CHAPTER 15

79 8 0
                                    

Nagulat ako kaninang umaga ng madatnan ko sina Iya at Zach na paalis ng bahay. Pero hindi na lang ako nagtanong.

Halos isang linggo ko ring hindi nakita si Iya. Kaya nagulat ako na bigla na lang siyang lilitaw ng wala sa oras dito sa bahay. At ang malala ay magkasama pa sila ni Zach.

Kasalukuyan ako ngayong nakatambay sa kuwarto ko. Wala akong ganang gumalaw, nakakatamad mag-isa.

Nagbabasa lang ako ng kunga anong makuha ko sa loob ng kuwarto ko. 6 na libro na ata ang nabubuklat ko pero wala akong tiyaga kaya papalipalit ako ng mga binabasa.

Mag ha-hapon na at wala pa rin si Zach. Kanina ko pa siya hinihintay. Simula nung umalis siya na hindi man lang nagpapaalam sa akin.

Hindi ata niya naramdaman ang presensya ko ng paalis sila ni Iya. Saan ba sila nag punta?

Marahas akong bumangon at nagdadabog na isinuot ko ang tsinelas ko. Padabog rin akong maglakad habang pababa ako sa hagdan dahil sa inis ko.

Kapag dumating si Zach at walang sinabi sa akin. Isang buwan ko siyang hindi papansinin. Umupo ako sa sofa at nanood ng TV.

"Walang kwenta" nasabi ko na lang dahil sa mga pinapanood ko.

Pinatay ko na lang yung TV at nagtungo sa kusina. Bakit kaya kapag naiinis ako ginugutom ako?

Kamuha ako ng makakain sa ref at lumabas na ng kusina. Kumain na lang ako sa may garden habang hinihintay ko si Zach.

Hindi nagtagal ay naramdan kong nag vibrate yung cellphone ko kaya kinuha ko ito mula sa bulsa ng shorts ko.

Zach:

I'll b cming home lyt 2day.
dnt wyt 4 me mapupuyat k lng.

Napairap na lang ako sa text niya. Pagkatapos niyang sumama sa Iya na iyon na hindi nagpapaalam sa akin ito lang ang text niya?

Baka naman wala talaga siyang balak sabihin sa akin na sumama siya kay Iya? Basta, kapag walang sinabi si Zach tungkol dito hindi ko siya papansinin.

Sinabi na niya dati na walang lihiman pero ano ito? Kapag kasama niya si Iya okay lang pero kapag kasama ko si Grey parang ang bigat na kasalanan na.

Napaluha na lang ako sa inis. Tumayo na ako at pumasok sa loob dahil gumagabi na.

0*0*0*0*0

Nagising ako na katabi ko si Zach kaninang umaga. Hinintay ko siyang sabihin sa akin ang lahat pero wala siyang sinabi.

Nag good morning lang diya sa akin at tinsnong kung anong gusto kong kaiinin. Kaya ngayon hindi ko siya pinapansin.

"Gly what's wrong with you?" nilampasan ko lang suya papasok sa kusina.

Kukuha na sana ako ng mga ingredients para sa lulutuin ko ngayong hapon pero hinarangan niya ako at siya na ang kumuha.

"Ako na" lumabas na lang ako at nagayos sa kuwarto ko.

Nanga maayos ko na yung mga gamit ko na nagkalat sa kuwarto ko ay bumaba na ako. Sakto naman na pagbaba ko ay nasalubong ko si Zach.

"Tatawagin sa kita, kase tapos na ak----" hindi ko na siya pinatapos dahil nilampasan ko na naman siya.

Pagkarating ko sa kusina ay nakahain na yung mga niluto niya. Kumuha na ako ng makakain ko at hinintay siyang makapasok sa kusina.

Matapos naming kumain ay umakyat na ako sa kuwarto ko. Isasara ko na sana yung pinto ng marahas siyang pumasok siya at marahas niya akong isinandal sa pintong nakasara na ngayon.

Scribbled LoveWhere stories live. Discover now