"Di mo ako matiis noh?"ngising tanong niya sa akin habang naglalakad kami. "Kagaya lang ng sinabi ko kanina sayang lang effort mo sa pagpunta dito kung hindi papasukin"ingos kong sabi sa kanya pero yun gago ngingising tiningnan ako.

"Sige ipagpatuloy mo yan ipapatapon na kita sa labas"malamig kong bata sa kanya kaya inirapan niya ako. Naglakad lang ako pabalik sa pool area kung saan ako nagbabasa ng libro. "Leave us"malamig kong sabi sa mga taong nakakalat dito sa labas. 

In just a split second wala na sila sa paligid at kaagad ako umupo sa sofa at binalikan yun libro. "Hanggang dito ba naman libro parin yun hawak mo"inis niyang sabi sa akin at umupo sa sofa na nasa harap ko. 

"I love reading books"maikling sagot ko sa kanya. "Kaya nga Nerd ka dahil ang mga nerd mahihilig sa libro"matalim ko siyang tiningnan dahil doon pero nginitian lang niya ako.

"Nakikita mo ba yan?"turo ko sa pool na nasa gilid namin. "Aba'y oo"sagot niya sa akin. "Ilulunod kita dyan kapag di ka tumino and I'm not bluffing"madiin kong sabi sa kanya kaya namutla siya.

"Sabi ko nga titino na ako"mahinang bulong niya pero narinig ko parin. Inirapan ko nalang siya at binalik yun atensyon sa libro. Pero wala pang minutong lumilipas napapansin ko ang pagiging kiti-kiti niya. Babalewalain ko na sana pero lumipas ang 3 minuto malikot parin siya.

Inis kong sinara yun libro na hawak ko at napatigil din siya. "Hindi kaba talaga aayos bakla?"pikon kong tanong sa kanya kaya napanguso siya. "Ang boring kasi dito Nerd wala akong ginagawa"ngusong sabi niya sa akin kaya nahilot ako ng sentido.

"Hindi ko na yan kasalanan dahil kasalanan mo na yan! Kung naboboring ka huwag mo ako idamay dahil di ako makapag focus sa binabasa kong libro!"inis kong sabi sa kanya.

"Eh kasi Nerd"

"Eh kasi ano?!"inis kong sigaw sa kanya. "Gusto kita maka bonding pero busy ka sa libro mo kaya wala akong magawa"mahinang sabi niya sa akin kaya napatigil ako pero napabuntong hininga din sa dulo. 

Nilagay ko yun libro ko sa lamesa na nasa pagitan namin at halukipkip siyang tiningnan. "Ano ba gusto mong gawin?"bored kong tanong sa kanya kaya umaliwalas yun mukha niya. "Seryoso kaba talaga dyan Nerd?"ngiting tanong niya sa akin kaya tumango ako.

"Sabihin mo na kaagad at baka magbago pa yun isip ko"buntong hininga na sabi ko sa kanya at pumikit, pero kaagad ako napadilat ng buhatin niya ako bigla. "What the hell Bakla!"gulat kong sabi sa kanya at di ko man namalayan na nakalapit na siya sa akin.

"Ang baho mo na Nerd kailangan mo na maligo"matalim ko siyang tiningnan but before I can utter a word kaagad niya na ako initcha sa pool. Kaagad ako lumubog at mabilis lumangoy pataas. Bakit sa 8ft niya pa ako kailangan itapon?!

"You idiot!"sigaw ko sa kanya habang lumalangoy. Pero tinawanan lang niya ako, I don't know what the hell is happening but his laughter immediately send a tingly feeling in my heart. Di ko maiwasan mapahawak sa dibdib ko habang dinadama yun mabilis na pintig ng puso ko. 

Sa sobrang bilis ang sakit sa tenga ng tunog

"Kamusta yun tubig Nerd malamig ba?"ngising tanong niya sa akin ng lumangoy ako palapit sa kanya. "Ewan ko tingnan mo kaya"ngising sabi ko sa kanya at kaagad siya hinawakan sa damit sabay hila ng malakas dito sa pool.

*Splash!*

"Ang lamig!!!"malakas niyang sigaw habang nakayakap sa sarili, di ko maiwasan matawa sa inaasta niya at lumangoy papunta sa kabila at umupo sa hagdan na pababa sa pool. "Edi nasagot din yun mga tanong mo"ngising sabi ko sa kanya habang pilit nilalabanan yun lamig.

Cold Meets BullyWhere stories live. Discover now