Fifty-One

15K 267 17
                                    

Amanda Louise Alejandro

-

2 days before Runway: Fashion Fairytale Exhibit.

Tired.

2 more gowns to go.

Materials everywhere.

Iyan lang ang masasabi ko ngayon. Kanina pa akong umaga sa sewing room at limang gown na iba-ibang design ang kailangan kong gawin.

Agad din dumating yung team ko ng sabihin ko sa kanilang 7 o'clock in the morning ang call time nila.

Hindi pwedeng papetiks-petiks lang sila.

Hindi ko rin naman pwedeng gawin lang ito ng mag-isa.

"Finishing touches nalang yung second gown, Ada." Sabi sa akin ni Chloe. Isa sa mga groupmates ko, tumango nalang ako at ininstruct si Hilary sa gagawin niya para doon sa ginagawa kong fourth gown.

We can't make mistakes kaya naman every detail sinasabi ko sa kanila.

"Special Delivery!" Hindi ko masyadong pinansin yung sumigaw at nagfocus nalang sa pagdedetalye sa gown na chinecheck ko.

"Ada, boyfriend mo!" Narinig ko naman si Iris tapos pagkalingon ko nasa likod ko na pala si Gavin.

Niyakap niya ako at hinalikan ako sa noo.

"Gab, pawis ako." Sabi ko pa sa kanya.

"Don't care. Here, please eat on time." Sabi niya sa akin tapos binigyan niya ako ng paperbag.

"Thanks Gab!" Hinalikan ko siya sa cheeks bilang pasasalamat. I was starving moments ago, pero kailangan kong tiisin ang gutom ko matapos ko lang itong ginagawa ko on time.

"Lou, please don't be hard on yourself. You still have two more days before the exhibit. Alam mo naman na kaya mo e." Sabi niya sa akin. Yes, I know I can finish these gowns before the show and the exhibit pero gusto kong matapos ng walang inaalala.

For heaven's sake! Nandoon si Celestine Arceo – in other words, Benj's mom. She's practically the most famous designer in the country, kahit sa NYC kilala siya! It'd be great kung mapapansin niya yung gawa ko.

"Sorry Gab, we really have to finish these gowns by tomorrow. Gusto ko kase final checking nalang the day before the show. I don't want Yeri sabotaging my work before the exhibit." Sabi ko nalang sa kanya. Nagfrown naman siya sa akin.

"Uminom ka na ba ng gamot mo? It's almost 7 pm. Dapat kanina ka pang 6 uminom noon." Pagpapaalala niya sa akin. Napayakap nalang ako sa kanya, dahil alam kong magagalit siya pati na rin si Via kapag nalaman nilang hindi ako kaagad nakainom ng gamot. They're practically my police-doctors – in short, bantay sarado sa medicine intakes ko.

"I'll finish this sandwich and then take a rest for a bit and take my medicine, okay?" Ngumiti nalang ako sa kanya. Niyakap naman niya ako ng mahigpit.

"Paki sabi sa leader niyo wag siyang masyadong mapressure. Huminga naman siya, kamo." Sabi nalang niya sa mga kasama ko. Natawa naman sila.

"May tatapusin lang ako sa library. By 8 pm dapat nakapack-up ka na, Louise. Just finish this tomorrow, please take a rest." Pagreremind naman niya sa akin at tumango nalang ako.

"Hil, paki-kuha naman yung ibang tela sa storage room." Paki-usap ko kay Hilary at nagmadali naman siyang umalis. Hinatid ko naman si Gavin sa may pinto at hinalikan siya sa pisngi.

"8 pm, Amanda." Paalala niya pa sa akin, medyo ngumiti ako sa kanya dahil nararamdaman kong nag-aalala na siya sa akin.

-

Soulmates: Change of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon