CHAPTER 13

85 6 0
                                    

"Bakit parang biglaan ata?" tanong ni Zach kadadating lang namin sa bahay nina Dave.

"Wala lang trip ko lang mag-isa kase ako dito sa bahay" sagot naman niya. Pinapasok niya kami at pinaupo sa sofa.

Naabutan namin sina Drea, Grey at Dree na naglalaro ng....... I don't know what to call that because I'm not in that thing, pero yung parang video game. Yung tekken something, basta naglalaban silang tatlo.

Nanood lang kami ni Zach. Habang si Dave naman ay mukhang kumuha ng snacks.

"Anong gagawin natin ngayon?" tanong ni Drea sabay hilata sa tabi ko.

"Truth or dare tayo" sagot ni Dree.

"Bakla ka ba?......" panunupalpal ng kambal niyang si Drea ".......dapat may thrill"

"Paanong thrill?"-Dave

"Uhhmmm........... Pano kung ganito na lang.....reveal or command?"-Me.

"Paano yan?"-Grey.

"Ganito diba may bote, tapos kung kanino tatapat yung takip nung bottle siya yung mag re-reveal ng secret nung natapatan nung other side nung bottle. Pwede ring mag bigay siya ng command" mahabang paliwanag ko.

"Game....."-Zach.

"Game!...... Game!"-All.

Kumuha si Dave ng bote ng mineral water na walang laman. Inilapag niya ito sa gitna namin na naka squat ng pabilog. Katabi ko si Zach sa left side ko habang si Drea naman sa right.

"Sinong unang mag-i-spin?"-Drea.

"Ako na lang, ako yung kumuha nung bote eh"-Dave.

"Sige na nga" pagpayag namin.

Nung unang spin kay Zach natapat yung takip habang si Dree naman yung sa other. So meaning si Zach yung mag re-reveal or command.

"Ano bang sikreto mo pare?" nag-iisip na tanong ni Zach.

"Subukan mo papatayin kita" birong banta ni Dree sa kanya.

*Laugh*

"Ay eto........para hindi mo ako mapatay. Uminom ka na lang ng isang shot glass ng suka na may sili o kakain ka ng fresh na ampalaya. May choices pa yun" ngumisi si Zach kase napangiwi si Dree.

"Iinom na lang ako nung suka na may sila" kumuha si Dave ng shot glass at nilagyan ng suka na may sili.

Sa isang lagok lang inubos ni Dree yung suka. Namutla pa siya at nagtatakbo sa kusina. Paglabas niya ay basang basa na siya at mukhang naligo sa may lababo.

*Laugh*

"Okay next na"

Nag spin pa kami hanggang sa mas naging intense na yung bulgaran ng secrets.

Kanina light secrets lang. Katulad ng kay Drea sinabi niyang nagsusuot ng pink na boxer si Dree. Si Dave naman sinabing virgin pa si Grey. Habang ako naman nagutos lang ako.

Tumapat sa akin at kay Grey yung bottle, siya yung sa takip.

"We've kissed" nanlaki yung mata ko dahil sa sinabi niya.

"Grey!" napasigaw na lang ako.

"What? It's just a game walang personalan" kalmadong sabi niya.

Napatingin ako kay Zach upan makita ang reaksyon niya.

"Don't mind him. It's just a game guys" si Drea na nakatingin kay Zach.

"Kailan?" sabat ni Zach na nagpipigil ng galit.

Scribbled LoveWhere stories live. Discover now