Wooh, magpakitang gilas ka gago at nanonood ang iyong crush! 

Ang porma pamandin ng suot nila kase naka checkered sila na long sleeve pero naka 3/4 tapos puting damit sa loob then pantalon. Myghash, nagpapa-pogi talaga si Tonny, hahaha.

" Galingan mo Tonny. " Sabi ko sakaniya. Naalala ko tuloy 'yong sumayaw siya ng Just Right ng Got7 last school year. Puta, halos I-sumpa ko siya no'ng napanood ko 'yon, kase ang likot ng galaw niya tapos ang yabang ng datingan niya.

Napa 'The Fuck' nga ako nung nalaman kong nanalo grupo niya.

Balik sa realidad, naghanda na sila tapos sumayaw sila. Sinayaw nila yung Closer na halos lahat ata ng nag-audition sinayaw din 'yon pati 'yong No one Better 'ata 'yon. Jusme, masakit na sa tenga.

Ayaw ko siyang panoodin sumayaw kase baka ma-attract ako sakaniya kaya finocus ko yung tingin ko kay Jihun na, nasasapawan na ni Tonny. Kitang kita ko naman 'yong bestfriend ko na nasa gilid at pabalik-balik ang tingin kay Shairan at kay Tonny. Sabay may pag-fan girl kay Jihun.

Hindi parin nawawala yung tilian. Kahit naka-focus ako kay Jihun, nakikita sa peripheral vision ko kung ano ang galaw ni Tonny.

Sinasabi ko sayo Khyre, 'wag ka mafa-fall dyan. Sumasayaw lang pati 'yan, 'di mo siya type, okay. Tandaan mo, tinutulungan mo siya kay Shairan. 

After nung sayaw iba naman. Jusko, paulit-ulit 'yong songs tapos same choreo pa, nakakarindi na at masakit na sa mata panoorin.

After n'on, inayos ko na 'yong listahan kung sino makakapasok. Nahirapan pa ako kase naka percent siya. Putek, 'di ko alam kung sino 'yong mga makakapasok na binigyan ko ng score.

Ine-expect ko pa mandin yung madalian lang na proseso pero 'tong pinapagawa ni Ma'am Meiran, mahirap. May 90% na makakapasok ang hindi ko gusto sumayaw. Ako lang pa man din ang nags-score.

After ko ayusin 'yong papel, binigay na ni Saun kay Jaslyn at pinaayos na kung sino 'yong mga makakapasok.

At tulad ng kinginang nasa isip ko, nakapasok 'yong ibang hindi ko gusto sumayaw. Sumakit ulo ko sa nangyari.

" The fuck nakapasok si-"

" Ba't nakapasok yun? "

Tapos nagbulong-bulungan pa. Kingina talaga. AKO PA NAPAHAMAK.

After non, nagsi-balikan na 'yung ibang students sa classroom kase uwian na. Dali dali kong kinausap si Ma'am Meiran.

" Ma'am, pwede bang magpa-second audition tayo? "Tanong ko kay Ma'am Meiran.

" Tignan natin." Napakunot naman ako ng noo. Hindi ko lang kase matanggap na kasali 'yong mga ayaw kong sumayaw. Like how the hell? " Oo nga pala Syl, 'wag mo naman masyadong babaan 'yung scores mo. "

The fuck?

So, ayaw nila? Edi sana 'di na lang nagpa-audition.

Ngumiti na lang ako at pumasok sa classroom para kunin 'yong gamit ko at nang makaalis na.

I need fresh air. Naloka ako d'on sa score ha. 

Nang palabas na ako sa classroom, sinalubong ako ni Ma'am Meiran.

" I'll let you do another audition para magkaroon ng chance 'yong iba. Pero sasayaw 'yong mga nakapasok, bubuo sila ng sayaw at sasayawin nila 'yon d'on. Sasayaw din kayo Syl nina Lyn at Saunier para naman aware sila na kaya kayo pinili na maghandle sa dance troupe." Explain ni Ma'am Meiran sa'ken. Napakamot ako sa batok ko ng marinig ko 'yong sinabi ni Ma'am. Wala ng pag-asa maalis yung mga napasok ko, jusme.

11 Codes: GAME OVERWhere stories live. Discover now