dahil may mga nagtatakbuhang nakaitim mula sa loob ng building. Nakalimutan kong 4 storey building nga pala ito at ang mga nasa labas pa lang ang tinapos naming tatlo. Hinawakan ko ang earpiece at mahinang nagsalita. “Move,”

Sabay naman silang tumugon kasabay ng paghugot ko ng silencer sa may gun holder na nasa hita ko. Mas magandang patahimikin ang mga ito ng mabilisan. Isa-isa kong tinutok sa kanila ang hawak ko pero puny*ta nga naman! Kung kailan magpapaputok na ako saka naman sila nagpaulan ng bala sa pwesto ko. Imagine how thin this tree na pinagtataguan ko! Napadausdos ang likod ko sa puno paupo saka gumulong sa katabing mas matabang puno. Sa tulong ng bushes ay hindi nila napansin ang paglipat ko. Ilang sandali pa ang inantay ko hanggang sa naubusan na sila ng bala at magkakarga na, kaya naman ginamit ko ang maikling pagkakataong ‘yon para mabilis na barilin sila. Head shot para mas mabilis ang kamatayan.

BOOK 2: Confession of a Gangster (Completed)Where stories live. Discover now