"Beshy!"sigaw ni Oshin saka ako niyakap. Kasunod naman nito si Colleen.

"Kamusta Bes?"si Colleen na yumakap din sa akin.

"Medyo masakit pa katawan."sagot ko.

"Tara, kumain ka ng agahan. Nagluto si Manang ng bulalo. Maganda daw kasi yun sa bagong panganak."si Bes.

Inalalayan pa nila ako papuntang kubo sa garden. Pinagsilbihan ako ng mga kaibigan ko. "Bhie, naisip kong ilabas si Maevin. Dapat daw kasi na pinapaarawan ang mga babies."si Vincent.

"Dapat nga pare hindi muna. Hindi pa siya pwede maalikabukan."si Garren.

"Nakabalot naman siya ng pranela kaya okay lang 'yan."si Colleen.

Naupo kaming lahat sa kubo at sabay-sabay kumain. "Daldal, congrats. Nasundan na si Calvin."si Stanley na nang-aasar na naman.

"E kayo? Malaki na rin si Hyeji ah."si Vincent. Biglang natahimik si Stanley.

"Naku, buntis na si Oshin. At kambal."si Colleen na nakangisi.

"Nahihiya ka ba, Insan?"natatawang si Garren.

"E ikaw, Bes? Malaki na si Corren."tanong ko naman.

"Wala pa, Bes. Busy kasi kami sa company. At saka ayaw pa biyayaan talaga."malungkot na tono ni Colleen.

"'Wag ka mag-alala. Sina Bianca nga, nakapaghintay 'e."si Stanley.

"Pero iba talaga si Stanley. Sharp-shooter! Kambal e!"pagbibiro ko dito. Nahihiyang sumubo ng kanin si Stanley habang kami naman ay sabay-sabay na tumawa.

—————————

Vincent's POV

Hindi ko alam kung bakit gusto kong ihele ang baby ko. Gusto ako ang nag-aalaga sa kanya. Gusto maging hands-on Dad kung pwede nga lang.

"So ano ang plano n'yo sa reunion?"si Stanley.

"Kailan ba?"si Garren.

"Mga tatlong buwan pa naman. Gusto ng ilan na magsama-sama ang lahat ng batch natin nung elementary."si Stanley.


"So, kasama ba kami n'yan?"si Myan.

"Bakit hindi? Para naman makilala nila ang mga asawa namin."si Garren.

"Si Oshin? Isasama mo ba siya, Stanley?"si Myan.

"Depende."sagot ni Stanley.

"Anong depende?"masungit na si Oshin.

"Buntis ka kaya?"sagot ni Stanley.

Natawa ako nang biglang binatukan ni Garren ang pinsang si Stanley. "Aray!"reklamo ni Stanley.

"Alam mong buntis asawa mo tapos pinapatulan mo ang pagkahighblood niya. Dapat iniintindi mo siya."sermon naman ni Garren dito.

"Swerte naman ni Bes sa'yo."narinig kong sabi ni Bianca.

"Bakit, swerte ka din naman kay Kyle ah."si Colleen.

"Oo nga."pagsang-ayon ni Oshin dito.

"Paano n'yo nasabi aber."hirit pa ni Bianca.

"Maalaga siya. Saka hindi ka iniwan sa kahit anong pagsubok."si Colleen.


"Hindi iniwan?"taas-kilay pang tumingin ang asawa ko sa akin.

"Oo. Hindi ka niya iniwan. Palagi ko siyang nakikita sa harap ng building ng condo ko noon. Isa pa, yung mga raffle na napapanalunan mo noon? Nagbabayad si Vincent ng malaki para gawin ng iilang tao na manalo ka."si Oshin.

"Ginawa mo 'yun?"tanong ni Bianca sa akin na bakas ang sa kanyang mukha ang pagkagulat. Tumango lang ako at ngumiti.


"Tapos, nakita ko rin siya sa nursery room ng hospital kung saan ka nanganak kay Calvin. Siya din ang nagbayad ng bills mo."dagdag pa ni Oshin.


"Bakit—?"

"Hindi ko na nasabi sa'yo, Bianca. Nahihiya akong lapitan ka noong mga panahong 'yon. Isa pa, alam kong tatanggihan mo ang tulong mula sa akin."sabad ko.


"Sorry."si Bianca na naiiyak na.


"Tama na nga ang drama. Hindi bagay sa'yo Daldal."si Stanley na laging panira.

"Naiinggit ka lang kasi. Masungit ang asawa mo kapag nagbubuntis."si Garren saka tumawa.


"So, ano bang nagustuhan mo sa bestfriend ko?"tanong ni Myan sa akin na seryosong nakatingin sa akin.

"Oo nga. You are too opposite."si Stanley.

"Well, 'yung pangungulit niya sa akin. At yang kadaldalan niya, 'yan ang unang ikinaasar ko sa kanya. 'Yung tipong sobrang nakakabingi. Pero habang tumatagal, kapag nakilala mo na siya? Doon mo siya magugustuhan."kwento ko.


"Sweeeeet..."si Oshin.

"Noong una tayong nagmeet Myan, nagpapanggap lang kami noon na mag-on. Dahil kay Dad. Pero 'yung isa sa mga napagkasunduang rules namin ni Bianca, nabali ko. I fell in love with her." I paused. "Ang stupid lang kasi narealize ko na mahal ko siya noong nagkahiwalay kami. At hindi ko siya naipaglaban."


"Vincent, hayaan na natin 'yun. Ang mahalaga naman ngayon, magkasama na kayo at buo ang pamilya n'yo."si Garren.


"Kumain na nga lang tayo. Daming drama."si Stanley.



"Akin na muna 'yang si Maevin."si Oshin.



Umupo ako sa tabi ni Bianca matapos ko maibigay si Maevin kay Oshin. I held her hand tight. "I love you."


"I love you too, Vincent."



I just realize na sa dami ng pagsubok na pinagdaanan naming dalawa, nasa tamang panahon pa rin talaga ang saya. Kapag mahal mo, hindi mo kailangan agad ipaglaban. Minsan, kailangan ng space para malaman mo kung gaano mo siya kamahal. Na kahit na malaki ang pagkakaiba ng personalidad at hilig n'yo, kung iisa naman ang nararamdaman at sinasabi ng puso n'yo.... darating ang panahon na magkakasama kayo at magiging masaya......



THE END.



————————


Salamat sa lahat ng nagbabasa at magbabasa pa ng istoryang ito. Sa mga nagvote at nainspired. Tulad ng sinabi ko, ang ilang pangyayari ay totoo na nakabase sa buhay ng iilang kabataan ngayon.

Sa mga gustong makakulitan ang mga characters ng stories ko, we have an official Facebook group. Just search, HEARTTHROBS AND QUEENS SERIES OFFICIAL.

We're still looking for operators, mostly male operators. Just piem me on facebook, CECILE DONAIRE MANALO if you are interested.

Salamat po ng marami!

Opposite Attracts (Heartthrob Series 3)Onde histórias criam vida. Descubra agora