4 - I Am The Boss!

151 12 3
                                    

V's POINT OF VIEW

Prinsesa ba talaga siya ng Edenia? It doesn't look like it. Paano naman kasi, kahit naligo na siya ang dumi dumi parin ng ewan. Hay nako. Hindi ata tunay na babae itong Ms. Pancake na to eh. Paano ko nasabi? Dahil nagising ako ng maaga dahil sa hilik niya! At nakita ko siya sa baba na nag lalaway sa unan ko! Mahirap naman gisingin dahil sinapak sapak ko na pero darn! Ayaw magising!

"Hoy! Ms. Pancake!" Sigaw ko tapos hinila-hila ko pa yung buhok niya.

"Aray.." Bulong nito pero hindi parin siya naka dilat.

"Ms. Pancake!" Sigaw ko sa tenga niya at nanlaki ang mata nito biglaan at nasuntok ako sa ilong!

"Ouch!" Giit ko sabay hawak sa ilong kong matangos. Taena!

"Mr. Bad? Bakit mo ako ginising?" Takang tanong nito sa akin.

Nag tatanong ba siya? Eh kaganina ko pa ginigising ang isang to eh. -__-

"Hoy. Ms. Pancake, mag ayos kana. Pupunta tayong palengke. Mag nanakaw tayong dalawa." Sabi ko sa kanya.

"What? I can't do that. Prinsesa ako, tsaka masama ang mag nakaw." Sabi niya.

"Tsk. Ako ang boss. Susunod ka. Kaya get up para hindi tayo mamatay sa gutom. Kinain mo lahatng stock pancakes ko." Sabi ko sa kanya.

"So mag nanakaw tayo para pambili ng pag kain natin?" Tanong niya.

"Yep. Kaya tumayo kana jan." Sabi ko sa kanya.

"Bossy.." Narinig ko pang bulong niya sa akin.

"Wag kang bumulong, naririnig ko po." Sabi ko sa kanya.

Pumunta ako sa labas dahil alam ko namang mag papalit siya ng damit -___- Eto ang mahirap pag may babae sa bahay, I mean, ano bang nangyari sa akin at sinabi kong pwede siyang manatili sa bahay ko? -__- Shet.

Narinig ko namang bumukas yung pintuan kaya ako napa lingon. Suot niya yung favorite t-shirt ko -__-

"Aish, Tara na nga." Sabi ko sa kanya at sumunod-sunod naman ito sa akin.

Since Prinsesa siya, hindi ito marunong mag nakaw. Paano ba naman kasi? Laki sa palasyo tung isang to -__- Ignorante pag dating sa labas yan.

"Uy, bakit ang dilim?" Tanong nito sa akin.

"Nasa kalagitnaan tayo ng gubat. Syempre madilim." Sabi ko sa kanya.

"Uy, Mr. Bad, sigurado ka? Hindi kasi ako marunong mag nakaw eh." Sabi nito sa akin.

"Malamang, kaya susunod kalang sa akin okay?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Okay." Walang emosyon na sabi nito sa akin.

Patuloy lang kami sa pag lalakad at ilang minuto lang, I mean in about 20 minutes siguro naka punta na kami sa gate ng Village.

"Anong Village to?" Tanong niya sa akin.

"West." Sabi ko sa kanya.

"Uh! Baka nandito sila." Sabi nito sa akin.

"Sino?" Tanong ko.

"Si Cookie, yung Prince ng West." Sabi nito sa akin.

"Hahaha!!! Cookie? Pangalan ba yun? Alam ko pag kain yun eh! HAhaha!" Hindi ko maiwasang tumawa ng malakas kaya naman napa tunga-nga siya sa akin. Problema ng isang to?

"Hoy! Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya.

"Ah! oo." Weird talaga nito oo. -__-

Nag tago kami sa isang wall at lumusot kami sa bakod, tumingin kaming dalawa sa bakod, yung mga mata lang namin of coures.

The Princess and The ThiefWhere stories live. Discover now