XIX. Isabella meets Emillia

Depuis le début
                                    

"Siya nga pala, ipapakilala ko sa'yo ang aking asawa. "

Ayan na.

Hinawakan ni William ng mahigpit ang aking kamay at hinila ako ng marahan upang makita ako ng maayos ni Isabella at ng mga kapatid niya. 

Napalunok ako sa kaba lalo na't makita kung gaano ka-ganda ang kaibigan niya. Mas lalo akong nagmukhang basahan. Napakakinis at napakaputi ng kanyang balat na parang pinaglihi sa gatas, matangos ang ilong, makapal ang kilay, mamula-mula ang labi at pisnge, at sa higit sa lahat ay masasabi mong isa siyang marangya base lamang sa tindig niya. Gayundin ang dalawa niyang kapatid.

Kinilatis niya ako mula ulo hanggang paa. 

"M-magandang gabi Donya Isabella, ako ang asawa ni William. Emillia ang aking pangalan. Nagagalak akong makilala ka. " pinalabas ko ang aking napakatamis na ngiti at yumukod ng bahagya.

"Oh, ¿así que eres la esposa de William? Pensé que eras otra persona. De todos modos, soy Isabella Florante. He estado con William desde que éramos jóvenes. Finalmente, nos conocimos en persona. " giit niya habang natatawa. 

(Translation: Oh, so you're William's wife? I thought you were someone else. Anyway, I'm Isabella Florante. I've been with William since we were young. Finally, we met in person.)

Hindi ko naintindihan ang kanyang sinabe kaya naki-tawa nalang din ako. Ngunit pansin kong tila kabado rin si William. Ano kaya ang ibig sabihin ng sinabe ni Isabella? Wala man lang ni isa sa kanila ang nag-abalang isalin sa Tagalog ang sinabe ni Ysa.

Bumati rin sakin ang dalawang kapatid niya. Di tulad ng iba, mukhang mabait at pala-kaibigan si Camilla ngunit si Gabriela ay medyo mahiyain. Si Isabella lang ata ang mukhang mataray sa kanila.

Nagsi-upo na kami matapos ang kunting yakapan at kwentuhan. Palihim akong napapikit sa kaba dahil katabi ko si Isabella. Pinapagitnaan nila ako ni William. Ayos lang sana kung si Camilla. 

Nagdasal muna kami sa pangunguna ni Don Francisco bago nilantakan ang mga nakahandang putahe. Kay tahimik ng buong kapaligiran nang magsimulang kumain, tanging tunog ng kubyertos ang maririnig. Pansin kong tuwid na tuwid ang kanilang pagkakaupo at walang ni butil ng kanin ang nahuhulog sa lamesa. Napakalinis at elegante nilang tignan kahit kumakain.

Nasanay akong nakayuko palagi sa maliit naming lamesa na gawa sa kahoy na parang patay gutom, kaya napakahirap disiplinahin ang sarili at makigaya sa kanila. 

Hindi dapat ako mapahiya sa harapan nilang lahat.

Mapapahiya si William kapag aksidente kong mapapakita ang aking kadugyutan.

Naunang nag kwento si Ysa matapos ang ilang minutong katahimikan. Mukhang may itinanong siya kay William ngunit hindi ko maintindihan dahil espanyol ang ginamit niyang wika. Medyo nagulat si William sa tanong dahil natigilan siya sabay sulyap sakin.

Naghintay ang lahat sa kanyang isasagot dahil tumigil saglit sa pagnguya. Nakigaya rin ako kahit wala akong naiintindihan.

"¿Por qué la elegí para ser mi esposa, preguntas?" sabi niya.

(Translation: Why I chose her to be my wife, you ask?)

Lumagok muna siya ng tubig bago nagpatuloy, "Para darte una breve explicación. Me casé con ella porque la amo." sagot niya na may matamis na ngiti sa labi.

The Paradise of Eternal SorrowOù les histoires vivent. Découvrez maintenant