Chapter 10

110 11 0
                                    

"Zach!" I almost yelled. Kase naman hindi ko siya mahanap kanina pa.

Tinignan ko siya sa kusina pero wala, pati sa room niya wala, pati na rin sa garden. Kulang na nga lang i-check ko pa sa toilet bowl kung nan doon siya.

"ZACH!!!!!" there, I already yelled.

"Naku Zach kapag hindi kita nahanap hindi kita papansinin ng 1 taon" sinadya kong lakasan sakaling marinig niya. Sana magpakita na siya, tumatanda na ako kakahanap sa kanya.

"Nagpakita rin sa wakas" naka pambahay siya at puno ng pawis ang katawan.

Ngumiti ako sa kanya pero dedma lang siya. Ayan sabi ko na nga ba hindi na naman mamamansin 'to.

"Saan ka galing?" malambing na tanong ko.

"Somewhere" cold na sagot niya.

"Ah kaya pala may ipis sa ulo mo"

"SHIT REMOVE IT!!!!" ginulo gulo niya ang buhok niya at kulang na lang ay tanggalin na niya ang ulo niya para lang makita kung meron nga.

"*laugh*..... joke lang ito namam....bakit kase ang cold mo?" takot siya sa ipis kaya ganyan.

"Tsk" he composed himself before walking away.

"Zach naman. Sorry na, hindi na mauulit promise" I smilled sweetly at him.

Sinundan ko siya papunta sa kusina. Nag beautiful eyes, pout, pa-cute at lahat-lahat na wala pa rin.

"Anong trip mo?" iritang tanong ko.

"Nothing" sheyt ang cold niya.

"Zach, sorry na nga diba? Ano pang problema?" naiinis na talaga ako no joke.

"Wala pagod lang ako" iumpog kaya kita sa pader?

Nakakabwisit na siya, kung ayaw niya edi huwag.

Tinalikuran ko siya at umakyat sa room ko. Magkukulong na lang ako. Kesa naman sa lagi kong makikita ang Zach na yun. Siguraduhin niya lang na matitiis niya ako.

0*0*0*0*0

2pm na, ngayon lang ako nakaramdam ng gutom. Samantalang hindi ako nag breakfast at lunch.

Lumabas ako ng room ko at dumiretso sa kusina. Hinalungkat ko yung ref at naghanap ng makakain.

Nang may makita akong tirang sinigang na hipon ay inilagay ko ito sa oven at hi intay na uminit.

Habang naghihintay naupo muna ako sa may upuan malapit sa oven at tumunganga.

*Ting*

Nang tumunog na yung oven ay nagsimula na akong maghain ng kakainin ko.

0*0*0*0*0

Pagkatapos kumain ay hinanap ko si Zach. Nilibot ko na naman ang buong bahay pero wala talaga siya.

Umakyat na lang ako sa room ko at nagtalukbong ng kumot.

"Nakakainis ka Zach. Simpleng bagay lang nagtatampo ka na" sinipa sipa ko pa yung kumot.

"I'm sorry, nainis lang ako. And maybe jealous kase siya ang kasama mo im es na ako" may pumulupot na braso sa bewang ko.

"Heh! Lagi ka namang naiinis kapag magkasama kami" sinubukan niyang hilain yung kumot pero hinigpitan ko lang ang hawak dito.

"Sorry na nga eh, hindi na mauulit. But promise me kahit kasama mo siya huwag kang magpapagabi" tumango ako kahit alam kong hindi niya nakikita.

Hinila niya ang kumot kaya hinayaan ko na lang.

Scribbled LoveWhere stories live. Discover now