Ayos na ang buong venue sa tulong din ng ibang Student Volunteers. Movie Magic ang Theme ng Hallooween Party. This is where the students can freely choose whatever costume they want to wear based on a movie character. May it be sweet or scary, fantasy or action... Even cartoon characters are allowed!

May naiisip na akong costume, pero hindi ko alam kung saan makakabili. Hopefully, meron sa GA Mall.

Inihanda namin ang stage. Puno iyon ng mga balloons na halong kulay ng puti, itim, at silver. May malaking banner kung saan ang nakalagay ay "Love At First Fright: A Movie Magic". May mananalo ring Hallo King and Hallo Queen.

Tables are covered with silver mantels. Big vases with beautifully arranged flowers are put on the middle of each tables. Colorful lights are everywhere. It will be such a fun night.

Pagdating ng gabi ay tinawagan ko si Lia habang nakahiga ako sa kama ko.

"Zup?" she answered.

"Well, hindi pa kita natatanong kung ano ang isusuot mo sa party." sabi ko sa kanya.

She giggled. "Eh, kasi favorite ko ang Frozen. So I'll be Elsa."

"Wow!" I commented. Tapos ako naman ang kanyang tinanong kung ano ang isusuot ko. "Do you know the movie A Cinderella Story? 'Yong si Hillary Duff ang bida? Gusto ko sana 'yong katulad ng look niya roon sa Halloween Party din nila!"

"Oh yes, yes! The white gown and mask? That's nice!" aniya.

"Kaya lang maghahanap pa ako, eh. Pwede mo ba akong samahan bukas?" I asked her. I really need a companion! Jaxith will be a no help regarding this kind of thing!

"Sure! I'd love to!" she screamed on the other line. "Pero wait... Since you'll be Sam Montgomery or Cinderella, who will be your Austin Ames aka Prince Charming?"

"Wala!" sagot ko.

"How about your Kuya Beau or Jax?" tanong niya pa.

Lia have no idea. Sinubukan ko na 'no! Naalala ko na naman tuloy.

"Naku. As if namang papayag 'yong dalawang 'yon." sabi ko na lang sa kanya.

"Malay mo!" giit pa ni Lia.

Napailing ako na tila nakikita niya ako sa kabilang linya. "I already tried, okay! Itong si Kuya Beau, sabi ko sa kanya mag Prince Charming costume siya. Aba, ayaw! May costume na raw siya. No'ng tinanong ko naman kung ano, ayaw sabihin at baka partneran ko raw siya. Ibang klase talaga!"

Muli akong napailing nang maalala na naman iyon.

Si Lia ay natatawa sa kabilang linta. "How about Jax?"

Umikot ang mga mata ko. "Isa pa 'yun! Masyadong competitive. Ayaw niya raw ng may kamatchy-matchy."

Mas lumakas ang tawa ni Lia. Hindi ko alam kung dapat ba akong mainsulto o ano.

"Eh, ano raw ang isusuot niya?"

"Iyong bidang lalaki raw na Zombie sa pelikulang Warm Bodies." sabi ko at napahawak sa aking sentido. "Bahala siya riyan."

Lia is laughing non-stop. This crazy girl! "Ay alam ko na! Si Lancer?"

Naubo ako sa sinabi ni Lia. Siya man ay natahimik sa kabilang linya. Tila nadulas lang din sa nasabi.

"No. I won't ask him." sabi ko. "Basta bukas, ah. Samahan mo ako."

-

Tonight is the night of the Halloween Party. Sabay kami ni Jaxith na pupunta mamaya sa Amphitheater kung saan gaganapin iyong party.

Kahit malapit lang ay magkokotse pa rin kami ni Jax dahil masyadong hassle kung maglalakad o kung sasakay doon sa cart.

Kinulot ko iyong buhok ko gaya no'ng kay Sam doon sa movie. Luckily, may nahanap din kami ni Lia na white glittered mask.

Garnet Academy: School of Elitesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن