Chapter 20

58 3 3
                                    


SPG!!!!

————————————————

Bianca's POV

Ilang araw na din kami dito sa mansyon ni Calvin. Matapos ko kasing makausap si Vincent ay agad na din kaming lumipat mag-ina. Nagresign na din ako sa pagtuturo para mapag-aralan ang paghawak sa kompanya na naiwan ng aking ama.

Nakakaramdam ako ng pagkailang kapag nandyan si Vincent. Lalo na kapag hinihiling ni Calvin na sumali ako sa laro nilang mag-ama. Hindi ko alam kung bakit ito ang lagi kong nararamdaman. Nahihiya na naiilang ako kapag nandyan siya sa malapit.

Malapit na ang birthday ni Calvin at pinaghahandaan ko ito. Nag-uunti-unti na ako sa mga kakailanganin niya. Balloons, party hat, loot bags at marami pang iba. Gusto kong maging masaya ang anak ko sa birthday niya.


"So, maghire ba tayo ng clown sa birthday ni Baby Cal?"bigla akong napatayo sa kinauupuan ko. Nang pumihit ako para harapin si Vincent ay agad akong napaatras at hindi sinasadyang madulas sa gulat. Agad niyang hinapit ang bewang ko para hindi ako bumagsak sa sahig. Hindi ko napansin na napakapit ako sa kanyang balikat. Nakita ko kung paano niya ako titigan mata sa mata kaya natauhan ako. Agad akong tumayo ng ayos at bumitaw sa kanya. Naupo ako sa kabilang side ng glass table para makaiwas sa kanya.

"Ang init no?"reklamo ko kunwri saka ko  pinaypay ang sarili ko ng mga kamay ko.


"Nakaaircon naman tayo ah. Hindi naman ganoon kainit."sagot naman nito.

Naupo ako at saka pinagpatuloy ang paglilista ng iba pang kailangan ni Calvin sa kaarawan niya. "Ano kaya kung doon tayo sa garden maglagay ng mga tables. Then, we have tents sa storage. Ipapalinis ko na lang kina Manang para magamit natin."si Vincent.

"Okay."

"Maghahire ba tayo ng clown?"tanong ulit nito sa akin.

"Hindi kaya matakot si Calvin?"tanong ko dito.


"Bakit naman matatakot si Baby Cal? Don't worry, ako nang bahala sa clowns para sa birthday niya. I'm sure, matutuwa siya."


"Gusto ko sana imbitahan si Bes at si Beshy."

"Why not? Mgakaibigan ko rin  naman mga asawa nila. So, call ako."

"Salamat."

"Bakit ka nagpapasalamat? Dahil ba sinalo kita kanina?"saka ito kumindat.


"Tumigil ka nga d'yan! Sige na, pupuntahan ko na muna si Calvin."paalam ko dito.

"Natutulog na siya sa kwarto niya. Napagod siguro sa paglalaro namin kanina."sabi nito.

"Kumain na ba siya? Baka pinatulog mo ng gutom?"


"Opo Boss. 'Eh ikaw ba? Kumain ka na?"

"Busog pa ako."sagot ko dito saka  naglakad palayo sa kanya.


"Iniiwasan mo ba ako?"malakas na tanong niya sa akin dahilan para tumigil ako sa paglalakad. "Naiilang ka pa rin ba sa akin?"


Humarap ako sa kanya saka nagsalita. "Pumayag akong tumira dito dahil sa anak ko. Alam kong magiging masaya siya  kung makakasama niya ang Daddy niya."

"'Yun lang ba 'yun? Ikaw? Hindi ka ba masayang makasama ako?"tanong nito saka unti-unting naglakad papalapit sa akin. Hindi ako nakasagot sa tanong niyang iyon. Masaya nga ba ako?

Nang makalapit siya sa akin ay nananatili lang akong tahimik habang nakatitig sa kanyang mata. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. "Mahal na mahal kita. Kahit na iniwan mo ako noon, mahal na mahal pa rin kita."

Opposite Attracts (Heartthrob Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon