14 ~ Telling Feelings

82 9 0
                                    

V's POINT OF VIEW

"Oo, dito lang ako." Natahimik ako sa sinasabi niya. Pwede bang kiligin ang isang lalaki? Bakit sa lahat ng tinanong ko sa kanya lagi naman itong sinasagot? Kung pwede lang na maging aki--...

What the heck am I saying?

Pero hindi ko maiwasang malaglag sa kanya dahil nag sasama kami sa iisang bahay at kahit halos dalawang linggo na siyang naka tira dito, alam na alam ko na ang ugali niya.

Aaminin ko sa aking sarili, alam kong meron na akong feelings para kay Ms. Pancake. Pero... May fiance na siya. At kapatid ko pa.

Hindi kami pwede.. At masama na pag mangyari man na kung may isa sa aming mag amin na may gusto sa isa at alam kong parehas lang kaming masasaktan.

Hindi talaga pwede.. Napaka hirap na iwasan si Ms. Pancake...

"Wag mo na akong yakapin. Mahahawa ka lang. Please." Sabi ko sa kanya at napa upo naman ito.

"Mr. Bad, nilalagnat ka. Sabi mo nga nilalamig ka eh." Nag tatakang sabi nito.

"Oo, pero hayaan mo na. Matulog ka nalang. Baka magustuhan pa kita eh." Natatawa kong sabi.

Napa dilat ang mga mata ko ng dahan dahan at naka bungad ang napaka realistic niyang mukha na naka poker face.

"Alam mo, may gusto ka siguro sa akin noh?" Nagulat ako bigla sa tinanong niya! At ngayon, naka ngiti siya na mapang-asar!

"At paano mo naman nasabi iyon ah?" Tanong ko.

"Kase, sabi mo date natin yun. Tapos muntik mo na akong i-kiss kaganina. At ngayon, gusto mo namang niyayakap kita at ngayon! Sinabi mo na baka magustuhan mo ako." Pag e-explain niya.

"Wala bang joke ang isip mo?" Tanong ko.

"Joke lang ba yon?" Tanong niya na may halong dissapointment.

"Bakit? Ayaw mo ba maging joke yun?" Naka ngiting tanong ko.

"Oo." Sabi nito at nag latag siya sa lapag at nahiga.

"Hoy. Ms. Pancake, ano bang sinasabi mo jan?" Tanong ko sa kanya.

"Wala." Sabi nito na may halos inis.

"Ano? Bakit? May gusto ka ba sa akin?" Tanong ko.

"Wala." Sabi niya.

"Ayiiiieeee! Meron eh.." Hinihingal kong sabi sa kanya.

"Wag kang mag salita, nahihirapan kana." Sabi nito.

"Eh umamin kana kase na may gusto ka saken." Sabi ko sa kanya.

"Paano kung oo? Anong gagawin mo?" Napatigil ako sa pag ngiti.. Base sa boses niya, talagang seryoso ito..

"Huh?" Tanong ko.

"See? Manhid. Ngayon, matulog kana." Galit niyang sabi sa akin.

"Wait woah woah.." Sabi ko.

"Ano ba ah? Ang gulo mo ah? Gusto mo kaltok?" Tanong nito.

"Oo. Gusto ko." Sabi ko sa kanya at tumayo ito at hahampasin na sana ako kaso nakalagan ko ang kamay niya at hinila ko siya papunta sa akin.

Dun siya natahimik at nanlalaki ang mga mata nito. Tanging sa apoy lang sa chimeneya ang nag bibigay liwanag dito sa buong bahay.

"Manhid? Ako?" Tanong ko dito.

"Oo manhid ka." Diretso niyang sabi.

"Ano? Gusto mo kiss?" Naka ngiti kong sabi sa kanya.

"Alam mo? May lagnat kalang kaya ka ganyan. Pinapa-asa mo ako. Kaya shuu, tulog na Mr. Bad at aalagaan pa kita buong linggo." Sabi nito at tumayo ulit kaso hinila ko siya ulit and this time!

Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Hindi. Ako. Manhid." Sabi ko sa kanya..

"Mr. Bad.." Bulong nito.

"Ano iyon?" Tanong ko.

"Kung hindi ka manhid, you should prove it." Sabi niya..

Hinahamon niya ba ako?

"Gusto kita. Kaso alam mo namang bawal diba?" Tanong ko..

Nanahimik siya.. Maya maya lang, nag salita na ito.

"Oo alam ko, kaya wag mo na nga akong yakapin.. Dahil kada hawak mo sa akin, feeling ko, ayaw ko nang bumitiw."

Napa tunga-nga ako nang wala sa oras, kaya binatawan ko siya at tuluyan na siyang nahiga..

Christine.. Kada hinahawakan kita, parang natatakot na akong mapunta ka sa iba..

Parehas lang pala tayo.. Kaso hindi pwede na.

Kung kaya ko lang ipag laban ang gusto ko, ipag lalaban ko. Kaso sobrang hirap dahil madaming kaagaw, at kasali pa ang taong napaka tumatak sa isipan mo...

Na hindi kana pwedeng manalo sa kanya.

To be continued..

The Princess and The ThiefWhere stories live. Discover now