Eleven

22.8K 352 16
                                    

Amanda Louise Alejandro

"Ada? Hindi naman sa ayaw kitang samahan, gusto ko lang na hindi ka umulit dahil lang nagkaganito tayo. Sayang kase yung sem, graduating ka na. Ako din matatapos na, ayokong masira ang pangarap mo ng dahil lang sa nangyari." Naririnig ko lang mula sa likod ko si Gavin, hindi ko siya pinapansin dahil nanunuod ako ng movie. Climax na ng Starting Over Again. Naloloka na ako kay Toni o!

"I need an acceptable reason, I need an acceptable explanation." Sabi naman ni Piolo kay Toni. Naiiyak ako, ang babaw kase ng reason ni Ginny kung bakit niya iniwan si Marco.

"Ako din, kailangan ko ng reason, kailangan ko ng explanation." Sabi naman ni Gavin na nasa likod ko. Lalong tumulo yung hula ko na kanina pa namumuo sa mga mata ko, pero ang masaklap ang mga mata ni Gavin ang umiiyak at hindi ang akin.

Tumayo ako at pinatay ang TV. Hindi ko kaya kung may mangyaring confrontation between me and Gavin.

Pero hindi ako nakatakas at tinignan lang niya ako.

I can smell his fresh breath habang tinitignan niya ako at hinihintay na magsalit. Nang iangat ko ang mukha ko, nagtama ang aming mga mata na agad ko namang inalis.

Hindi ko kaya. Oo, mahal ko si Gavin. Hindi na wala ang pagmamahal ko sa kanya, pero hindi ngayon. Hindi sa ganitong sitwasyon kami magkakaayos.

"Hanggang kailan mo ako iiwasan? Hanggang kailan mo tatakasan lahat ng tanong ko?" Tanong niya sa akin. Inialis ko yung kamay ko sa pagkakahawak niya sa akin.

"Gusto ko ng explanation kung bakit mo ako iniwan, Louise. I want to know bakit hanggang ngayon hindi mo ako mapatawad." Sabi niya sa akin. Lalo akong nag-iwas ng tingin, naguiguilty ako at alam ko iyon sa sarili ko.

I don't deserve his apologies dahil in the first place ako ang may kasalanan sa kanya lalo na kay Lorelie.

"I don't need you to apologize to me." Matigas ko lang sabi sa kanya.

"Why? Bakit ayaw mong tanggapin ang sorry ko? Why do you keep on pushing me away?" Tanong niya sa akin habang lalo pang humihigpit ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko.

Agad kong ini-alis iyon at yumuko nalang ako. Hindi ko na kaya.

"Did you fall out of love? Or may mahal ka na bang iba?" Napatigil ako sandal ng paratangan niya ako. Hindi ako makapaniwalang pinagbibintangan niya akong may mahal akong iba.

Nagpigil ako ng galit. Ayokong may masakit na salita akong masabi sa kanya dahil hindi niya deserve iyon. Ako dapat ang minumura at humihingi ng kapatawaran niya.

Pero sa halip na iyon ang gawin ko, naisip kong baka sakaling ito ang maging paraan para tumigil muna siya.

"Yes. I fell out of love, and I love somebody else." Sabi ko lang sa kanya at umalis na.

Every word was a mistake pero kahit pagsisihan ko iyon wala naman mangyayari. Nasabi ko na sa kanya at mas nasaktan ko pa siya.

Nakita ako ni Via pero hindi niya nakita ang mga luha sa mga mata ko.

"Ada!? Where are you going?" Tanong niya sa akin ng makita niyang kumuha ako ng susi ng sasakyan.

Karating ko ng garahe, yung nakuha ko palang susi e yung bike ni Gavin.

Nagmadali lang akong sumakay, marunong naman akong magdrive nito dahil minsan na akong tinuruan noon ni Gavin.

Napahinto ako ng makarating ako sa isang oval na madalas naming puntahan ni Gavin noon. Swerte ako dahil kilala kami noong guard dito kaya nakapasok ako kahit medyo pagabi na.

Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob.

"Hindi totoo!" Una kong sigaw.

"Hindi totoong hindi na kita mahal! Hindi totoong may mahal na akong iba!" Patuloy ang pagtulo ng mga luha sa aking mga mata.

Masakit pa rin, kahit hindi ko man gustong sabihin, kailangan.

Ayoko ng masaktan pa kami lalo, at ayokong makasakit nanaman ako ng dahil lang sa pagmamahal ko sa kanya.

Kapag naaalala ko si Gavin kapag nakapikit ako, naaalala ko yung oras na nagwala ako dahilan para masaktan si Lorelei.

Napaupo ako at napayakap sa mga binti ko.

Kasalanan ko kung bakit hanggang ngayon, hindi pa rin gising si Lori.

Soulmates: Change of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon