Chapter 13.2.2

Magsimula sa umpisa
                                    

Nang makarating kami sa condo unit ni Cary ay medyo kabado ako. I hope settled na sa loob bago pa man siya umalis.

"Namumutla ka yata? Okay ka lang ba?" puna pa niya at hindi ko alam kung may nagagawa ba akong kakaiba.

"No, Mahal ko... init lang s-siguro." Was that even the right excuse? Parang double meaning.

"Are you sure?" Nagdududang tumitig siya sa akin habang unti-unti na niyang binubuksan ang pinto. This is it!

"Y-yeah..." I literally hold my breath nang tuluyan ko nang makita ang loob ng unit.

"What-?"

Literal na nalaglag ang kanyang panga sa sobrang pagkamangha. Good job, Cary.

"A-anong-?" Dahan-dahan siyang pumasok sa loob at nanlalaki ang mga mata habang iginagala ang tingin sa palibot ng unit. Curious about my surprise? Pinuno ko lang naman nang iba't-ibang kulay ng roses ang buong unit. Oh, I think even her bedroom, na sa wakas ay ipinalinis na ni Cary. "I-ikaw--?" Bumaling siya sa akin with those teary eyes.

"Hmm..." I nodded while biting my lip.

"Tangna, Ty! Ang dami naman nito!" Naiyak na talaga siya nang tuluyan, pero nakangiti naman. Tears of joy, I supposed.

"Language, Mahal ko..." Natawa lang ako dahil siya na ang pinaka-cute na magmura. She's really so blunt!

"Sorry!" Kinagat niya ang kanyang labi habang panay pa rin ang hawak at amoy niya sa mga roses. "Ang gaganda nila!" Panay pa rin ang punas niya ng luha sa kanyang pisngi.

"I couldn't agree with you more." She's worth every rose in this room... or maybe more.

"Thank you!" Bigla pa siyang yumakap nang mahigpit na mahigpit sa akin at mariin akong hinalikan sa labi.

"Whoa, I'll do this more often kung ganyan naman ang kapalit."

"Manyak ka talaga!" Tinapik niya ako sa pisngi at natatawang yumakap ulit sa akin.

"I love you, Mahal ko."

"I love you too, Mahal ko."

Saglit akong bumitiw sa yakap niya at mataman ko siyang tinitigan sa mukha. I kissed her in the most passionate way and she kissed me back with the same intensity. God, I love this girl...

Jordan

Unti-unting lumalim ang mga halik ni Ty. At may kung ano sa sistema ko ang unti-unti na ring bumibigay dahil sa mga halik niya. Tangna! Ano ba itong nangyayari sa akin? Parang nahihilo ako nang husto sa kanyang paghalik. Noong una'y marahan lang iyon at mahinhin, pero habang lumalaon, dumidiin na iyon. May parte sa aking biglang natakot. May parte ring ayaw ko siyang tumigil na kahit saglit. Nang sabayan ko ang paghalik ay ilang beses din siyang umungol. Maging ako man ay parang nawawala sa sarili. Parang ang ungol niya ay nagiging ingay ko na rin. Oh my God, eto na ba 'yun? Handa na ba talaga akong gawin 'to?

Hindi ko alam kung papaano kami nakarating sa kwarto. Basta't ang alam ko na lang ay lumapat ang aking katawan sa kama at agad siyang umibabaw sa akin. Panay pa rin ang palitan namin nang maiinit na halik kahit na nga pakiramdam ko'y nangangapal na ang labi ko sa sobrang diin nang halik niya.

"Fuck... mahal ko!" Halos mapasinghap ako nang maramdaman ang palad niya sa ibabaw ng aking dibdib. Oh, shit.

"Fuck! Ugh!" Mabilis siyang umalis sa pagkakadagan sa akin. "I can't do this to you, Mahal ko. I am so sorry!" Agad pa siyang tumayo at mabilis na lumabas ng kwarto.

Hindi ko alam kung madidismaya ba ako sa nangyari o papaano. Pero bakit siya tumigil? May hindi ba siya nagustuhan? Sa halik ko kaya? O masyado bang maliit ang dibdib ko? Aish, Jordan!

Nang medyo humupa na ang tensyon na nararamdaman ko ay tsaka ko na lang siya sinundan. Naabutan ko siyang nagpapahangin sa may veranda at panay ang marahas na paggulo sa kanyang buhok. Para bang inis na inis na hindi ko pa rin mawari.

"H-hey..." Kinagat ko ang aking labi dahil para bang gusto kong maiyak. Natatakot kasi ako sa dahilan niya. Natatakot akong sabihin niya na hindi pala niya ako gusto. Paranoid na kung paranoid! Pero hindi ko naman alam kung ilang babae na ba ang naikama ni Ty. Paano kung hindi pala niya gustong gawin 'yun sa akin at ngayon lang niya na-realized.

"I am so sorry, Mahal ko... I don't ever want to rush you."

"Ayaw mo sa a-akin?" Nagbara ang aking lalamunan at bigla na lang tumulo ang luha ko nang hindi ko namamalayan.

"Fuck, no! Mahal ko. No!" mabilis pa niyang tanggi. Malalim siyang humugot nang buntong-hininga at ikinulong ang mukha ko sa kanyang dalawang palad. "I just gave you flowers and I don't ever want you to think na iyon ang kapalit. I love you and I can wait 'til you are really ready for it."

Natahimik ako sa kanyang sinabi at yumuko. Agad din niyang iniangat ang aking mukha at siniil ako nang halik. Ganun pa rin ang halik niya, pero may pagpipigil na at control.

"You just don't know how much I wanted to touch you, Mahal ko." Madiin pa niyang kinagat ang kanyang labi na para bang nagpipigil pa rin nang gigil. "How much I wanted to make love to you..."

Gusto ko mang sabihin sa kanyang gusto ko ring gawin 'yun ay naunahan naman ako nang hiya.

"I need to go, Mahal ko," sabi pa niya sabay punas sa luha ko gamit ang kanyang daliri. "Habang kaya ko pang magpigil..." Mapakla siyang napangiti at umiling-iling. "Masakit, e," halos pabulong pa niyang sabi sabay nag-iwas nang tingin.

"Masakit?" Napakunot-noo lang ako at napahalakhak lang siya habang umiiling-iling ulit.

"I really need to go." Muli ay sinakop niya ang labi ko at mariin ulit akong hinalikan. Pigil na pigil pa rin siya bago humiwalay at naglakad palayo sa akin.

"Sunduin na lang kita later, okay? I love you!" pahabol pa niya. Dire-diretso siyang naglakad palapit sa pinto at bahagyang kumaway bago tuluyang lumabas. Hindi na ako hinintay makasagot ng gago. Mukhang sakit na sakit na nga yata. Alam kong mahal na mahal ko na talaga si Ty. At mukhang hindi ko na rin kakayanin na pigilan siya sa susunod... mukhang hindi na.



********

ATTENTION: ADULT READERS

FULL SPG Parts is on the separate book entitled CBTG Private Parts. Pakihanap na lang po sa Works ko or click the link below. Ginawa ko po ito para sa mga bagets na mambabasa at para na rin hindi maging MATURE Rating ang buong story na 'to. Mga bagets, tamang ayos na sa inyo ang parte na ito, okiez?

Ate Mommy Dean


CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon