Sixteen

21.3K 306 22
                                    

Amanda Louise Alejandro

13 days.

"Guys yung mga bag niyo lagay niyo na sa van, we'll be leaving soon!" Sabi naman ni Andrei sa amin, siya kase yung magdridrive.

Isa isa na kaming naglabasan sa bahay. Magkasunod lang kami ni Gavin kase yung mga gamit ko siya nagbibitbit. Mag-uumaga na kase so malapit nanaman kami magkapalit ng katawan.

"Guys hurry up para before 8 am nasa Pampanga na tayo." Sabi naman ni Andrei. Sumakay na siya sa driver seat tapos tumabi sa kanya si Via.

Katabi ko naman si Gavin tsaka si Gian tapos sa likod namin si Ian na ready nang matulog.

"Pampanga! Here we go!" Sigaw naming lahat.

"Kung inaantok ka, sandal ka lang." Sabi naman ni Gavin sa akin kase napansin niyang humikab ako. Nagtango nalang ako tsaka sumandal sa shoulders niya.

-

"Ada, gising. Nasa Pampanga na tayo. San ba dito yung lolo mo?" Narinig kong tinatanong ako ni Via, pero mahimbing pa rin ang tulog ko. Sarap kayang yakapin ng teddy bear ko.

"Ada, gising ka na. Nasa Pampanga na daw tayo." Naririnig ko pa yung boses ko kaya napamulat na ako ng mata at nakita kong nakayakap ako kay Gavin na ngayon ay gamit ang katawan ko. Napaayos ako ng upo.

"Hmm, Drei, palit na muna tayo, ako nalang muna magdridrive para mabilis." Sabi ko nalang tsaka na ako bumaba ng van at hinintay makababa si Andrei.

"Ingat ka sa pagmamaneho ha, wala tayo sa drag race." Sabi niya pa sa akin tsaka ko siya sinamaan ng tingin. Oo na alam ko namang kaskasera ako dati.

"Taga saan ba yang lolo mo?" Tanong sa akin ni Via.

"Basta, wag ka muna matanong dyan. Makakarating din tayo." Sabi ko nalang. Sana lang karating natin doon ay nadoon pa yung hinahanap natin.

-

"Maraming salamat po, manong." Sabi ko doon sa tricycle driver na pinagtanungan ko. Medyo naligaw kase ako ng kantong pinasukan. Hindi ko naman kase talaga memorize yung daan, dati kase si daddy ang nagmamaneho dito at natutulog lang ako minsan.

"Okay na? Saan daw?" Tanong naman ni Via. Hindi ako nainform, may backseat driver pala dito. Buti hindi nakukulitan si Andrei sa kanya. Siya nalang yata magmaneho e.

"Malapit lang pala tayo. Hindi naman pala ako masyadong naligaw. Isang kanto lang yung nalagpasan natin." Sabi ko sa kanya at nagpatuloy na sa pagmamaneho.

Nakikita ko na yung bahay ng lolo ko. Malaki pa rin siya at mapuno, malaki pa rin kase yung farm niya.

Binusinahan ko yung guard para makita niya ako at tumango ito kaya binuksan niya yung pinto. Sinama ko na noon si Gavin dito kay Lolo kaya kilala niya ito.

Pagkapark na pagkapark ko ng van ay nakita kami ni Lolo.

"Lolo Seb!" Bati ko sa kanya tsaka nagmano. Ako pa rin ang nauna kahit ang alam niya si Gavin ang apo niya. Pasaway na Gavin! Hindi man lang unahin batiin ang lolo ko!

"Amanda, apo! Buti at napasyal kayo dito? At ang dami mong kaibigang dala." Bati niya kay Gavin, sinenyasan ko siya na maging magiliw, ganun kase ako kay lolo, bibo.

"Lo, pwede ho bang magtanong?" Sabi ko sa kanya.

"Hindi ba't nagtatanong ka na, Gavin?" Sabi niya pa sa akin kaya nagsitawanan kami.

"Nandito ho ba si Airen?" Diretso kong tanong sa kanya.

"Si Airen? Oo, nauna siya dito nung isang linggo pa. Ang sabi niya kase ay gusto niya munang magpahinga at tumulong sa bukid kaya ayun, nasa manggahan nagpipitas siguro ng mangga kasama si Toby." Sabi naman ni Lolo.

"Nandito pa yung kutong lupang yun 'lo?" Sabi ko naman. Natawa naman si Lolo.

"Pwede ho ba namin siyang puntahan sa manggahan?" Sabi ko naman.

"Oo naman apo, sandali at tatawagin ko si Nestor para masamahan niya kayo." Sabi naman niya sa akin pero pinigilan ko siya.

"Wag na po lo, kami nalang nila Ada ang pupunta doon, mapapagod lang si Mang Nestor." Sabi ko pa at tumango nalang siya.

"Magpapahanda nalang ako ng agahan para sa inyo." At pumasok na sa loob ng bahay.

"Salamat po Lo." Sabi naming lahat.

"Halikayo, dito tayo." Sabi ko sa kanila at nagumpisa kaming maglakad papunta sa manggahan.

"Maiwan nalang ako dito." Sabi naman ni Ian kaya pinabayaan nalang namin siya.

Habang tinitignan ko ang tanawin, naiisip ko noong mga bata pa kami ni Airen. Masaya naman kami kahit hindi kami masyadong magkasundo. Kapag nandito kami sa farm ni Lolo Seb parang hindi kami magkaaway, magkapatid kami, magkakambal at kung minsan magkaibigan kami pag nandito kami sa farm.

Marami kaming magagandang ala-ala ni Airen dito lalo na nung kasama pa namin si Daddy.

"Toby marami na itong nakuha natin, marami ka nanaman ibebenta!" Narinig kong tumatawa ang kapatid ko habang pinagmamasdan ko siya.

Huminto lang siya ng makita niya kami.

"Ate Ada!" Sabi niya pa ng makita niya si Gavin, napangiti naman ako ng yakapin siya ni Gavin. Tinignan niya din ako.

"Kuya Gavin!" Bati niya rin sa akin.

"Hello kutong lupa." Sabi ko pa sa kanya. Kaming dalawa lang ni Gavin ang tumatawag sa kanya non kaya naiinis siya.

"Heh! Bahala ka dyan!" Sabi niya pa tsaka na nagtago kay Airen.

Tinignan ko lang si Airen habang nakatitig siya kay Gavin. Well, hindi naman kase niya alam na ako si Ada.

"Airen, pwede ka ba naming makausap?" Sabi ko naman sa kanya. Hindi siya umimik sa amin pero tignan niya si Toby.

"Toby, puntahan mo muna si Tita Elize, okay lang?" Tanong niya dito at tsaka ito tumango.

Naglakad na si Toby bitbit yung nakuha nilang mangga. Naiwan ako, si Gavin, si Airen sa may manggahan.

Soulmates: Change of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon