"Ano ba kasi pakealam mo hah?! May gusto kaba kay Nerd?!"

"Wala at bakit doon napunta yun usapan?"inis niyang tanong sa akin pero masama ko lang siya tiningnan. "Kung wala bakit ka ganyan magalala sa kanya?"nanginginig kong tanong sa kanya.

Inis niya ako binitawan at marahas na napabuntong hininga. "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala akong gusto kay Zein. Nagaalala ako sa kanya dahil kaibigan ko siya. At nagiisip ka na naman ng kung ano ano Axel, sinasaktan mo na naman sarili mo dahil dyan"malumay niyang sabi sa akin kaya napa tsk ako at umupo sa kama ko.

Pumunta siya sa harapan ko at pumeywang. "Osige kung wala kang ginawang kalokohan sa kanya ano ang ginawa mo? Sinabi ng tatlo sa amin na hindi pa nila nakakausap ng matino si Zein"malumay niyang sabi sa akin.

"At sinabi nila na may kinalaman ka doon, sure ako na pinuntahan mo si Zein kahapon kaya ka absent"sabi niya sa akin at tinaasan na ako ng kilay. "Ano ang ginawa mo kay Zein Axel?"umiwas ako ng tingin sa kanya at kaagad ako namula ng maalala ang nangyari kahapon.

"See you're blushing!"

"Shut up!"binato ko sa kanya yun unan ko na kaagad niya naiwasan. "Namumula ka at isa lang ang rason dyan"seryosong sabi niya sa akin kaya napalunok ako. 

Katapusan ko na ba ito?

Mas lalo ako kinabahan ng tingnan niya ako ng seryoso. "Nakita mo katawan ni Zein noh?"kaagad binalot ng katahimikan yun kwarto ko. Prinocess ko yun sinabi niya at ng mag sink in malakas akong tumawa. 

"Ano tinatawa tawa mo dyan?!"inis niyang tanong sa akin pero di ko siya masagot dahil tumatawa parin ako. "Alex kung makita ko man katawan ni Nerd panigurado wala na ako dito ngayon at pinatay na niya ako"natatawang sabi ko sa kanya. Di na ako makahinga sa kakatawa at konti nalang mamatay na ako.

"Hinalikan mo siya noh?"kaagad ako natigilan at gulat siyang hinarap. "Pa-ano?"nag cross arm lang siya sa akin at umupo sa sofa. "Alam ko malabong mangyari na makita mo katawan ni Zein dahil panigurado uuwi ka na may pasa. Kapag nahawakan mo naman siya sa hindi dapat pwede hawakan panigurado nasa hospital ka na ngayon dahil sa bali ng buto. At isa lang ang natitirang option at yun ay nahalikan mo siya"seryosong sabi niya sa akin kaya napabuntong hininga ako at umupo.

"Hindi ko siya hinalikan"mahinang sabi ko sa kanya. "Aksidente ko siyang nahalikan kahapon"sabi ko sa kanya habang pinaglalaruan yun daliri. 

"Di ko naman sinadya yun Alex, nagulat din ako nag sorry ako sa kanya pero di niya ako pinakinggan. Mukhang nabastos ko ata siya. At panigurado ako na galit na galit na siya sa akin ngayon"yukong sabi ko sa kanya. Inaasahan ko na sisigawan niya ako o sesermonan. Pero natigilan ako ng guluhin niya buhok ko.

"Kung galit man si Zein sayo dapat binugbog ka niya. Kung nabastos mo siya dapat sinigawan ka niya. Hindi mo sinadya yun halik na yun. Parehas kayo nagulat Axel"sabi niya sa akin.

"Kesa magmukmok ka dito Kuya why don't you go to Ate?"napaangat yun ulo ko at nakita si Andria na nakasandal sa hamba ng pintuan. "Kanina ka pa nangdyan?"gulat namin tanong ni Alex sa kanya at tumango lang siya at naglakad palapit sa amin.

Umupo siya sa tabi ko at kinawit yun kanan na braso sa kaliwa kong braso. "Kung galit man si Ate sa aksidenteng halik na yun bakit di mo siya kinausap? Kasi kung papatagalin niyo ito may chansa na pwede kayo magkailangan"sabi niya sa akin.

"At kung gusto mo talaga si Ate umamin ka na sa kanya"seryosong sabi niya sa akin kaya napabuntong hininga ako. "May nararamdaman o wala may Jiro na siya"pagak kong sabi sa kanya. 

"Kung may Jiro siya bakit ka pa niya hinahayaan?"napakunot noo namin ni Alex dahil doon. "What do you mean Princess?"takang tanong ni Alex sa kanya. 

"What I mean is kung nakatali na si Ate kay Jiro bakit niya pa hinahayaan si Kuya Axel sa pagdikit sa kanya? Kung di ko lang sila dalawa kilala mas mapagkakamalan ko pa silang dalawa ang mag jowa kesa kay Jiro. Dahil daig niyo pa ni ate ang mag jowa kapag magkasama kayo"sabi niya sa akin. 

"May nararamdaman o wala kapag naka amin ka na kay ate mawawala na yun mabigat na pakiramdam dyan"sabay tapik sa dibdib ko kung nasaan yun puso ko. "Mas ok na umamin kesa itago mo yan at palihim ka nasasaktan. Di man halata pero ako ang nahihirapan sayo kuya Axel"sabi niya sa akin kaya napangiti ako at ginulo yun buhok niya.

"Thank you Princess"ngiting sabi ko sa kanya at hinalikan siya sa noo. "Kumain na tayong tatlo"sabi ni Alex sa amin kaya ngising kumalas ako kay Andria at niyakap siya. "What the hell Axel!"inis niyang sabi sa akin at nilalayo ako pero diniinan ko lang yun pagkakayakap sa kanya.

"Salamat din twin"ngising sabi ko sa kanya at akmang hahalikan ko siya sa pisngi ng ibalibag niya ako sa sahig. Imbes na magalit sa kanya tumawa lang ako maski si Andria. Habang siya nandidiri akong tiningnan but I can see happiness in his eye. 

Panigurado namomoblema pa ako ngayon kung hindi nila ako tinulungan dalawa. Nagpapasalamat ako dahil sila ang naging kapatid ko kahit may mga saltik silang dalawa

Cold Meets BullyWhere stories live. Discover now