Forty-Four

15.9K 248 24
                                    

Amanda Louise Alejandro

-

Nakatingin lang ako kay Gavin habang nagmamaneho siya. Pakiramdam ko nawala lahat ng pagod ko sa paglalakad kanina ng makita't mayakap ko siya.

Naramdaman kong hinawakan niya yung kamay ko.

"Thank you." Sabi niya sa akin. Tinignan ko lang siya ng maigi, hindi ko kase alam kung bakit siya nagpapasalamat.

"For what?" Tanong ko nalang sa kanya.

"For everything." Sabi nalang niya sa akin. Ngumiti nalang ako at hindi na umimik pa.

-

Huminto naman si Gavin. Tinignan ko lang kung nasaan kami pero hindi ko mafigure out kung saan. All I can see was a beautiful view of the sky.

Hahanapin ang langit.

Natawa ako bigla, so he was referring to the stars in the sky.

He really never fails to amaze me.

Binuksan naman niya yung pinto ko tapos nilahad yung kamay niya. "Tayo na mahal kong prinsesa." Sabi niya pa.

"How'd you know this place?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti lang siya at hindi ako sinagot. Naglatag lang siya ng panyo at pinaupo ako, tumabi naman siya sa akin at biglang nagsalita. "Epic fail" Sabi niya kaya lalo akong nagtaka. Tinignan ko lang siya at sinamaan ng tingin.

"Bakit hindi mo nalang kase sabihin sa akin?" Sabi ko naman.

"May surprise sana ako sayo but since nakita mo ako kanina, wala ng saysay. Maybe it's still not the right time." Sagot naman niya sa akin. Tumango nalang ako at bumulong.

"Maybe hindi ka lang talaga marunong." Tinignan naman niya ako at natawa ako bigla.

"I'm sorry, I couldn't help but laugh." Sabi ko naman sa kanya.

Bigla naman siyang natahimik.

"We still have 4 days..." Sabi naman niya sa akin.

"Iniisip mo yung tungkol sa bagay na iyon di ba? Kaya hindi ka makapagfocus?" Tanong niya sa akin.

He was right. Totoong hindi ako makapagfocus sa mga ginagawa ko dahil nag-aalala ako sa pwedeng mangyari.

"Sorry kung nadamay ka sa sitwasyon ko." Sabi ko naman sa kanya. Hinawakan niya ang mga kamay ko at tinignan ako sa mga mata.

"Wala akong pakialam kung anong mangyari sa atin, kung magpalit man tayo ng paulit-ulit, ayos lang sa akin. If this is the only way para lagi kitang makasama, I don't even care. Ang importante sa akin, ikaw. Wala ng iba pa." Naramdaman ko ang sincerity sa mga sinabi niya.

Halos mangilabot nga ako pero nginitian ko nalang siya.

Humiga siya sa lap ko at pinagmasdan ang mga bituin sa langit.

"I always see you in the stars." Sabi niya pa.

"Thank you, Louise." Dagdag niya pa sa akin.

"Kanina ka pa nagpapasalamat." Sagot ko naman sa kanya.

Hinalikan niya yung mga kamay ko at ngumiti. "I don't have any reason not to say thank you."

"Isang malaking dahilan ka kung bakit nagpapatuloy ako sa buhay. Kahit nasaktan kita, binigyan mo ako ng panibagong pagkakataon para itama ang mga kasalanan na iyon. Binigyan mo ako ng chance para ipakita ko sayo kung gaano kita kamahal." Dagdag niya pa, at pakiramdam ko lalong lumalim ang mga ngiti sa aking labi.

"You don't really have to say thank you. Choice ko rin naman ang papasukin ka ulit sa buhay ko." Sabi ko naman sa kanya.

"Tsaka wala din naman akong choice." Pagbibiro ko pa.

"Ahh ganon." Kunwa-kunwarian pa siyang napikon.

"I was just joking." Sabi ko naman sa kanya.

"I know. Alam ko namang hindi mo ako matitiis e." Aba? Makapal lang din talaga mukha nitong lalaking to. Iba din ang amats e no?

Kinagat ko nga yung kamay niya. "Arrraay!" Sabi niya pa.

"Kailan ka pa naging aso?" Tanong niya sa akin kaya binatukan ko pa.

"Joke lang babe." Sabi niya pa. Shet! Kailan niya pa ako tinawag na babe!?

"Ayos ha, baboy na pala ako ngayon." Sarkastiko kong sabi sa kanya kaya natawa siya. Tumayo siya at niyakap ako.

"Kahit baboy ka pa wala akong pakialam. Basta ang alam ko mahal kita" Sabi niya lang sa akin at naramdaman kong umakyat lahat ng dugo sa pisngi ko.

Kinikilig ako.

"Sus, hanggang salita ka lang Buenaventura." Sabi ko naman sa kanya tapos tinanggal niya yung pagkakayakap niya sa akin tsaka niya ako hinarap.

Matagal niya akong tinitigan.

"Mahal kita kahit ano pang itsura mo, kahit Dyosa ka pa o Anghel na bumaba sa lupa, wala akong pakialam. Importante sa akin kung anong laman ng puso ko, at ikaw iyon." Naks. Lakas maka-bola e no? Galing galing ni Gabgab pag dating sa mga ganito e.

"Bilib talaga ako sa basketball powers mo." Sabi ko sa kanya tapos tumawa siya.

"Namiss mo akong maglaro?" Tanong niya sa akin. Ay shunga, hindi niya gets.

"Hindi. Lakas mo kasing mambola e. Galing gab!" Sabi ko pa sa kanya sabay palakpak. Tumatawa pa ako pero biglang natigil iyon.

"3 points." Sabi niya pa kaya binatukan ko.

Hinalikan ba naman kase ako di ba?

"Bahala ka dyan. I hate you." Sabi ko nalang tsaka tumayo at nagpagpag pero bigla niya akong hinila dahilan para matumba kaming dalawa.

Kasalukuyan akong nakapatong sa kanya at titig na titig ang mga mata niya sa mga mata ko.

Hinalikan niya ako ulit.

"I love you." Sabi niya sabay ngiti.

Soulmates: Change of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon