Kabanata XXI. The TRANFEREES

Magsimula sa umpisa
                                    

"Naku! Delinquent ngang talaga yan tignan mo makikielam pa."

"Totoo yan friend pati grupo nina Lindsy ay kinalaban nyan."

Tsk. Hindi ko alam kung nag-uusap lang ba sila o sadyang pinaparinig sa akin ang mga sinasabi nila. Napakabibilis nilang manghusga.

"Pwede ba! Tsismisan kayo dyan ng tsismisan hindi naman kayo nakakatulong! TABEEE!" sigaw ni Hope sa mga nakaharang na estudyante.

"Ohh.. Look who's here girls, Zai and her friend Hope." nakataas ang isang kilay na wika ni Ivory.

"Humingi ka ng paumanhin sa kanya." malumanay na sabi ko kay Ivory at nilipat ang tingin sa ngayo'y papatayo ng h.s student. Naaalala ko sya. Ngunit dala ng pagkakataon ay hindi kami gaanong nagkakilala. Una sa lahat ay sya ang naunang lumapit at kumausap sa akin.

"Ha! Tanga sya at slow kaya sya nadapa kaya bakit naman ako magsosorry?! Pwede ba pinapatawa mo naman ako. Over my beautiful sexy dead body!" mataray na sabi nya at pumayawang.

Tsk. "Kitang kita kong pinatid mo sya." seryosong sabi ko at nakita ang gasgas sa siko nung estudyateng h.s na ngayo'y pinapagpag ang marumi na nyang uniform. Samantalang si Hope ay nakaalalay sa kanya.

"Friend mukhang papalag sayo si Zai. Ang kapal ng mukha e panget naman mahirap pa." sambit ng isa sa mga kasama ni Ivory at umirap.

"Tignan lang natin papatalsikin ko sya kasama na ang kaibigan nya dito sa SVU bago pa sya makapalag. Hindi makakahindi sa akin si Daddy alam mo yan." ganting taas ng kilay naman ni Ivory sa kaibigan.

"Lagot na si Zai at Hope, board member ang daddy ni Ivory dito sa school."

"Naku! Mabuti nga yun mapaalis na sila dito. Gulo lang ang dala nila."

Madami ang nagbulungan matapos ang sinabing yun ni Ivory at mas lalong dumami pa ang mga estudyante. Tsk.

"Halika na Zai, wala tayong mapapala dyan kay Ivory may sayad yan sa utak." bulong ni Hope sa akin. At nilingon ko naman ang nadapang high school student.

"Okay na ko ate Zai, wag mo ng patulan sina Miss Ivory baka ikaw pa mapasama." malumay na sabi nya. Tumango naman ako sa kanila bilang sagot. At sakto namang tumunog ang bell.

"Hindi pa tayo tapos Zai!" sigaw ni Ivory papalayo na sa lugar namin kasama ang mga kaibigan nya.

"Tignan mo yun may pahabol pang sigaw." saad ni Hope at "BALIW!" pahabol na sigaw din nya kay Ivory.

"Tsk. Sabi mo wag ng patulan." usal ko at siningkitan ng mata si Hope.

"Hehe, peace! [^__^]v" sabi nya at nag peace sign.

"Tsk." napailing na lang ako at sabay na napangiti rin kay Hope.

Dadalhin sana muna namin ang nadapang estudyante sa clinic ng school ngunit tumanggi ito. Kaya naman dumiretso na lang kami sa third floor kung saan naroroon ang silid-aralan nila.  "Ano nga palang pangalan mo? Okay ka na ba talaga? Sigurado bang hindi ka na magpapadala sa clinic?" sunod-sunod na tanong ni Hope ng makarating kami sa room ng third year.

"Okay na po ako. Salamat sa inyo ate Zai, ate Hope. Ako nga po pala si Miracle." pasasalamat at pakilala nito at tumungo.

"Haa? Paano mo kami nakilala?" takhang tanong ni Hope. "Hindi pa naman kami nagpapakilala sayo ah." dagdag na sabi ni Hope na bahagya pang kumunot ang noo sa kausap.

"Kilala ko na po kayo, maging si Ate Zai noon ko pa kilala. At palagi kayong naikwekwento sa akin ni Cha--" hindi na nito naituloy pa ang sasabihin dahil biglang may dumating.

THE COLDEST (in major revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon