Kung iisipin mo ang kalakihan ng creation, yung kagandahan ng mga bundok, yung malawak na karagatan, ang kagandahan ng kalangitan at ang laki ng universe, Ilang araw lang Nyang ginawa ang lahat ng yon?  Hindi ba mas magiging great ang lugar na hinahanda nya?  He has spent the past 2000 years preparing heaven.  Isipin mo, Jesus the Christ, the Master Carpenter, is building a place for you!  It is a place beyond your greatest imagination.  "No eye has seen, no ear has heard, no mind has conceived what God has prepared for those who love him" 1Co. 2:9

·         Lugar ng Pag-asa – Tignan natin ang context noong nagsabi si Jesus tungkol sa langit.  Ito ang huling gabi na makakasama nya ang mga kaibigan Nya.  Malapit na Syang umalis at pumunta sa heaven.  For them, it means loss, separation, painful ache of not being together anymore.  Nangko Sya na hindi lang sila ipaghahanda ng lugar kundi nangako rin Sya na babalikan sila.  Babalik Sya at isasama sila sa heaven one day and it gave them hope.

·         Lugar kung saan naroon ang Diyos – marami tayong makikita at malalaman tungkol sa heaven, pero higit sa ano pa man, the greatest joy in heaven is simply being with God. 

Heaven 101

Makikilala ba natin ang isa't isa sa langit?

                Oo.  We won't really know each other until we get to heaven.  Dahil ang capacity natin for knowledge and relationship ay limitado lang sa ngayon dahil sa sin.  Pero,  it will unbelievably enhanced in heaven.  Siguradong makikilala natin ang isa't isa sa langit.  Nakilala rin ni Peter sina Moises at Elijah noong dumating sila sa earth mula sa langit (Mtt.17:1-14).  Sinabi rin ni Jesus na mare-retain natin ang ating identity sa langit (Mtt.8:11).  Makikilala natin agad ang bawat isa, hindi lang mga kaibigan o kapamilyang namatay kundi pati mga characters sa Bible at sa buong history.  Pwede mong tanungin si Noah tungkol sa pagsakay nya ng ark, o si Elijah sa pagsakay nya ng chariot.  Makikilala mo rin doon si Moises at matatanong ang experience nya noong nahati ang dagat.  Magkakaron ng maraming reunion at kamanghamanghang kwentuhan kapag nandon na tayo. 

Anong magiging itsura ng katawan natin doon?

                Kagaya ng glorified body ni Jesus Christ.  Wala doong palutang-lutang na espiritu.  Walang mataba at nakahubad na bata na palaru-laro ng harp.  Ang magiging katawan natin doon ay much much better than that.  Doon hindi na tayo magkakasakit o mapapagod.  Hindi na magkakaroon ng wrinkles or pimples.  Hindi na tayo magkakapasa o masasaktan (1Cor. 15:42-43).  Makakatanggap tayo ng special bodies made to withstand the intense glory of heaven.  Sa katawang iyon, makakaya nating tumagos sa pader (Jhn.20:19), maglakbay sa kalawakan (Ac.1:9-11), biglang mag appear at disappear (Lk.24:31), at magkaroon parin ng kakayahan na magsalita, lumakad, kumain at uminom (Lk.24:39-43).  Nangako si Jesus na Sya ay kakain at iinom kasalo natin sa  espesyal na pagdiriwang (Lk. 22:18;Mtt.8:11;Rev.19:9). 

May wedding ba sa langit na gaya ng sa Earth?

                Wala.  Bad news dahil doon hindi na kayo ikakasal ng taong mahal mo.  Ang kasal na alam natin o ang ganong relasyon ay pang dito lang sa Earth at iyon ay lumilipas.  (Mtt.22:24-30 ;1Cor.7:31) Pero ang good news ay nagplano ang Lord ng isang wedding ceremony for us as His bride.  Ang mga relasyon natin sa ating asawa ay magkakaroon ng napaka espesyal na pagbabago kapag nandon na tayo.  Ang mga relasyon na iyon ay magiging perfect sa unang pagkakataon. 

Ano pang mga bagay sa buhay dito sa Earth na wala na sa Heaven?

                Ang mga bagay na wala sa Heaven ay ang suffering, death, grief, pain, cancer, AIDS, abuse, murder, abortion, divorce, racial prejudice, stress,war, fighting, hurt feelings, disappointments, worry, emptiness, boredom, or any product of sin (Rev.21:8,27). 

Bagay Ka sa LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon