16 ~ Fight For it.

90 9 4
                                    

V's POINT OF VIEW 

Sabi ni Cookie nandito daw si Ms. Pancake kay Jimin kaya nag madali akong pumunta sa North at saktong pag ka bukas ko ng kwarto ni Jimin.. Iba ang natagpuan ko. 

"Oh, look who's here." Bungad ni Jin sa akin samantalang si Jimin, naka-tulala. 

"Jin.." Sabi ko sa kanya. 

"Anong ginagawa mo dito? Kala ko ba hindi kana mag papakita sa akin?" Tanong nito sa akin. 

"Kukuhain ko yung gamot ko." Sabi ko sa kanya at nabaling ang tingin ko sa hawak-hawak niya.. 

Coat yun ni Ms. Pancake ah? Wag mong sabihing... Napa tingin ako kay Jimin at umi-iling-iling lang ito. 

"Hanggang ngayon ba sakitin ka pa rin? Tapos hindi mo kami kailangan? Then bakit ka nandito para humingi ng gamot? Kala ko ba kaya mo na yang sarili mo?" Inaasar ba ako nito. 

"Wala akong panahon sayo Jin." Sabi ko dito, nakaramdam ako ng sakit ng ulo kaya napahawak ako sa ulo ko. 

"V, okay ka lang brad?" Tanong ni Jimin. 

"Oo, wag mo akong alalahanin." Sabi ko dito. 

"Hey brother, or not brother. May nabalitaan kaba sa nawawalang prinsesa?" Tanong ni Jin sa akin. 

"Wala." Diretso kong sabi sa kanya. 

"Ahhh. Sayang." Sabi nito. 

"Bakit? Tinakasan ka? Ayaw ka niyang makita?" Tanong ko dito. 

"Yes, Dahil wala siyang mapupuntahan pag ako ang naging asawa niya." Bigla akong nainis sa sinabi niya. 

"Hindi kapa sigurado kung magiging asawa ka niya o hindi." Sabi ko sa kanya. 

"Woah, sumasagot kana? At bakit? Babalik kana ba sa East para sumali sa kompetisyon dahil gusto mong mapangasawa ang prinsesa?" Tanong ni Jin sa akin. 

"Hindi ko na hahangarin na maging prinsipe ng East." Sabi ko sa kanya. 

"Oo, dahil kung nandun ka naman din, hindi ikaw ang mananalo dahil isa kang talunan." Sabi ni Jin sa akin. 

"Hindi ako talunan. Pinag bi-bigyan lang kita." sabi ko dito. 

 "Aminin mo na kasi, you're a loser. Tignan mo, namumutla kana." Sabi ni Jin. 

"Wag mo akong iinisin." sabi ko sa kanya. 

"Buti nga hindi kita sinumbong kay Papa at kay Mama eh dahil mas magiging kawawa ka lang." bigla akong nainis sa sinabi ni Jin kaya tinulak ko siya. 

"Guys, tama na yan." Sabi ni Jimin. 

Nanghihina ako ngayon, kaya nang itulak ako ni Jin, napa upo ako sa lapag at umubo ako ng dugo.. 

"See? Ang hina-hina mo." Sabi ni Jin kasabay ng isang pasigaw na boses. 

"Mr. Bad!" Pasigaw na sabi ni Ms. Pancake at lumabas ito sa ilalim ng kama. Hinawakan niya yung pisngi ko't pinunasan niya yung pawis ko sa bandang nuo. 

"Bakit ka nandito? Diba sabi ko sayo wag kang susunod?!" Pasigaw na sabi ni Ms. Pancake.

"Princess Christine?" Tanong ni Jin at napa tingin siya kay Jin. 

"Shit..." Narinig ko yung bulong ni Ms. Pancake at pinilit kong tumayo, nagulat nalang ako ng hawakan ni Ms. Pancake ang kanan kong kamay.. ng mahigpit. Yung mata naman ni Jin, naka tingin sa kamay naming mag-kahawak. 

"What's this?" Tanong ni Jin. 

"Hindi mo kami mapapag-hiwalay." Sabi ni Ms. Pancake at nakita ko kung paano naging awkward ang mukha ni Jin. Nakatulala siya pero alam kong naiinis siya. 

The Princess and The ThiefWhere stories live. Discover now