Chapter 2

103 3 1
                                    


Sana subaybayan n'yo din ang story na ito ni Bianca. Pwede n'yo makakulitan ang madaldal na si Bianca. Just search our group, HEARTTRHOBS AND QUEENS SERIES OFFICIAL.

We are still hiring Operators. Just piem me if you're interested.

~~~~~~~~~~~

Bianca's Pov

Dahil kilala nga ni Stanley si Vincent ay palagi ko siyang kinukulit about dito. Nasa Day tour kami ngayon. Dito kami sa medyo likuran pumwesto para makita namin  ang nangyayari kina Colleen at Garren sa bandang unahan.

"So, close nga kayo ni Vincent? Paano?"pamgungulit ko kay Stanley.

"Kanina ka pa ha. Ano bang nakita mo sa dancer na yun? BAkit hindi siya tanungin mo para mas makilala mo siya?"inis nitong sagot sa akin.

"E, nakakahiya kaya."

"Hoy Bianca Daldal, may hiya ka pa ba sa lagay na yan? Hindi ka na nahiya sa akin."nakacross-armed na ito. Nakakatawa ang hitsura ni Stanley.

"Dali na. Gusto ko malaman ang lahat tungkol sa kanya."pamimilit ko pa rin sa kanya.

"Ano ba? Tigilan mo nga ako."saka niya ako tinulak.

"Aray! Grabe ka sa akin ha."reklamo ko.

"Pwede bang tumahimik ka kahit isang minuto lang."

"E kasi-"

"Ingay mo. Tumahimik ka na."malakas niyang sabi. Wala akong nagawa kundi ang tumahimik.

Ang huling lugar na pupuntahan namin is Mall of Asia. Oras naman naming mga estudyante ang mamasyal at bumili ng anumang gusto namin. Naging excited kami. Pero napansin ko ang pananahimik ni Stanley.

Nagkayayaan kaming magpunta sa Jollibee para doon kumain. Dahil hindi sumasakay si Bes Colleen sa elevator, napag-usapan naming mauna na sa Jollibee at hintayin si Colleen. Hindi nagpapansinan ang magpinsan at para sa akin ay kataka-taka iyon.

"Stanley? May problema ba kayo ni Garren?"tanong ko dito dahilan para pati si Garren ay mapatingin sa akin.

"Wala."sabay nilang sagot sa akin.

"Ahhhh, tahimik nyo kasi."sabi ko.

Nakarating kami sa Jollibee. Ilang minuto rin kaming naghintay kay Colleen pero wala pa rin siya. Sinubukan naming itext siya pero hindi siya nagrereply.

"Bianca, nasan na daw si Myan?"tanong ni Garren na nag-aalala.

"E hindi siya nagrereply e."sagot ko.

"Umorder na tayo."si Stanley.

"Sige. Ioorder ko na rin si Myan."si Garren. Napansin ko na naging iba ang tingin ni Stanley dito.

"Sige. Tara na." Yaya ko na lang.

Agad naman kaming kumain matapos mag-order. Nakakahiya naman sa mga kasama ko na nagmamadali dahil kay Colleen. Tahimik kaming tatlo. Si Stanley pansin ko na lagi na lang nakasimangot.

"Anong problema mo?"tanong ko kay Stanley.

"Wala nga!"inis niyang sagot.

"Tatawagan ko si Myan."si Garren na dala ang paper bag laman ang inorder niya kay Bes. Nakakainggit talaga. Gawin din kaya sa akin ni Vincent?

Tumango lang ako. Ibang-iba talaga ang awra ni Stanley ngayon. Parang nakakatakot kausapin. Habang naglalakad ay sinusubukan pa rin ni Garren makontak si Colleen. Ilang minuto pa ay narinig kong nagkausap na sila.

"Nasa may Bay daw siya. Sa seaside."si Garren matapos ang tawag nila ni Colleen.

Nauna ang dalawa sa akin. Ano ba sila? Nag-uunahan sila kay Colleen. Ang haba naman ng hair ng Bes ko. Buti pa siya.

Opposite Attracts (Heartthrob Series 3)Where stories live. Discover now