Chapter 11.3.4

Magsimula sa umpisa
                                    

Natahimik lang naman siya sa sinabi ko at parang nagpipigil na maiyak. Muli kong itinuon ang attention ko sa laptop at ipinagpatuloy ko lang ulit ang pagre-research. Damn. Kanina pa gustong pumikit ng mga mata ko sa pagod.

I think it's around three o'clock in the morning nang magtimpla ng coffee ang mga babae at naiwan kaming mga lalaki sa sofa. Pare-parehas na rin kaming lowbat, pero wala lang din kaming magawa dahil editing pa ang natitirang oras namin. My headache was really killing me! Gusto ko sanang pasukin kahit saglit si Jordan sa room, pero ayoko namang magising pa siya.

"Are you guys getting serious?" Si Ronnel. Katabi ko siya sa sofa at kasabayang nagre-research sa internet habang ang iba naman ay encoding ang ginagawa.

"Yes," tipid na sagot ko lang.

"Bagay naman kayo, e," dagdag pa niya. Sa mga kasamahan kong lalaki siya lang din ang may lakas ng loob na magtanong at kausapin ako. The rest ay tamang pormal lang dahil naiilag, which was good, I guess.

I am not really a friendly person.

Hindi naman din nagtagal ay dumating na ang mga babae dala ang coffee. Agad na ibinaba ni Tarah ang coffee sa tapat ko at naupo na rin. Mukhang balewala lang sa kanya ang mga pag-iwas na ginagawa ko at feeling close pa rin talaga.

"My God, wala man lang bang tulugan 'to kahit saglit? May nine o'clock class pa naman ako," maktol pa ni Tarah na kahit nakainom na ng kape ay halatang antok na antok pa rin.

"I think kailangan nating umidlip kahit saglit. Hindi na rin gumagana ang utak ko." Si Vianni na napahikab na rin.

"Okay, okay." Si Ronnel. Siya ang tumatayong leader sa group namin kahit na wala namang naglagay sa kanya sa position na 'yun. But I am totally cool with it dahil matalino naman siya. It's just his competitiveness, pissed me off sometimes. "Two hours? Okay na ba sa inyo 'yun?"

Nagtanguan naman ang lahat sa decision niya at agad na nagsipagpuntahan sa guest room. Oh, fuck! Where am I going to sleep?! For sure, mag freak out si Jordan kapag sinamahan ko siya sa room even if I don't have any intention like she had in mind.

"What about you, dude?" Si Ronnel na nagpahuli pa talaga. Responsible leader lang talaga. Oh, well...

"Nawala ang antok ko. Go ahead. I'll be fine here."

"Hmm... 'kay." Noon na niya ako tinalikuran at pumasok na rin sa guest roon. Napag-iwanan ako nag-iisa sa sala.

My headache was killing me.

Humiga ako sa sofa at bahagya kong minasahe ang aking sentido. Mukhang magkakasakit pa yata ako. Masyadong mainit ang pakiramdam ko sa aking balat. Bakit naman ngayon pa?! Ugh!

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakapikit hanggang sa maramdaman kong may umupo sa tabi ko. Fuck! Hindi ba talaga ako lulubayan ng Tarah na 'to?

"Mahal ko..."

"Huh?" Mabilis akong napadilat at nasalubong ang malamlam na mga mata ni Jordan.

"What are you doing here?" Nagkusot ako ng mata at umayos nang upo.

"Bakit dito ka natutulog?" nag-aalalang tanong niya habang sinuklay-suklay ang buhok ko gamit ang kanyang mga daliri.

"I don't want to ruin your peaceful sleep." Tipid pa akong ngumiti, but damn, kahit pagngiti ay nararamdaman ko ang pagkirot ng ulo ko. Hindi ko tuloy naiwasan ang mapahawak sa ulo dahil sa sobrang sakit. "Fuck!"

"Okay ka lang ba?" Nag-aalalang hinawakan niya ang aking pisngi at dinama iyon. "Ty, ang init mo, a." Hinipo-hipo niya ang aking magkabilang pisngi pati na rin ang leeg. "Nilalagnat ka, a."

"No, I'm okay. Itutulog ko lang 'to then I'll be fine." Mapait pa akong ngumiti. Ayoko rin namang nag-aalala siya. "You should go to bed. Pagod ka rin from work."

"C'mon. Doon ka muna sa kwarto mo. Kailangan mong uminom ng gamot. Nasaan bang medicine cabinet mo?"

"Mayroon ako sa room."

"Tara muna." Inalalayan niya akong tumayo at umakbay naman ako sa kanya. Ang bango niya! Mukhang ginamit na naman niya ang liquid soap ko. Pero bakit iba na ang amoy kapag siya na ang gumamit? Parang nakakaadik!

Pagkapasok namin sa room ay agad rin akong lumapit sa medicine cabinet na malapit lang din sa bedside table. Kumuha ako ng gamot para sa lagnat at ipinaglagay naman niya ako ng tubig sa baso. Agad ko na ring ininom ang gamot and hoping, after ko maitulog 'to, magiging maayos na ulit ang pakiramdam ko.

"Hindi ka man lang nagsabi? Haist, n'ung sinundo mo ako masama na rin pakiramdam mo, 'no?" may panermong tanong pa niya habang nakapamaywang sa harap ko.

"Yeah..." Bahagya lang akong tumango. "I wanted to see you." Bahagya kong pinisil ang kanyang pisngi at tangka na sanang lalabas nang pigilan niya ako.

"Saan ka pupunta?" Kunot-noo pa siya.

"I'll just sleep in the couch. Matulog ka na rin."

"No, Ty. Dito ka na lang. Tabi na tayo." Mahigpit pa niyang hinawakan ang kamay ko at hinila palapit sa bed.

"Are you sure?" nag-aalangan ko pang tanong. Siya lang naman din ang inaalala ko. I actually don't care kung anuman ang isipin sa amin ng mga classmates ko, pero ayoko lang din mag-alala pa siya.

"Yup."

"Akala ko ba ayaw mong mapag-isipan ka?" Alanganin pa rin ako.

"Ayoko nga," nakasimangot din namang sagot niya. "Pero ayoko ring nagtatampo ka. Mas importante ka naman kaysa sa kanila. Isipin na nila ang gusto nilang isipin," Nakangiting dugtong pa niya. "Sleep na tayo." Yumakap siya sa baywang ko at tiningala ako.

"Sure?" paniniguro ko pa.

"Sure." nakangiting sagot niya sabay tingkayad para mabilis akong halikan sa labi.

"Halik mo pa lang galing na ako." Kinagat ko ang aking labi at nagtimpi. I actually wanted to kiss her senselessly, but now that we're alone, I don't think it's a good idea at all.

"Come." Ako na rin mismo ang humila sa kanya papunta sa bed at magkatabi kaming nahiga. Masamang-masama na talaga ang pakiramdam ko dahil pagkalapat pa lang ng katawan ko sa bed ay inantok na ako nang todo. It must be the effect of the medicine too, huh?

"Good night, Mahal ko." Hinalikan ko siya sa noo. 'Yun ang safe spot for now. Her smell was really addicting.

"Good night din, Mahal ko." Isiniksik niya ang kanyang mukha sa aking leeg. I immediately felt her relaxed breathing. "Sleep."

"Okay..." At parang kusang pumikit na rin ang mga mata ko. I really hope bumuti na ang pakiramdam ko in two hours. I hope.



********

Dear Angels

Gusto ko po kayong pasalamatan sa pagmamahal at pagbabasa sa JorTy.  I love them too HAHAHA.  Maraming salamat po talaga sa lahat.  Nakakataba po ng puso ang mga messages ninyo.  Kung in love kayo kay Tyrone, ma-inlove din kaya kayo kay Dalton Ace ng Taming A Casanova?  Sana haha!  Love u guys so much!  Keep on reading!  Reserve more panties! HAHAHAHA

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon