15 ~ Prince Of The North

97 9 2
                                    

Christine's POINT OF VIEW

Hindi ako maka-pakali kay Mr. Bad. sobrang init niya. At wala man lang akong magawa kundi titigan siyang nahihirapan. Ayaw niyang kumain, ayaw niya akong palabasin, ayaw niyang mag-kumot, at ayaw niyang titigan ako dahil nga daw, nadi-distract siya! Ano bang klaseng lalaki to ah? Tsk tsk. 

Hindi naman din ako maka-pag salita dahil ang awkward lang. Yung mga sinabi niya sa akin at yung mga sinabi ko sa kanya. Hindi pa kami lubos na mag-ka-kilala pero dahil sa binibigay niyang ugali sa akin tuluyan na akong nahuhulog sa kanya. Pero ako na ang nag-sabi na hindi kami pwede dahil hindi naman talaga. 

"Matulog kana nga." Utos sa akin ni Mr. Bad. 

"Hindi pwede. Ikaw dapat ang matulog dyan. Ang kulit mo talaga." Sabi ko sa kanya at pinatungan ko siya ng kumot pero tinabig niya ito. 

"Matulog kana." Sabi niya sa akin. 

"Bahala ka sa buhay mo. Ano bang nangyayari sayo at bakit pinag-babawalan mo akong lumabas para kumuha ng gamot mo ah?" Tanong ko sa kanya. 

"Hindi mo alam pabalik." Sabi nito, well good point but heck no. 

"Gagawa ako ng paraan. Wag kang susunod. At talagang kokotongan kita." sabi ko sa kanya. 

"Tsk. Go ahead, but if you're not back at 30 minutes, hahanapin na kita." Sabi nito sa akin. Posibleng mahanap niya ako dahil sobrang init niya at wala siyang lakas. Pero if he really cares for me, susundan niya ako kahit may sakit siya. 

"Tsk. Yun naman pala eh. Edi okay. I'll be back. Kukuha lang ako ng gamot." sabi ko sa kanya at kinuha ko yung coat ko at pinatong ko ito sa likod ko't nag lakad na papunta sa South. 

Pupunta ako kay Cookie. 

[FASTFORWARD] 

"Kailangan mong pumunta ng North para makuha yung gamot niya. Nandun sa Prince yung gamot dahil tanging siya lang ang nakakahawak nito. Pag nag-ka sakit si V, yun lang yung dapat niyang inumin." Sabi ni Cookie sa akin. 

"Okay, yun lang?" Tanong ko sa kanya. 

"Are you sure na ayaw mong mag pasama?" Tanong nito. 

"No, wag na. Thanks nalang." sabi ko sa kanya at nag lakad ako palabas pero bago pa man ako maka labas sumigaw siya. 

"Goodluck! Pagalingin mo yung prinsepe mo! Ayiee. Ingat ka dun." sabi nito. 

"Hahaha, Ge!" Pasigaw kong sabi sa kanya at nag umpisa na akong mag lakad papuntang North. I've been in the North before kaya alam kong paano papunta dito. 

Pero paano ako makakapunta dun sa Prince? Tama, since gabi naman na ngayon, akyatin ko nalang yung bintana niya. Good Idea Ms. Pancake. 

Medo malayo-layo na ang nilakad ko pero hindi ko parin makita yung castle ng North, pero maya-maya lang. Nakita ko na rin yung naka bukas na gate. 

'WELCOME TO THE NORTH' 

*O* YEY! Nandito na ako! :P 

Pumasok ako sa loob at medyo madami paring tao sa labas, fiesta ba dito ngayon? Ang daming ilaw eh. Tsaka ang ganda din pala ng North, madaming bulaklak, puno, at mga nagti-tinda. 

Napa tingin ako sa palasyo and it's pretty big. Mas malaki talaga ang mansion ng Edenia. Kailangan kong makuha yung gamot na iyon. 

Lalapit na sana ako sa gate kaso nabaling ang tingin ko sa isang lalaki na malapit sa ranch at pinapakain niya yung isang puting kabayo. Hindi lang itong isang ordinaryong lalaki.. Si Jimin ito! 

The Princess and The ThiefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon