Chapter 27

66 14 0
                                    

Mackie's POV:

Paakyat na ako ngayon sa rooftop ng lumang condominium na pagmamay ari ng parents ko.Hindi ko mapigilan ang labis na tuwa ng tawagan ako ng pinaka matalik kong kaibigan na si Tristan na nagsabi sa akin na kung pwede muna sya at ang kasama nya na makituloy muna saglit dito.

Halos dalawang taon na rin ang lumipas nung huli kaming nagkita at nagkausap ni "Adik" medyo nainis pa nga sa akin ang isang yun dahil pinipilit ko syang hinahanapan ng makakadate,paano ba naman kasi iniwan lang ng girlfriend nya akala mo pinagsakluban na ng langit at lupa.

Anyways,Ako nga pala si Maria Carmela Chua,Mackie for short ang isa sa mga bestfriend ni Tristan,bale ako yung pinaka maganda sa grupo namin haha charot lang mas maganda kasi sa akin si Hikari whahaha mas charot yun haha.Well dalawa lang naman kaming babae sa grupo namin at tatlong naggagwapuhang lalake ang pumapalibot sa amin,sina Tristan,Miguel at Ram.Kaso sa nagdaang mga taon hindi na rin  nabuo ang barkada namin yung dalawa kasi may malaking gap at tinuturing na karibal ang isat isa sa puso ng iisang babae,nakakaloka talaga ang mga lalakeng yun akala mo mauubusan ng jojowain at kailangan pang mag agawan sa iisang tao,nandito naman ako available haha.

Napapaisip ako at nahihiwagaan kung sino ang kasama ngayon ni Tristan sa rooftop?all these years wala akong nababalitaan na may girlfriend sya o may kalandian.Sa tono kasi ng boses nya kagabi nung tinawagan nya ako parang sobrang saya niya?alam mo yung pakiramdam ko habang kausap sya akala mo yung kausap ko isang naglalanding aso,haha ganun talaga yung feeling ko habang kausap sya.But in all fairness naging masaya ako sa tono nyang iyon hindi ko kasi maimagine na magiging masaya sya ulit ng ganun,matagal din na taon syang naging malungkot ng dahil kay Lyrics.

Nandito na ako sa floor kung nasaan ang exit papunta sa roofdeck ng building na ito.Minabuti kong pakinggan muna mula sa pintuang ito ang nangyayari sa labas ng rooftop,pero wala akong naririnig na kahit anong sign of life duon.Hindi kaya may ginagawa ng milagro ang kaibigan ko at ginagawa na nyang almusal yung kasama nya?ayy lakas maka fuc*boy haha.

Dahan dahan kong pinihit ang doorknob,kailangan kong makita ang ginagawang kababalaghan ni adik.Siguro sa mga oras na ito naglalakbay na sila patungong langit haha sa sobrang saya ha hindi sa kung anoman.

Dahan dahan kong itinulak ang pinto,wala pa rin akong naririnig na kahit ano sa likod ng pintong ito.Nang mabuksan ko na ito,agad kong pinalibot ang aking mata,malawak kasi ang lugar na ito ng condominium,saan kaya nilalantakan ni Adik yung kasama nya.

Muli,dahan dahan akong naglakad para hanapin ang kinalalagyan nina Tristan at ng almusal nya.

Hanggang sa mapahinto ako bigla ng makita ko sila.

"Tristan!!!"-sigaw ko

Sinasabi ko na nga ba!Tama ako kinakain na ni Tristan ang almusal nya haha.Huling huli ko na naghahalikan sila ng kasama nya.Nagulat ko sila.

"Mackie?"-Tristan

Gulat na gulat na napatingin sa akin si Adik,hindi nya siguro inaasahan na makikita nya ako dito.

"Well,Ako nga adik ang dyosa mong kaibigan."-ako

Napangiti naman si Tristan ng sabihin ko yan.Palapit na ako sakanya ng mapansin ko ang babaeng kasama nya.Napatigil ako sa paglalakad dahil sa pagkagulat ko.

"Kumusta kana Adik?"-Tristan

"Ayos naman ako."-ako

Papatayo na si Tristan mula sa kanyang pagkakaupo ng itanong nya sa akin yan.Ako naman ay nakatitig sa babaeng kasama nya,bale nakataas ng kaunti ang kanan kong kilay at may kaplastikan na nakangiti.

"So?anong ginagawa nya dito Adik?"-Ako

"Uhmm adik..Ano kasi.."-Tristan

Hindi makasagot ng maayos si Tristan at pilit na iniisip ang idadahilan sa akin.Tumayo naman mula sa pagkakaupo ang kasama nya.

Broken Promises (COMPLETED)Where stories live. Discover now