Nang makauwi ako sa bahay, gumawa ako ng GC for the troupe and in-announce ko sakanila 'yong sa Second Audition. Naghanap na din ako ng song na sasayawin namin nina Lyn, siguro magre-copy na lang kami kase medyo busy kami this month.

" Gagawa kami ng sayaw namin? " Chat ni Tonny sa'ken.

" Nabasa mo ba 'yong sa in-announce ko? " Chat ko sakaniya. " Anyways Congrats."

" Ah oo, so gagawa nga. Thanks!! Alam mo ba nakita ko si Shairan na nakatingin sa'ken habang sumasayaw ako! " Kahit chat lang 'yon, ramdam kong kinikilig 'tong batang 'to. " UUUY BES, NAG-CHAT SA'KEN SI SHAIRAN, WHAT THE FUCK! "

Napakunot noo ko n'ong may mabasa akong Bes. Pero binalewala ko na lang 'yon.

" Oh?! Patingin nga?! NAKS IMPROVEMENT! "

" Wait, screen shot ko. Sabi niya galing ko raw sumayaw. " Chat niya sabay nag-send 'yong screenshot ng chat ni Shairan sakaniya.

" Naks naman si Tonny."

" Alam mo bang naka-lip bite kaya ako habang sumasayaw." Bigla akong nasamid sa sinabi niya. Aba malay ko bang naganon siya eh kay Jihun ako naka-focus.

" With hagod buhok hahaha." Reply ko sakaniya. Kase nakikita ko 'yong paghagod buhok niya habang sumasayaw. Pero lip bite na sinasabi niya, hindi.

" Nilalabas ko din dila ko, hahaha."

Wait, ayaw mag-process sa utak ko 'yung sinabi niya. TANGINA S'AN PATUNGO 'TO?!

" Puta, san ba patungo usapan natin? "

" HAHAHA, tapos n'on nakatingin lang ako kay Shairan, habang sumasayaw. Tapos nakatingin din siya sa'kin."

" Hindi ko nakita, naka-focus ako kay Jihun."

" Sama mo." With sad face 'yong reply niya. Na wala badtrip ko sa kagaguhan ng lalaking 'to. "Libre kita tomorrow."

Nag-okay naman ako, syempre walang tanggi kapag libre ang usapan.

Kinabukasan, si gago hindi ako nilibre, o diba tokis. Hahaha, 

Hay nako. Pag-uwi ko galing school, chinat niya ako ng hello na para bang wala siyang atraso. I expected too much. Ang sakit umasa na ililibre niya ako. SAD :((((

" 'Asan kaya yung libre ko ano? " Banat ko agad nung nag-hello siya sa'ken.

" Hahaha, ang aga niyo ba naman mag-recess. " Reply niya, so dinahilan niya pa 'yong recess. What the heck!

" Nga pala, ba't walang nanliligaw sayo? Ang dami namang nagkakagusto sa'yo." Change topic niya. Nagtaka naman ako sa topic nito. Ba't naman kami napunta d'on.

" Kase wala namang nagtatanong. " Mabilis kong sagot sa tanong niya, wala naman talaga kase. Magtatanong sila through chat. Ayoko ng ganon! Tapos chat din magiging kayo pati magb-break. Chat love story na 'yon. Nasa'n ang pagmamahal? Nasa screen?

Tapos nagtanong-tanong pa siya ng kung ano ano, sa pagtatanong niya n'on. I smell something fishy na eh. I don't want to assume kaya pinakita ko na lang na parang wala akong nahahalata.

I answered all his questions about sa mga lalaki na dumaan sa buhay ko, sa courtship and kung bakit wala akong boyfriend. He even asked what I liked and disliked.

Kinabukasan break time, pumasok siya sa classroom namin and nakipagkwentuhan sa'ken. Pinatulong ko na rin si Saunier sa pagkumbinsi sakaniya kung pa'no gagawa ng moves kay Shairan.

" Mauunahan ka ng iba dyan. I-kaibigan mo kase. " Sabi ni Saunier. Syempre si Tonny, nagsimula na naman sa kesyo nahihiya siya.

Minsan nakakabanas ang torpe. Tinutulungan mo na nga para magkaroon manlang ng konting improvement sa love life pero dahil sa katorpehan walang nangyayari. Minsan dahil sa katorpehan dyan mawawala 'yong chance. Nakakpangsisi 'yon 'no.

I'm currently doing the plot of my new story ng mag-chat si Tonny sa'ken.

" Gawa mo? "

" None." Pagsisinungaling ko. Baka kelangan kase ako ng lalaking 'to.

" May sasabihin ako. "

" Ano? " Tapos inantay ko 'yong reply niya kase nagt-type na.

" Crush po kita, sana wag niyo po akong iwasan. " 

181006

#11CodesGameOver

===========

Follow me on my Twitter Account: @amimarisame

Like my facebook page: @amimarisame

Follow me on Instagram: @amimarisame

for more updates about the story!

Ask me on my Curious cat @amimarisameabout the story!

Thank you for supporting 11 Codes: GAME OVER! Godbless you all and stay hydrated! ^^ 


11 Codes: GAME OVERWhere stories live. Discover now