Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nag-ikot para makilala ang mga bisita. Tulad nang sabi ni Ty, hindi ako humiwalay sa kanya kahit na panay na ang matatalim na irap na tinanggap ko kay Tiffany! Tss, akin lang si Tyrone Greene. Feeling naman niya! Hmp!

"I need to change my inner, Mahal ko," aniya matapos makipag-usap sa ilang business partner ng Dad niya.

"Sige." Tumango ako at magkasalikop ang aming mga daliri nang pumasok sa loob ng kanilang mansion. Ang init-init nang panahon kaya paniguradong naliligo na siya sa pawis. Kung bakit kasi kailangan pa nilang magpaka-pormal nang ganoon? Ang mayayaman talaga.

May pailan-ilang tao sa loob ng mansion na agad naman ding tumingin sa amin. Tamang tumango lang si Ty sa kanila at nagdiretso pa rin kami sa elevator.

Nang makapasok kami sa kwarto niya ay agad na rin siyang naghubad nang pang-itaas at nagpalit nga muna. Saglit akong tumambay sa mini-sofa niya at napansin kong may digital album pala siya roon. Agad ko iyong kinuha at tumambad sa akin ang mga pictures nila kasama ang mga iba't-ibang tao na parang natatandaan ko rin ang mukha nang ibang na-meet ko sa party kanina.

"Uso pa rin pala ang album sa'yo?" nakangiting puna ko pa matapos na makapagpalit ng inner sleeve.

"It's not mine. It's my Dad's," simpleng sagot niya bago pumasok sa comfort room.

Nagpatuloy ako sa pag-swipe sa digitel screen nang mapansin ko ang isang pamilyar na mukha. Oh no... Hindi 'to maaari! Hindi puwede! Agad na nanginig ang buong katawan ko sa pagtitig sa mukhang iyon. Oh my God! Hindi puwede 'to!

Muli akong nagbuklat nang iba pang pictures, pero hinding-hindi ko makakalimutan ang mukhang iyon. Hindi kaya? Oh no! Shit! Hindi 'to maaari!

"Hey..." Agad akong napaigtad sa gulat nang nasa harapan ko na pala si Ty nang hindi ko namamalayan. "You look pale. Are you alright?" nag-aalala pang tanong niya at wala sa loob kong napatango lang at nagpigil na maiyak.

"S-sino 'to?" Itinuro ko pa ang picture ng lalaking katabi ng Dad niya.

"Hmmm, that's Wayne. Dad's business partner..." Mas lalong nanginig ang katawan ko sa pagkumpirma na 'yun! "He was his business partner... Why? Kilala mo ba siya?"

"N-no... familiar l-lang..." Bahagya pa akong umiling at mariin kog kinagat ang aking labi para pigilan ang emosyon. Oh no... Ty...

"His face is all over the news way back then. He tried to kill my parents. Last thing I heard, mukhang nabigyan ng parole."

Napalunok lang ako sa kanyang sinabi at ni hindi ko na nagawang makapagsalita. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko at nagpigil na lang akong maiyak.

"Let's go, Mahal ko. Mamaya na lang kita rereypin," nakakalokong sabi pa niya at ni hindi ko nagawang mag-react nang maayos. "Are you sure you're okay?"

"Y-yes, nahihilo lang ako sa d-dami ng t-tao." Pinilit kong magsalita nang maayos pero nabasag pa rin ang boses ko. No. Hindi ako puwedeng umiyak sa harap niya. Hindi puwede!

"Look, you can just stay here for a while. Magpahinga ka muna at bumaba ka na lang kapag okay ka na..." Hinaplos niya ang aking pisngi at alam kong nagluluha na ang mga mata ko.

"P-puwede b-ba..?" Nanginginig na ang boses ko. Hindi ka puwedeng umiyak sa harap niya Jorge! Hindi puwede!

"Of course, Mahal ko. Gusto mo samahan muna kita rito hanggang maging okay ka na."

Umiling ako at pilit ko pa ring pinigilan ang maiyak.

"Nakakahiya sa mga bisita mo. Promise, bababa ako. M-magpahinga lang ako s-saglit."

Nag-aalalang tumitig lang siya sa akin bago marahang tumango.

"Just rest here, okay? I'll be back for you."

Tumango ako at mataman kong tinitigan ang mukha niya. Oh no, Jorge, 'wag ngayon!

"I love you." Mabilis pa niya akong hinalikan sa labi at tila alanganing lumapit sa pinto. "I'll see you later, Mahal ko."

"S-see you..." Tumango ako at tuluyan na niyang isinara ang pinto.

Kasabay nang paglalaho niya sa harapan ko ay ang pagpatak ng luhang kanina ko pa pinipigilan.

I'm sorry, Ty... I'm sorry, Mahal ko...

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now