"What the fuck-?" Awang ang labing napakunot-noo si Ty at pilit na inaninag ang kapatid niya.

"Go, son!" Tito Seb?

Sabay ulit kaming napalingon ni Ty sa bandang kaliwa at agad din naming nakita si Tito Seb na yakap yakap si Tita Ady mula sa likuran. Abot tainga ang ngiti nila sa akin. Tae! Sobrang nakakahiya na 'to!

"Dad? Mom?" Nag-aninag ulit si Ty at mas lalong nadagdagan ang kanyang pamumula. "Oh great, you invited my family, Cary?!" galit na sita pa ni Ty kay Insan na nakita kong nag-peace sign pa! Jusko, ano ba 'to?! Nasa bahay lang ba kami?!

"Kumanta ka na, dude, nangangalay na ako kaka-video sa'yo!" sigaw pa galing sa likuran. Paglingon ko ay agad ko ring nakita ang mga barkada niya na panay ang tawanan. OMG. Gusto ko na magwalk-out. Lahat sila ay may hawak na cellphone at kinukuhanan kami ng video!

"Don't you fucking dare upload that on you tube because I will fucking hunt you for the rest of your lives!" inis na sabi lang niya habang panay mahinang pagmumura.

"Don't worry, son. I'll take care of it." Si Tito Seb ulit na kumindat pa sa akin. Shit. Ang gwapo talaga ng Daddy niya. Shems! Bakit ba naiisip ko 'yun?! Ang daming nanonood sa amin!

"Well, anyway..." Bahagya pa siyang umiling at diretsa ulit na tumitig sa akin. "I'll hang myself after this kapag 'di mo pa ako pinatawad, Jordan," seryoso pang sabi niya.

At kahit pa gaano kagulo ay wala akong ibang madinig kung 'di ang malakas na kalabog ng puso ko.

"This is for you, Jordan, Mahal ko," malambing pang sabi niya sabay strum sa kanyang gitara.

♫♪ Kung may taong dapat na mahalin

ay walang iba, kundi ikaw...

Wala ni ibang makakapigil pa sa akin ♪♫

Mangha akong napatitig sa gwapong mukha niya na mas lalo pang pinatingkad ng ilaw na nakatutok sa kanya. Oh my God, marunong talaga siya kumanta! Nakakapangilabot ang sobrang lamig ng boses niya!

♫♪ Binuhay mo muli ang takbo

at tibok ng puso sa'yong pagmamahal

Ang buhay ko uli'y nag-iba

Napuno ng saya... ♪♫

After n'un ay parang sinabayan na siya ng banda at mas naging lively na ang tugtog. Titig na titig pa rin siya sa akin at pulang-pula din ang kanyang pisngi. Ginagawa ni Tyrone 'to para sa akin? Gan'un niya ako kamahal?

♫♪ Sa lahat 'di maari, 'di maaring iwan

Wala ng makakapigil kahit na bagyo man

Paano kung ikaw na mismo kusang lilisan?

Paano ba? ♪♫

♫♪ Kung mawalay ka sa buhay ko

Kung pag-ibig mo ay maglaho?

Paano na kaya ang mundo?

Kung sa oras 'di ka makita

Kung ika'y napakalayo na

May buhay pa kaya 'tong puso?

Yan lang maaari natin, sadyang matatanggap

Habang ako'y may buhay

Mahal na mahal kita

Higit pa sa iniisip mo... ♪♫

♫♪ Mahal na mahal kita

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now