Confession 03: Who's Doomed? You.

18K 301 13
                                    

Confession 03: Who’s Doomed? You.

 

“What’s your name, miss?” pormal na tanong nito sakin matapos ang ilang segundong pagkabigla namin sa isa’t-isa. Lahat naman ng kaklase ko ay nagpapapalit-palit lang ng tingin between me and that guy. Inirapan ko siya dahil nakakainis ang ngiting aso niya. I heard them whispered but the hell I care.

“Lax,” tipid kong sagot rito. Agad naman niyang hinanap sa list niya ang pangalan ko saka ito tumango-tango.

“Alice Lax Grey,” banggit nito. “Nice name,” dugtong niya pa. “Okay, so ako muna ang magiging proxy ng kuya ko. Kilala niyo naman na siguro ako.” Ngumiti ito matapos niyang sabihin 'yon.

“Sino namang hindi makakakilala sa isang hot na kapatid ng hot professor dito?” malanding sabi ng babae sa harapan. Napatawa lang naman ang substitute professor sa narinig.

What’s funny? He’s not even hot. Tss. Flattered much?

“Syempre merong hindi nakakakilala sakin...” he paused bago binalingan ng tingin ang pwesto ko. Walang emosyon ko namang sinalubong ang mga tingin niya. “...si miss Grey,”

 

“Tss.” Binalik ko na lamang sa bintana ang tingin ko dahil suyang-suya na ako sa mukha niya. Puro pacute ang alam, nakakaumay. He’s badboy looking pero mukhang Casanova sa tabas pa lang ng pananalita at pagpapacute niya sa mga babaeng blockmate ko.

“Okay. So, I’m Oz Bezarius and tulad niyo, a 3rd year college student ng Steins Gate University. Major ko ang Drawing, Manufacturing and Planning kaya sa akin ibinilin panandalian ni Mr. Gil Bezarius ang subject niyo. Ayos ba?”

 

“Of course sir! Magiging masipag ako lalo nito sa paggawa ng plan,” Girl 1.

“Hindi na ako tatamarin mag-isip ng new structural design, girl.” Girl 2.

At syempre habang may mga pacute na babae, may mga kontrabidang inggiterong boys naman. So immature but I really love what they’re talking behind this Oz.

“Pacute lang naman ang alam niyan,” Boy 1.

“Kung hindi naman dahil kay sir Gil hindi naman sikat sa babae 'yan,” Boy 2.

“Baka kapag pinabugbog ko sa gang 'yan umiyak na pauwi,” Boy 3. Sabay-sabay pa silang nagtawanan kaya mas nainis na naman sila noong sinaway sila ni Oz.

Nagdiscuss lang naman siya ng kung anu-ano doon at umasa pa siyang makikinig ako sa mga pinagsasabi niya. Based on the first time I saw him, hindi naman siya kagalang-galang para pagtuunan ko ng pansin. Hanggang ngayon fresh pa rin sa mind ko ang mga nangyari that day sa masikip na eskinita near the mansion.

BOOK 2: Confession of a Gangster (Completed)Where stories live. Discover now