Twenty

21.1K 407 38
                                    

Amanda Louise Alejandro

Sa sobrang saya namin, hindi ko namalayan na pagabi na pala. Nakita ko si Gavin na tumabi sa akin at nagumpisa na akong mahilo ulit. And for another moment, pakiramdam ko huminto ang mundo ko.

Ganito din kaya ang nararamdaman ni Gavin kapag nagkakapalit kami ng katauhan?

"Are you alright?" Tanong sa akin ni Gavin at nang pagmasdan ko siya mukha na niya ang nakikita ko.

Napangiti lang ako. "Ada? Are you alright?" Narinig ko ulit siyang tinanong ako.

"Oo naman. I'm okay!" Sabi ko sa kanya.

"Punta muna ako ng kusina, kausapin ko lang si Tita Elize." Sabi ko sa kanya.

Pagpasok ko ng kusina, abala si Tita Elize sa paghuhugas ng mga pinagkainan namin.

"Hi Tita, tulungan na kita." Sabi ko sa kanya tsaka kumuha ng cloth para pampunas ng mga basang plato.

"I was wondering lang tita, ang tagal mo ng single. Bakit hindi ka pa mag-asawa?" Tanong ko sa kanya habang siya natawa lang sa tanong ko. Ngumiti lang siya sa akin.

"Parang hindi naman para sa akin ang pag-aasawa, Amanda. Okay na ako na si Toby lang ang kasama ko pati na rin ang Lolo Seb mo." Sabi niya pa sa akin.

"Paano tita kung isang araw hanapin ni Toby yung daddy niya? Kahit masaya si Toby na kayo lang dalawa pati si Lolo, hindi kaya naghahanap din siya ng tatay?" Tanong ko sa kanya pero hindi siya agad umimik.

Pati tuloy ako narealize ko kung anong sinabi ko. Nakakahiya tuloy kay Tita Elize.

"Sorry Tita, I didn't mean to offend you." Sabi ko nalang tsaka na binaba yung platong hawak ko.

"No, it's okay. Matagal ko na din namang tanong yan sa sarili ko." Sabi niya sa akin.

Ngumiti siya pero halata namang may lungkot sa kanyang mga mata.

"Ang alin po, Tita?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Na paano kung hanapin ni Tobias ang tatay niya, anong sasabihin ko? Na hindi niya ako kayang panindigan kaya umalis nalang ako ng Maynila? O sasabihin ko ba sa kanya na "anak, pasensya ka na, patay na kase tatay mo", sa totoo lang Amanda, hindi ko din alam kung anong sasabihin ko kay Toby." Sabi niya pa sa akin.

"Matagal na po iyon di ba, Tita? 7 taon na? Paano kung nagsisisi pala siya, Tita? Paano kung hinahanap ka po niya tsaka si Toby?" Tanong ko naman sa kanya.

"Hindi ko alam, 'nak. Kase kung talagang hinahanap niya kami, matagal na siyang nagpakita sa akin. Matagal na siguro kaming buo, wala sanang nawawalang bahagi ng pagkatao ang anak ko." Sabi niya pa sa akin.

"May nagsabi sa akin noon Tita, hindi mawawala ang isang bagay sayo kung walang dahilan, kung babalik siya sayo, baka talagang para sayo, sinubukan ka lang ng tadhana kung kaya mo." Sabi ko sa kanya tsaka ngumiti.

"Tita medyo magulo yung sinabi ko, nagets mo ba?" Sabi ko tapos tumawa kaya tumawa din siya at tumango.

"Oo, Amanda. Gets ko, kaya kung ang tinutukoy mo e ikaw at si Gavin, why don't you guys make up already? Alam ko naman na mahal mo pa rin siya, Ada. I can see it, the way you look at each other. Parang uhaw na uhaw kayo sa isa't isa." Sabi niya pa sa akin kaya lalo akong natawa.

"Ano Tita? Uhaw na uhaw? Saan mo naman galing yun, Tita?" Pang-iinis ko pa sa kanya.

"Ikaw talagang bata ka, hindi ko na ba pwedeng pag-aralan yung mga sinasabi niyo?" Sabi nalang niya sa akin.

"Sige na, tapusin mo nalang yang plato ako na bahala sa iba. Lumabas ka na doon at baka hinahanap ka na nila." Tumango nalang ako at hinalikan siya sa pisngi.

"I'm sure Tita, nagsisisi siya dahil hindi ka niya pinanindigan." Sabi ko nalang tsaka na umalis.

Soulmates: Change of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon