Chapter 21

59 2 1
                                    




Bianca's POV



Nagising ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko sa buong katawan ko. Nang mag-inat ako ay doon ko lang naalala ang mga nangyari sa amin ni Vincent last night.


"Good morning."nakangiting bati sa akin ni Vincent dala ang pagkain sa tray.

"Anong ginawa mo sa akin kagabi?"tanong ko dito.


"Kunwari ka pa. Kumain ka na lang."


Tiningnan ko ang sarili ko. Suot ko ang malaking T-shirt at ang undies ko. "Kung may nangyari sa atin, sinong nagsuot nito sa akin?"inis ko nang tanong dito.


Isang nakakalokong ngiti lang ang isinagot sa akin nito. "So ano? Ikaw ang nagbihis sa akin?"agad kong tinakpan ng kumot ang buong katawan ko.

"Nakita ko nang lahat 'yan. Kumain ka na. Mamimili pa tayo ng mga kakailanganin sa birthday party ni Baby Cal."utos nito sa akin.


"Ayokong kumain."


"Kakainin mo 'yang pinaluto ko o ikaw ang kakainin ko?"saka ito ngumisi. Bigla akong kinabahan sa pagbabanta niya sa akin.


"Okay. Kakainin ko 'yan mamaya.  Pwede bang magshower muna ako?"


"Kumain ka na muna. Mabango ka pa rin naman ah."sabi pa nito.


"Kailangan ko nang maligo 'no? Amoy Vincent na ako."saka ako bumangon at dumeretso sa banyo.

"Ayaw mo nun, mabango ka kung kaamoy na kita."pagbibiro pa nito.

"Maliligo na ako. Ikuha mo na lang ako ng damit ko sa kwarto namin ni Calvin at tuwalya."utos ko dito.


"Sige, tawagin mo ako kung kailangan pa kitang tulungan sa pagligo mo ha."saka ito tumawa.

Lakas loob kong hinubad ang T-shirt na suot ko saka ibinato sa mukha niya. "Bahala ka!"sabay takbo ko sa loob ng banyo at agad na sinarado iyon. Natatawa ako sa paghabol niya sa akin. Sadyang mahilig talaga itong si Vincent.







————————

Iniabot niya sa akin ang damit na susuotin ko at ang twalya. Matapos kong maligo ay bumaba na kami sa salas. Nadatnan namin si Calvin na bumubuo ng puzzles doon.

"Mommy!"sigaw nito sabay takbo para salubungin ako.

"Baby! Baka madulas ka. 'Wag kang tumakbo."saway ko dito.

"Bati na  kayo  Daddy?"tanong iti saka tumingin kay Vincent. Ngit ang lang ang aming sinagot dito. Tuwang-tuwa ang anak ko sa nalaman niya.

"Mam, Sir? May tawag po sa telepono."ang Yaya ni Calvin saka iniabot kay Vincent ang hawak na telepono.

"Hello.... ano?... sige. Thank you sa information." Narinig kong sabi ni Vincent.


"What happened?"tanong ko.


"Bad news. Nakatakas si Harvey sa Mental. May iniwan daw na note sa kwarto niya. I need to go."


"Sasama ako."sabi ko dito.

"Delikado. Dito na lang kayo sa bahay. Magpapatawag ako ng mga pulis na pwedeng magbantay sa inyo."

"Sasama kami. Hindi na din kami safe dito."may halong kaba kong sabi dito.

"Okay."




————————————

Matapos naming magbihis ay nagtungo agad kami sa ospital. Kasama naming nagpunta dito ang mga pulis at imbestigador. Buhat ni Vincent si Calvin at ako naman ay nakasunod lamang dito. Alam ko at ramdam ko ang pag-aalalang nararamdaman ni Vincent sa pagtakas ni Harvey. Ayoko ding maulit pa ang pagtatangkang ginawa sa akin ni Harvey noon.


Opposite Attracts (Heartthrob Series 3)Where stories live. Discover now