"W-what-?!"

"Ang pula ng labi mo!" Bumaling pa siya kay Jordan na kulang na lang ay magkulay mansanas talaga sa pula.

"Shut up, Kirs," saway ko pa sabay binasa ang aking labi. Sinamaan ko siya nang tingin habang si Chance ay pigil na pigil pa rin ang tawa.

"Chance told me you have a terrible headache. Magaling na ba ngayon? Agad-agad?"

"Leave," masungit na pagtataboy ko pa.

"Fine!" She rolled her eyes at mabilis na yumakap kay Jordan. "See you tomorrow, sis. Sumama ka na kay Kuya, okay? Bonding tayo."

"N-naku, may work kasi ako." Nagkamot pa siya ng ulo. Mag-absent na nga siya ngayon para sa akin. Himala talaga kapag napapayag siya ni Kirsten.

"Oh no, sis. You can't say no. Keber na bayaran ko ang araw mo bukas sumama ka lang."

"I'll double that," pasimpleng sabat ko lang.

"Pagtulungan n'yo ba akong magkapatid?! Tss," nakairap pang sabi niya, pero bandang huli ay napilitan ding tumango. I couldn't believe this! She loves me that much para hindi na makipagpilitan pa.

"Aish! Kayo talagang magkapatid!" iiling-iling na sabi niya.

"See? You owe me, Kuya! We should probably get going and you may continue whatever it is we interrupted a while ago." Sinapak pa niya ako sa balikat at hinila na si Chance palayo. "Ingat kayong dalawa! See yah!" kumakaway pang sabi niya at inakbayan na siya ni Chance.

Pagbaling ko kay Jordan ay mataman siyang nakatitig sa akin at nakapamaywang na.

"Nawala na ba ang sakit ng ulo mo, mister?" Nakataas na rin ang kilay niya at kagat niya ang mapula pa ring labi niya.

"Medyo masakit pa rin. Pero mas tolerable na ngayon. Mukhang kailangan mo pa akong halikan nang maraming-marami para mawala na nang tuluyan!" biro ko pa na sana ay makalusot?

"Gago!" Sinapak niya ako sa braso at umirap.

"No, Mahal ko. Seriously, hindi mo naman ako kailangang alagaan. Okay lang naman sa akin kung ayaw mong mag-absent sa work." Reverse psychology always works... I hope.

"Nangosensya pa 'to!" Bahagya pa niyang pinisil ang aking pisngi at hinila na ako palapit sa sasakyan. "Tara na. Umuwi na tayo. Tama na muna ang experimenting in public at baka sa susunod nasa social media na tayong dalawa."

"I will never allow that to happen, Mahal ko."

"Hindi mo kayang kontrolin ang lahat nang bagay, Ty."

"I knew I can't, but with my Dad... well..." Napakibit-balikat lang ako at tipid na ngumiti. I must say, marami talagang nagagawa ang pera.

She just rolled her eyes on me at hindi na lang nagsalita. Pinagbuksan ko siya ng pinto ng sasakyan at umikot na rin ako kaagad papunta sa driver's seat. Hindi na rin naman ako nag-aksaya pa nang panahon at pinaharurot ko na ang sasakyan sa hi-way.

Jordan

Tingnan mo 'tong lokong 'to, kanina lang kaawa-awa ang hitsura dahil sa sakit ng ulo niya, ngayon naman, e, parang masigla na agad?! Ginogoyo lang yata ako, e. Tsss... Oh well, alam ko naman ding kuntodo effort siya pagdating sa akin. Hindi naman siguro masama kung minsan ibalik ko rin naman ang mga kabutihan niya sa akin.

Habang nagmamaneho siya ay hindi ko mapigilan ang sarili kong titigan siya. Ewan ko ba, bago na lang ako nang bago. Ang gwapo naman kasi. Dagdag gwapo pa sa kanya ang galing niyang magmaneho. Sobrang cool lang at minsan one hand lang siya sa steering wheel habang ang isang kamay niya ay nakapatong sa may bintana at hinahagud-hagod ng daliri niya ang mapulang labi niya. Tangnang lips naman kasi 'yan! Bakit ba kasi ang sarap humalik! Naka-Aviator siya kaya hindi ko alam kung nakikita ba niya ang ginagawa kong paninitig sa kanya o papaano.

"Don't stare at me like you wanted to jump me, Mahal ko." Shit. Nahuli ako!

"Feeling mo naman masyado!"

Napahalakhak lang siya nang malakas at panaka-nakang sumusulyap sa akin.

"I told you earlier to distance yourself whenever we're alone. Please don't make this hard for me, okay?" medyo seryoso pang sabi niya.

Kinagat ko lang ang aking labi dahil sa totoo lang ang hirap naman kasi nang pinapagawa niya. Natatakot ako sa possibleng mangyari kapag hindi ako sumunod, pero kasi mahal ko naman siya. Hindi ba minsan sapat na rin na mahal ko siya o dapat ba talagang gamitin ko ang utak ko at kontrolin na lang ang tensyon sa pagitan naming dalawa? Haist! Ang hirap naman mag-isip!

"Masakit pa ba ang ulo mo?"

"Yeah." Napatikhim lang siya habang nakatutok siya sa daan. "But I have to admit, I feel a lot better after we kissed."

"Manyak!"

Napahalakhak lang ulit siya at saglit akong dinungaw habang kagat ang labi.

"I don't know what you're doing to me, Mahal ko. But it's working. It's really working on me." Tatangu-tango pa siyang tumutok ulit sa daan.

"Wala naman akong ginagawa, a."

"Iyon na nga, e. Wala ka pang ginagawa~" Saglit ulit siyang sumulyap sa akin at tipid na ngumiti. "...pero kulang na lang maanod na ako nang tuluyan sa pagmamahal ko sa'yo."

Napangiwi lang ako kunwari sa sinabi niya, pero sa totoong lang ay parang may riot na sa puso ko. Shit, Tyrone, kung alam mo lang!

"Ang corny mo na ngayon..." biro ko pa.

"I know right," natatawang sabi niya at bahagyang umiling. "I can see myself with my Dad. Now, I know."

"Your Dad?" Pumaling ako para titigan siyang mabuti sa mukha.

"Noong una nababaduyan ako sa treatment ni Dad kay Mom. Alam mo 'yung parang OA na!" Natawa pa siya sa sarili niyang kuwento at umiling-iling. "Pero at least now I know, na gan'un pala talaga. If you love someone, nagiging corny ka na lang talaga."

"Corny ang Dad mo?"

"I would like to think he is. Pero I know na mahal lang talaga niya si Mommy. Parang teenager maglambingan ang dalawang 'yun. Hindi naman ako magtataka kung sa edad namin ni Kirsten masundan pa."

"Oo nga. Ang gwapo kaya ng Dad mo." Kinagat ko ang labi ko dahil kahit ako man ay kinikilig sa kagwapuhan ng Dad niya.

"Why do I have this feeling na mas gusto mo pa si Dad ko kaysa sa akin?" Huh? Nagseselos ba siya? Kasi naman bigla na namang sumeryoso ang mukha niya.

"Sus... Nagseselos ka ba?" Hindi ko na rin napigil ang magtanong.

"I am not, Jordan." Positive! Nagseselos nga! Tinatawag lang naman niya ako sa pangalan ko kapag naiinis, nagagalit o kaya ay nagseselos.



********

Ano na nga ba mangyayari sa susunod?????

Thanks for reading Angels and Readers! Love you all!

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now