Forty-Nine

15.2K 247 3
                                    

Amanda Louise Alejandro

-

"Hindi sa lahat ng pagkakataon, mali siya, Amanda. Natutunan na niya ang leksyon niya ng mawala ka sa buhay niya. Hahayaan mo bang siya naman ang mawala sayo ng dahil lang sa tiwalang hindi mo maibigay sa kanya?"

"Sakit lang ang meron sa puso mo, hindi sakop ng sakit na iyon ang pagtitiwala, pagpapatawad at pagmamahal sa kapwa. Wag mong gawin dahilan ang sakit mo para layuan ka ng mga taong nagmamahal sayo."

Hanggang ngayon, paulit-ulit pa rin ang mga sinabi sa akin ni Eliyah.

Pinagmasdan ko ang kamay ko at tatlong araw nalang ang natitira para sa misyon namin ni Gavin.

Hahayaan ko ba talagang manatili siya sa katawan ko habang buhay?

Pero nalilito na ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para sa huling pagsubok.

Buoin ang nasira?

Hindi ko maintindihan.

-

Hindi pa man sumisikat ang araw nasa dalampasigan na ako. Gusto kong makita ang pagsikat ng araw, na marahil sa huling pagkakataon, na nasa katawan ko mismo ako.

"Ang aga mo namang gising, Lois Lane." Napalingon ako sa nagsalita.

Nakatingin pa rin ako sa dagat at hinihintay ang pagsikat ng araw. Umupo naman siya sa tabi ko at inabutan ako ng isang manipis na tela.

"Baka sakaling lamigin ka." Sabi niya sa akin at ngumiti.

Tinignan ko lang ng mariin si Benj.

"Bakit mo ako niligtas noon, Benj?" Bigla ko lang natanong sa kanya.

Hindi ako nilingon ni Benj pero sumagot siya. "Kase ako Superman mo."

Natawa nalang ako kunwari pero alam kong may sagot pa siya maliban sa sinabi niya.

"Nakita ko sarili ko sayo ng mga panahon iyon."

"Kulang ka ng tiwala sa sarili mo, Al." Sabi niya pa sa akin.

Pinabayaan ko lang siyang magsalita habang ako nakatitig sa dagat at pinakikinggan siya.

"Una palang kita nakita, alam ko sa sarili kong dapat kitang iligtas. Hindi ba nangako pa nga ako sayo? Kapag kailangan mo si Superman, darating siya para sayo." Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Nasa parehong dulo lang tayo ng kalye noon, pinagmamasdan kita pero parang yung kaluluwa mo nasa kabilang dako ng mundo."

"Pagkatapos kitang iligtas, araw-araw din akong nasa ospital noon. Pero sa araw-araw na nakikita kita, parang wala ka ng ganang mabuhay pa."

"Tinanong ko noon si Via kung bakit wala ka ng pakialam sa sarili mo, ang sagot niya sa akin ay dahil nasaktan ka ng taong pinahalagaan mo."

"Doon ko lang napagtanto na wala ka ng tiwala sa sarili mo, Al."

Nalito na ako sa mga sinabi niya at tinignan siya. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko naman sa kanya.

"Hindi mo kayang pagkatiwalaan ang sarili mo na kaya mong mabuhay ng wala siya." Hindi ako naka-imik sa sinabi niya.

"Naging kaibigan kita, at sa araw-araw kitang kasama napansin ko sa mga mata mo ang lungkot na kailanman hindi ko kayang pawiin."

"Kaya sumuko ako, dahil alam kong may ibang nagmamay-ari ng puso mo."

"Kaya ba umalis ka nalang ng walang pasabi?" Tanong ko sa kanya.

"Yung mga mata mo, hindi na malungkot." Sabi niya sa akin habang nakangiti.

"At nakikita kong napapasaya ka niya." Dugtong niya pa.

"Pero mukhang marami pa siyang hindi alam tungkol sayo?" Napatingin ako kay Benj dahil sa sinabi niya.

"Hindi niya alam na hindi ka marunong lumangoy, Al." Sabi niya pa sa akin. Napabuntong hininga ako, akala ko alam din niya...

"Hindi niya din alam na may sakit ka." Nagulat nalang ako sa nabanggit niya.

"Alam mo?" Tanong ko sa kanya, tumango naman siya bilang tanda ng pagkumpirma.

"Paano?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Noong araw din na maaksidente ka, sinabi sa akin ng doktor." Matagal na niyang alam?

"Bakit hindi mo sinabing alam mo?" Tanong ko naman sa kanya.

"Dahil alam kong ayaw mong malaman ng mga tao sa paligid mo ang sitwasyon mo. Alam kong ayaw mong makaramdam kami ng awa para sayo."

"Pero mali ka, Al. Hindi mo dapat tinatago sa mga tao sa paligid mo ang sakit mo, hindi ko sinasabi ito sa'yo para pangaralan ka. Gusto ko lang malaman mo na maraming nagmamahal sayo, at ang pagmamahal may katumbas na tiwala. May tiwala sila sayo. Ikaw ba may tiwala sa kanila?" Tanong niya lang sa akin.

Hindi na siya muling nagsalita pa. Tumayo nalang siya at naglakad paalis pero bago niya pa ako tuluyang iwan may sinabi pa siya.

"Hindi ko pa rin nakakalimutan ang pangako ko. Tutulungan pa rin kita kapag kailangan mo ako." Sabi niya pa sa akin.

Kasabay ng pag-iisip ko tungkol sa mga sinabi ni Benj ay ang pagtitig ko sa dagat. Malapit ng mag-umaga. Isang araw nanaman ang masasayang ng wala man lang akong nagagawa para malutas ang problemang ako rin naman ang may gawa.

Tiwala?

Bakit tiwala ang sinasabi ng lahat?

Kulang ba talaga ako ng tiwala?

Si Via, si Eliyah pati na rin si Benj.

"Amanda." Napalingon nalang ako sa nagsalita.

Soulmates: Change of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon