Chapter 11.2.4

Magsimula sa umpisa
                                    

Naupo ako sa labas at doon naghintay. Mahirap na ring mapainom pa ako at kailangan ko pa ng reserved energy para sa project namin. Panay na rin ang tawag ni Tarah, pero hindi ko sinasagot. Tss, sasaglit pa lang ako nawawala kung maka-check naman daig pa si Jordan.

Exactly after an hour ay nakita kong lumabas na ang aking pinakamamahal. Hindi nga niya ako napansing nakaupo sa isang gilid at dire-diretsong naglakad papunta sa abangan ng taxi.

Pero hindi pa man ako masyadong nakakalapit sa kinalalagyan niya ay may kung sinong bigla na lang lumapit sa kanya. And, who the fuck is he, huh?!

"Sabay na tayong umuwi, Jorge," sabi pa n'ung lalaki na hindi ko rin nakikilala.

"Huh? E, magkaibang way—"

"Mahal ko!" Agad ko pang tawag sa kanya totally ignoring the guy beside her.

"Tyrone?" Taka pa siyang napatitig sa akin. "Hindi ba sabi ko—"

"You know how stubborn I am, Mahal ko. I missed you." Mahigpit ko pa siyang niyakap at hinalikan sa labi. Bahagya pa siyang nagulat sa ginawa ko kaya pasimple niya akong itinulak at dinilatan ng mga mata as if telling me na may kasama siya.

"Ty, si Aldrich, kasamahan ko sa work. Bago pa lang siya," pakilala pa niya d'un sa lalaki. I don't know how to describe him, but I knew that I am a lot more good looking than him. "Aldrich, si Tyrone—"

"Jordan's boyfriend," pakilala ko na rin sa sarili ko.

"Oh, nice to meet you, pare!" He looked surprised but he managed to straighten his expression.

"Same here," matabang namang sagot ko. I am so fucking jealous! Ganitung-ganito ako kay Chance noon.

"May maghahatid na pala sa'yo. Some other time na lang, Jorge. Ingat kayo." What the fuck? Some other time mo mukha mo!

"Ingat ka rin, Aldrich."

"Tyrone, pare." Tumango siya sa akin, pero hindi ko ibinalik ang tango sa kanya.

Agad naman siyang lumayo sa amin at sumakay na sa taxi na nagdaan.

"Is he hitting on you?" I frowned hating the idea that she's too friendly with other guys.

"Huh? Ano bang pinagsasasabi mo?" natatawa pang sabi lang niya at yumakap sa baywang ko. "Ang cute mo talaga magselos."

"Me? Jealous? Tss..." Umiling ako at nag-iwas nang tingin.

"Deny pa 'to!" nangingiti pang sabi niya sabay kagat sa kanyang labi. May kung ilang beses niyang sinundan ang aking mga mata at pilit na hinuhuli ang mga tingin ko. Damn, Jordan! Titig mo pa lang ay hulog na hulog na ako! "Mahal ko, mahal ko... tingnan mo naman ako. Selos ka ba, huh?" malambing pa niyang sabi. She has her way that I found it hard to resist. Unbelievable.

"Aish!" Hindi ko na rin naiwasan ang mapangiti. Sa pagtawag pa lang niya ng Mahal ko ay nababaliw na ako! Damn! "You seldom call me Mahal ko. Most of the time, puro Ty lang."

"Asus!" Nakangiti pa siyang umirap sa akin. "Nagtampo pa 'to!"

"Hindi mo yata ako mahal kaya hindi mo ako tinatawag nang gan'un sa harap nang ibang tao," nanghihinampo ko pang sabi.

"Ang drama naman!" Mas hinigpitan niya ang yakap sa baywang ko. Ugh, Jordan, that's not good! "Hindi na mahal agad? Hindi ba puwedeng, nahihiya lang ako? Nag-aalangan?"

"Bakit ka naman mag-aalangan?" Kumunot ako at medyo niluwagan na niya ang yakap sa akin. Tinitigan niya ako gamit ang malungkot na mga mata.

"Mayaman ka kasi, hindi tayo bagay."

"When does it become an issue to me?" Hinawi-hawi ko pa ang takas na buhok niyang humaharang sa kanyang magandang mukha. Dati naman pansin ko na ang ganda niya, but I think she's becoming more beautiful when she looked at me.

"Wala lang, naisip ko lang." Mapait pa siyang ngumiti.

"Hmm..." Yumuko ako at mabilis siyang hinalikan sa labi. "Then stop thinking, Mahal ko. I really don't care even if you have nothing because I love you so much, hmm?"

Kinagat lang ulit niya ang kanyang labi at muling yumakap nang mahigpit sa akin.

"Mahal na mahal kita, higit pa sa iniisip mo... remember?"

"Yeah..." Tumango ako bilang pagsang-ayon "I'd like you to sing that song to me one day. I just want to know how it feels when you're the one singing it for me."

"Sige. Pagpraktisan ko." Tumingkayad pa siya at hinalikan ako sa labi. "Uwi na tayo." Noon na siya bumitiw nang yakap at humawak sa kamay ko.

"Okay, because I'll kidnap you."

"Huh? Ano?" Napakunot lang siya at nagpigil naman akong matawa. I am never repeating that. I guess you'll have to see, Mahal ko.

Agad kong pinatunog ang sasakyan at inalalayan siyang pumasok bago ako umikot sa driver's seat.

"Ano nga ulit 'yung sabi mo?"

"Maglinis ka nga ng ears mo. Puro tutuli na yata 'yan. Tss..." Pigil naman ang tawa ko. For sure, she'll freak out kapag nalaman niyang doon ko siya patutulugin sa suite ko kahit na nand'un din ang mga kagrupo ko.

"Sama nito!" Umirap lang siya at agad ring nagseatbelt.

Nang masiguro kong secure na siya ay hindi na rin ako nag-aksaya nang panahon at pinaharurot ko na agad ang sasakyan.

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon