Chapter 53

6.3K 260 17
                                    

Axel pov:

"Ready kana ba kuya?"ngiting tanong ni Andria sa akin kaya tumango ako, kahit sa kaloob looban gusto ko na mahimatay. "You look constipated twin"ngising sabi ni Alex sa akin kaya masama ko siyang tiningnan. 

"Kuya huminahon ka walang kakain sayo"nasasabi mo lang yan dahil di ka pa napupunta sa mansion nila Nerd. Wala ngang kakain sa akin doon pero papatay madami naman. "Mukha ka talagang natatae"ngising sabi ni Alex sa akin kaya inis niya siniko ni Andria.

"Ganito nalang sasama nalang kami ni Kuya sayo para di ka kabahan"nanlaki mata ko doon. "Mas maganda na siya nalang Andria"kaagad na sabi ni Alex sa kanya at pinanlakihan ako ng mata signaling me to leave the house already.

"No need Princess kaya ko na to salamat nalang sa suporta"ngiting sabi ko sa kanya kaya napanguso siya. "Call us if something bad happens to you"seryosong sabi ni Alex sa akin kaya tumango ako. 

"Goodluck Kuya!"ngiting sabi ni Andria sa akin. "Bye"paalam ko sa kanila at kaagad pinaharurot paalis yun sasakyan sa bahay. Huminga ako ng malalim habang tinatahak yun daan papunta sa mansion nila Nerd. Pero di pa ako nakakapasok sa mismong teritoryo ng kaagad ako kainin ng kaba.

Paano kapag patayin na nila ako ng tuluyan?

Mabilis ko iniwasiwas yun mga pinagiisip ko at ng tumama mata ko sa cellphone naalala ko yun sinabi ni Nerd. 

"Yeah you can come here pero kailangan mo ako iinporma para alam ko kung kailan ka pupunta. Delikado na at baka patayin ka nila"

Kinakabahan na kinuha ko cellphone ko at hinanap yun name ni Nerd sa contacts ko. Huminga muna ako ng malalim. 

May chansa ba na sasagutin niya yun tawag ko o text?

Lumunok muna ako at akmang tatawagin na siya na may kumalampag ng pintuan ko. "AHHH!!"malakas kong sigaw at nabitawan yun cellphone. Pero di huminto kung sino man ang nasa labas dahil kinatok niya pa ang pintuan ko.

"Wala akong pera ninakaw ko lang yun sasakyan na to!"sigaw ko kung sino man ang nasa labas. 

What a lame excuse Axel bravo

"Open the fucking door Axel!"napahinto ako ng marinig boses ni Jiro. Gabi na kasi at madilim dito kaya di ko makita kung sino ang nasa labas. 

"Ano ginagawa mo dito J-"di ko na natapos yun sasabihin ko ng higitin niya ako palabas sa sasakyan at siya ang umupo sa driver seat. "Ano pa ang hinihintay mo pasko? Sakay"iritadong utos niya sa akin kahit naguguluhan ako sumakay ako sa sasakyan ko.

Di ko pa nasusuot yun seatbelt ng ipaharurot niya yun sasakyan paalis. "Dahan dahan naman!"inis kong sabi sa kanya ng masuot ko na yun seatbelt. "What the hell are you thinking?!"galit niyang tanong sa akin. 

"Dapat sayo yun tanong na yan! Ano ba ang ginagawa mo dito?!"inis kong tanong sa kanya. "Dahil dito ako nakatira?"sarkastiko na sagot niya at napamura ako ng iliko niya bigla. 

"Dahan dahan naman sa pagmamaneho ng sasakyan ko!"inis kong sabi sa kanya. "Akala ko ba ninakaw mo lang to?"napangiwi ako doon at umayos ng upo. Pero di pa ako nakakaayos ng lumiko na naman to at muntikan na ako mauntog sa bintana. 

"Ano ba?!"nag uumpisa na ako mairita sa kanya pero nawala yun ng makita na seryoso lang siya habang may hawak na cellphone. "Yes nailayo ko na sila pero di ko na alam kung nasaan na kaming dalawa"seryosong sabi niya sa kausap niya.

"No di na namin kailangan ng back up kaya ko na to. 2 dalawang sasakyan lang naman ang nakasunod sa amin"kaagad ako napatingin sa likod at nanlaki mata ko na may sasakyan ngang nakabuntot sa amin.

Cold Meets BullyWhere stories live. Discover now